Stressful naman talaga ang traffic sa commuters, pero alam mo bang ayon sa mga eksperto nakaaapekto rin daw ito sa pag-aaral ng mga bata?
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Traffic nakaaapekto pati sa pag-aaral ng mga bata, ayon sa research
- Paano ihahanda ang anak sa nalalapit na face to face classes?
Traffic nakaaapekto pati sa pag-aaral ng mga bata, ayon sa research
Sa mga cities, number one na problema talaga ang traffic kahit saan ka mang magtungong lugar. Nakadadagdag stress ito sa pang-araw-araw na gawain dahil sa halip na ipapahinga na lamang ay bibiyahe pa ang mga tao. Maraming hassle ang dinadala nito sa commuters tulad na lamang ng mga manggagawa at maging sa mga estudyante. Kaya nga madalas na nagiging bunga ng traffic ay pagiging late ng karamihan.
Nai-publish ang isang pag-aaral sa medical journal na PLoS Medicine. Ang study ay ginawa ng BREATHE project sa pangunguna nina Maria Foraster at ni Jordi Sunyer mula sa Barcelona Institute for Global Health (ISGlobal). Inalam nila ang epekto ng traffic noise sa cognitive development ng bata lalo na sa kanilang attention at working memory.
Binigyang kahulugan nila ang ‘attention’ sa pag-aaral na ito bilang proseso na may kakayahang mag-focus sa isang specific stimuli ng mga bata. Habang ang ‘working memory’ naman ay isang sistema kung saan nagkakaroon ng kakayahan ang utak na magkaroon ng impormasyon.
Sinama nila ang 2,680 na batang participants na may edad 7 hanggang 10 upang obserbahan at pag-aralan ang dulot ng traffic noise sa kanila. Tumagal ang pag-aaral sa loob ng 12 buwan noong taong 2012 hanggang 2013. Sa pag-aaral na ito ay sinagutan ng mga participant ang cognitive test na inihanda ng researcher ng apat na beses. Layunin nitong mapag-aralan ang evolution ng working memory at attention ng mga bata.
Inaral din ng mga researchers ang measurements ng traffic noise sa 38 na schools kasama na ang playgrounds at classrooms. Dito nila nalaman na ang mga estudyanteng pumapasok sa mga schools na may mataas na traffic noise ay mas mabagal ang working memory at attnetion kumpara sa ibang estudyante.
Lumabas din sa resulta na ang pagkaranas ng bata sa parehong outdoor noise sa school at classroom noise ay parehong may epekto sa performance ng estudyante.
Mas mababa kasi ang kanilang resulta sa cognitive test at mas mabagal ang nagiging progress.
Ayon kay Jordi Sunyer, labis daw na makaaapekto talaga ang cognitive development ng bata. Lalo kung sila ay patungo pa lang sa adolescence stage.
“Our study supports the hypothesis that childhood is a vulnerable period during which external stimuli such as noise can affect the rapid process of cognitive development that takes place before adolescence.”
Kaya naman base sa pag-aaral, maganda na iwasan ang mga lugar na mabibigat ang traffic para hindi ito makaapekto sa pag-aaral ng inyong mga anak.
BASAHIN:
DepEd balak ang pagbabalik ng face-to-face class sa lahat ng paaralan
Hirap turuang magbasa ang inyong anak? Alamin ang whole-body learning para sa mga kids
Paano ihahanda ang anak sa nalalapit na face to face classes?
Kakaibang hirap ang dinala ng pandemya ng COVID-19 sa buong mundo lalo na sa Pilipinas. Marami ang nawalan ng trabaho. Nagbago ang everyday life ng bawat isa. At halos naging online rin ang kalakhan ng mga gawain kasama na ang pag-aaral. Nabigla ang marami dahil sa kawalan ng kahandaan sa online class kasama na ang kagamitan tulad ng tablet laptop.
Matapos ang humigit kumulang 2 taong online class, unti-unti na muling bumabalik ang face to face classes. Nangangahulugan lamang ito na balik na ulit sa paggising sa umaga at para sa iba ay biyahe na naman kasabay ang malalang traffic.
Sa tinagal ng mga anak sa loob lamang ng bahay, paano nga ba natin sila mahahanda sa pagbabalik paaralan? Narito ang ilang ways:
- Kausapin at i-orient ang anak na muli nang babalik ang sa dati ang klase kung saan araw-araw na siyang kailangan sa eskwelahan.
- Ipaalala muli ang mga do’s and dont’s sa loob ng school maging sa labas na activities.
- Ihanda ang lahat ng gamit na kinakailangan ng bata sa loob ng kayang backpack.
- Huwag kalimutang araw-araw na padalhan siya ng face mask, alcohol, sanitizer, at water bottle.
- Parati siyang i-remind sa importansya ng social distancing.
- Sanayin na siyang matulog at magising nang maaga upang hindi mahirapan sa pagsisimula ng klase.
- Palakasin ang kanyang resistensya sa pamamagitan ng pagbibigay ng masusutansyang pagkain at pagpapainom ng vitamins.
- Tulungan ang anak na magkaroon ng positive mindset sa muling pagbabalik niya sa paaralan.
- Kung kakayanin, mag-invest sa insurance upang matiyak ang future ng iyong anak.
- Suportahan at palaging pakinggan siya sa lahat ng kanyang opinyon at hinaing lalo at nag-aadjust pa siya muli sa pagbabagong ito.