Travel ban para sa mga lilipad papuntang South Korea, epektibo na

Para sa mga nagbabalak na bumista at magbakasyon sa South Korea, mukhang magiging malabo na ito dahil sa inutos na travel ban.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Manila, Philippines – Para sa mga nagbabalak na bumista at magbakasyon sa South Korea, mukhang magiging malabo na ito dahil sa pagtataas ng utos patungkol sa travel ban dito.

Travel ban South Korea Philippines | Image from Insung Yoon on Unsplash

Travel ban para sa mga lilipad papuntang South Korea, epektibo na

Kahapon, February 26, kinumpirma na nga ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ay pagtataas ng utos patungkol sa travel ban ng mga turistang papunta sa South Korea mula sa Philippines. Ito ay dahil pa rin sa nakamamatay na COVID-19 na nagmula sa bansang China kung saan kumitil ng 2,765 na buhay.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang travel ban na ito ay para sa mga turistang pilipino na papuntang Korea. Ngunit hindi kabilang dito ang mga pilipinong nagtatrabaho, nag-aaral at permanenteng resindente na ng Korea. Mapapatibay ito kung pumirma sila sa written declaration tungkol sa maaaring mangyari sa pagpunta nila sa Korea.

“The IATF [Inter-agency Task Force] has authorized Filipinos to travel to South Korea, provided that they are permanent residents thereof, leaving for study, or are overseas Filipino workers therein, They are to execute and sign a declaration, signifying their knowledge and understanding of the risks involved, prior to their travel.”

Travel ban South Korea Philippines | Image from Saveliy Bobov on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod pa dito, pagbabawalan na rin ang pagpasok ng mga turistang mula sa probinsya ng South Korea na North Gyeongsang. Kasama na ang Gyeongbuk, Daegu at Cheongdo.

Ang layunin ng travel ban na ito ay para sa kaligtasan ng mga pilipinong nais pumunta ng Korea. Ito rin ay para mapigilan ang bilang nga mga pilipinong maaaring maging positibo sa COVID-19.

Dagdag pa ni Panelo, marapat na suriin at pag-aralang mabuti ang sitwasyon sa naturang bansa sa loob ng 48 na oras. Ito ay para malaman kung palalawakin ba ang travel ban.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“In the meantime, strict protocols with respect to travelers entering the country from these areas in South Korea will continue to be observed,”

Samantala, ang presidente naman ng South Korea na si Moon Jae-in ay nagtaas ng alert level sa kanila. Ito ay bilang pangalawa sa may pinakamabilis na bilang na nagiging infected ng COVID-19. Maitatala na nasa 700 ang nadadagdag na kaso sa isang linggo. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing na isa sa may pinakamataas na bilang ng nagpositibo s coronavirus ang South Korea.

Sa ngayon, nasa bilang na 1,261 ang nagpositibo sa COVID-19 sa South Korea.

Maaari mong ma-track ang mga bansang nagpositibo sa COVID-19 at ang total ng mga ito sa Coronavirus COVID-19 Global Cases by Johns Hopkins CSSE

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Travel ban South Korea Philippines | Image from Kseniya Petukhova on Unsplash

Travel ban Philippines to South Korea

Hindi naman sang-ayon sa pagpapalawak ng travel ban sa South Korea si Presidente Duterte.
Ayon sa kanya,

“You cannot do that. There cannot be a total travel ban and you do not allow anybody to enter. You are going to lock down the entire Philippines for that, It ain’t that way. And for those who are healthy, they should come in. And for those who have been identified from other countries, then that is the time that we can raise the objection of his entry.”

Source: CNN Philippines

BASAHIN: Coronavirus: Sanhi, sintomas at paano ito iiwasan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano