Isang blessing para kay Joshua Garcia ang sunud-sunod na proyekto na kaniyang natatanggap sa trabaho at dahil dito ay nakabili siya ng isang townhouse para sa kanyang pamilya.
Townhouse ni Joshua Garcia
Sa isang panayam, sinabi ni Joshua na nagmula sa kaniyang mga product endorsements ang kaniyang naipong pambili ng townhouse sa pamilya at dito rin niya nabawi ang kaniyang pinambili.
“Actually, ‘yong bahay na binili ko—’yong townhouse na nabili ko, parte lahat ‘yon ng pinaghirapan ko…” saad ni Joshua sa panayam niya sa Push.
“So para sa akin, mas gumaan ang pakiramdam ko kasi kakalabas ko lang ng pera, bumalik agad ‘yong blessing sa akin. Nabawi ko agad ‘yong nilabas ko. Kaya thankful ako kay Lord kasi hindi niya ako pinapabayaan dito sa industriya na ‘to.”
Mayroong ilang endorsements si Joshua, katulad ng Selecta Cornetto, Jollibee, Oppo, at iba pang brands.
www.instagram.com/p/BpeU2SmgAwq/
Payong-pinansyal mula kay Joshua Garcia
Naibahagi rin ni Joshua Garcia sa panayam ang kaniyang paraan ng paghawak ng kanyang kinikita mula sa pag-aartista at pagiging product endorser.
“Iniipon ko siya kasi hindi puwedeng labas lang nang labas ng pera. So para sa akin, iipunin ko muna ‘yon. And then kapag nakapag-decide na ako ipundar na panibago, ‘tsaka ko siya ilalabas ulit. So, ipon muna ulit,” dagdag pa ni Joshua.
Sa ngayon ay pinag-iisipan pa ng aktor ang kaniyang susunod na investment pagkatapos ng townhouse na kaniyang binili.
Kahalagahan ng pag-iipon
Tulad ni Joshua Garcia, marami na rin ang gaya niya na naglalaan ng pera para sa pag-iimpok.
Mahalaga ang pag-iipon upang mayroon tayong mahuhugot sa oras ng pangangailangan o emergency. Mahalaga rin ito sa pagbili ng mga bagay na maaari nating gawing investment sa buhay gaya ng bahay at lupa o anumang mapapakinabangan natin sa mahabang panahon.
Maaaring simulan ang pag-iipon mula sa pagtatabi ng barya gaya ng nakasanayang paghuhulog ng pera sa alkansya o puwede ring subukan ang Ipon Challenge na ginagawa ng karamihan ngayon. Himukin din ang mga bata na matutong mag-ipon upang maging matalino sa paghawak ng kanilang pera.
Source: ABS-CBN, Push
Photo: Joshua’s IG
BASAHIN: Paano ba turuan ang iyong anak na maging teen entrepreneur?