Tuwing summer, masarap bumiyahe at lalong masarap kumain! Tayong mga Pinoy talaga, hindi nakukumpleto ang pagkain kung walang panghimagas. Kaya naman, narito ang ilang Pinoy summer dessert recipes na magugustuhan ng buong pamilya, puwede pang tumulong ang mga bata sa paggawa!
Pinoy dessert recipes na tamang-tama ngayong summer!
Nag-iisip ba kayo kung anong masarap na panghimagas ngayong mainit ang panahon? Huwag mag-alala dahil sagot namin kayo! Narito ang mga Pinoy dessert recipes na pwede niyong gawin sa bahay. Puwede ring patulungin ang mga bata sa paghahanda nito, kaya hindi lang kayo magkakaroon ng panghimagas, magkakaroon din kayo ng oportunidad para sa isang masayang family bonding!
1. Leche Flan
Mga ingredients:
- Itlog (10 pieces)
- Condensed milk (maliit na can)
- Fresh milk o evaporated milk (1 cup)
- Granulated sugar (1 cup)
- Vanilla extract (1 tsp)
Paano gawin ang Leche Flan?
- Ihiwalay ang yolk mula sa egg whites (ito lang ang gagamitin sa recipe)
- Ilagay ang egg yolks sa malaking bowl. Haluin gamit ang tinidor o egg beater.
- Idagdag ang condensed milk at haluing mabuti
- Ibuhos ang milk at vanilla. Haluing mabuti.
- Ilagay ang llanera sa ibabaw ng stove at initin gamit ang mahinang apoy.
- Ilagay ang granulated sugar sa llanera at haluin hanggang matunaw, dapat light brown ang kulay.
- Ikalat ng pantay ang caramel sa flat na bahagi ng llanera.
- Takpan ito gamit ang aluminum foil
- I-steam ang llanera na may eggs at milk mixture (30 to 35 na minutos).
- Pagkatapos i-steam, hayang lumamig ito bago ilagay sa refrigerator.
- Ready to eat na ito. Good for 6 servings!
Tandaan: Puwede ring gumamit ng lampin para salain at siguraduhin walang bubbles at pino ang leche flan!
2. Pinoy summer dessert recipes: Halo-halo
Mga ingredients:
- Shaved ice or crushed ice
- Prepared Ube
- Langka (canned or sweetened)
- Bananas, diced (sweetened or ripe)
- Hilaw na mangga, sliced
- Tapioca (cooked or soaked in brown sugar syrup)
- Garbanzo beans (sweetened)
- Mung beans (sweetened)
- Milk flan (Spanish flan na may caramel sauce)
- Nata de coco
- Rice Krispies or dinurog na sweetened rice
- Gelatin (sea kelp or firm kind)
- Cream of corn o corn kernels
- Vanilla ice cream
- Sugar (depende sa panlasa niyo)
- Evaporated milk
Paano gawin ang halohalo?
1. Sa isang mataas na baso, magdagdag ng teaspoon or (tablespoon) ng bawat ingredient. Magdagdag ng sugar kung gusto niyo.
2. Idagdag and shaved o crushed ice hanggan mapuno ang baso. Maaaring gamitin ang kamay para mas maging siksik.
3. Lagyan ng gatas hanggang maging puti na din ang yelo.
4. Ilagay ang additional ingredients: milk flan, ube, vanilla ice cream. Idagdag ang rice krispies
5. I-serve, halo-haluin at enjoy!
Tandaan: Ilagay ang mas matamis na ingredients sa gitna para mas malasa!
Alamin ang mga iba pang tradisyonal na recipes sa kabilang page!
3. Pinoy dessert recipes: Mais con yelo na may buko
Mga ingredients:
- condensed milk (1/2 cup)
- evaporated milk (1/2 cup)
- corn kernels (1/2 cup)
- crushed ice (1 cup)
- buko meat, hiniwa (1/2 cup)
- Pinipig (1 tsp), optional
- Sugar, depende sa panlasa mo
Paano gawin ang mais con yelo?
1. Ihalo ang condensed at evaporated milk sa bowl; itabi.
2. Punuin ang dalawang baso ng 2 teaspoons na corn kernels at yelo.
3. Ihalo ang natitirang corn, buko, pinipig (kung meron).
4. Lagyan ng hinalong gatas, magdagdag pa ng sugar kung gusto mo.
5. Serve and enjoy!
Tandaan: Puede kang magdagdag ng vanilla (o kahit ibang flavor ng) ice cream para mas masarap!
4. Buko Pandan Salad
Mga ingredients:
- Gelatin (1 pack, pandan flavor)
- 3 pcs. Buko, shredded, thawed, drained
- Nestle cream or carnation thick cream (1 can)
- Sweetened condensed milk (1/2 cup)
Paano gawin ang buko pandan salad?
1. Lutuin ang gelatin. Ibuhos ang mixture sa isang pinggan (9 x 13 ang laki). Palamigin para tumigas.
2. Hatiin ang gelatin sa cubes. Itabi.
3. Sa isang mixing bowl, haluin ang buko, cream at condensed milk. Tikman para malaman kung kailangang pang magdagdag ng condensed milk.
4. Takpan ng plastic wrap, palamigin, at i-enjoy!
Tandaan: Puede ka rin gumawa ng Buko Pandan balls! Narito ang recipe.
5. Sago’t Gulaman
Mga ingredients:
- Tapioca pearls (3 cups)
- Gelatin powder (1 sachet)
- Brown sugar (3 cups)
- Vanilla extract (1 tbsp.)
- 2 to 3 cups water
Paano gawin ang sago’t gulaman?
1. Lutuin ang tapioca at gelatin depende sa instructions sa mga package nito.
2. Ilagay ang brown sugar sa isang palayok at tunawin gamit ang mahinang apoy.
3. Pag natunaw na ang asukal, idagdag ang water at vanilla extract.
4. Pakuluin at haluin hanggang matunaw ang asukal. Tandaan na hinaan lang ang apoy para di masunog ang asukal.
5. Patayin ang stove para lumamig ang mixture.
6. Sa isang baso, haluin ang tapioca pearls, sliced gelatin, 3 kutsarang sugar mixture, at isang cup ng malamig na tubig. Haluin sa isang baso. Enjoy!
Tandaan: Puede ka ring magdagdag ng Pineapple juice at pandan para mas refreshing!
6. Mango Tapioca o Mango Sago
Mga Ingredients
- 2 piraso ng malalaking mangga, hinog at tinadtad
- 1 lata ng 370 ml na condensed milk
- 340 ml na evaporated milk
- 1 tasa ng sago (tapioca pearls), niluto at pinalamig
- yelo (opsyonal)
Paano gawin ang mango tapioca o mango sago?
1. Sa isang malaking mangkok, paghaluin ang tinadtad na mangga, condensed milk, at evaporated milk. Haluin ito nang mabuti hanggang maging pantay ang pagkakasama.
2. Idagdag ang nilutong sago sa mga sangkap at haluin ito nang maigi hanggang maging kumpleto ang paghalo.
3. Ilagay ang Mango Sago sa mga serving glass. Maaari mo itong dagdagan ng yelo kung gusto mong mas malamig.
4. Ihain ang Mango Sago agad-agad bilang dessert matapos ang iyong mainit na hapunan o meryenda.
Ito ay isang napakadaling dessert na puno ng tamis at linamnam ng mangga na siguradong magugustuhan ng iyong pamilya at kaibigan. Enjoy ang iyong Mango Sago!
READ: Healthy summer snacks that are easy to make at home
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!