Trina Candaza ibinahagi ang "paghiram" ni Carlo Aquino sa kanilang anak

Ibinahagi ni Trina Candaza ang paghiram ni Carlo Aquino sa kanilang 1 year old daughter na si Baby Mithi. Alamin dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Trina Candaza, ipinasilip sa mga netizen ang paraan ng kanilang pagco-co-parenting ng ex na si Carlo Aquino para sa kanilang anak na si Mithi.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Trina Candaza at Carlo Aquino co-parenting
  • 5 rason kung bakit mahalaga ang ‘me time’ sa isang ina

Trina Candaza at Carlo Aquino co-parenting

Noon lamang nakaraang buwan ay ibinihagi ni Trina Candaza, dating non-showbiz girlfriend ni Carlo Aquino, ang kaniyang paglipat ng tirahan kasama ang kanilang anak na si Mithi.

Sa video na in-upload sa kaniyang kagagawa lamang na Youtube channel ay ibinahagi niya ang kanilang bagong tahanan ng anak. Ipinakita rin niya rito kung paano nila inaalagaan ang anak.

Mahigit pa lamang na isang taong gulang ang anak ni Carlo Aquino at Trina Candaza na si baby Mithi. Sa kasalukuyan, si baby Mithi ay kasama ng kaniyang ina na siyang araw-araw na nag-aalaga sa kaniya.

Mapapansin sa vlogs ni Trina ang pagiging hands-on niya sa pag-aalaga sa anak. Dahil kahit na siya ang mag-isang gumagawa ng mga gawaing bahay, tutok pa rin siya sa pagpapalaki ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Trina ang araw-araw na nagpapaligo, nagluluto at nagpapakain sa anak. Bukod pa rito, hindi pa rin nawawala ang quality time ng mag-ina. Halimbawa na lamang nito, ang panunuod ng magkasama at pagkikipaglaro kay baby Mithi.

Pagbabahagi ni Trina sa kaniyang latest vlog,

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Good morning. Today, susunduin si Mithi ng daddy niya.. Hihiramin muna siya.”

Dito ay ipinakita ni Trina ang sistema sa kung paano ang nagiging paraan upang gaya niya, ay magkaroon din ng oras si baby Mithi kasama ang kaniyang ama.

“Her dad is waiting at the lobby na.”

Hindi na kinakailangang pumasok ni Carlo sa tinitirahan ng mag-ina, kaya naman inihatid ni Trina si baby Mithi sa baba upang makasama ang papa nito.

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“So ayun, binaba ko na Mithi. Pinick-up siya ni Carlo.. ng papa niya. Hiniram muna siya,” pagbabahagi niya.

Pagkahatid sa anak upang makasama ng ama nito, ibinahagi ni Trina kung paano niya produktibong ginagamit ang oras kapag wala si baby Mithi. Ayon sa kaniya,

“Since wala si Mithi, agenda ko today is tapusin ‘yong mga work ko.”

Dagdag pa niya,

“Mamaya uuwi din si Mithi sa akin.”

Habang kasama pa ni Carlo si baby Mithi at nag-focus si Trina sa mga dapat niyang gawin. Karamihan sa mga ito ay ang mga bagay na related sa kaniyang trabaho.

Dahil agad niya itong natatapos, sinusulit din niya ang pagkakataong ito upang makakilos at makagawa ng gawaing bahay tulad ng paglilinis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Trina Candaza

Mahaba ang oras ni Carlos kasama ang anak, kaya nagagawa pa rin ni Trina magpahinga at magkaroon ng Alone time.

Gaya ng sinabi niya sa unang parte ng kaniyang vlog, noong araw ring iyon ay inihatid muli ng ni Carlo ang kaniyang anak.

“Bye-bye ka na.. Flying kiss mo na, flying kiss,” ang sinabi ni Trina habang itinuturo sa kanilang anak ang kaniyang papa na papaalis na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Trina Candaza to netizen na nagsabing inagaw niya si Carlo Aquino: “Wala akong inagaw.”

WATCH: Trina Candaza pregnancy journey with baby Enola Mithi

LOOK: Carlo Aquino, isa ng daddy!

5 rason kung bakit mahalaga ang ‘me time’ sa isang ina

1. Ang ‘me time’ ay makagbibigay ng oras para alagaan ang iyong sarili

Bukod sa pagiging ina, mayroon ka ring sariling buhay. Mahalagang siguraduhin na nabibigyayn mo ng sapat ng alaga ang iyong sarili.

Kung ikaw ay nakakakain ng sapat at healthy na pagkain at ikaw rin ay nakakapag-exercise, makakatulong ito upang higit mo pang maalagaan ang iyong pamilya at anak.

Ang pagkakaroon ng oras upang mag-relax ay mahalaga rin para sa iyong kalusugan.

2. Masarap din mahiwalay paminsan-minsan

Bawat ina ay kailangan ng oras paminsan-minsan na hindi kasama ang kanilang anak. Ito ay makakatulong upang ikaw ay makapag-relax at magisip.

Hindi kailngang sa lahat ng panahon, ikaw ay nagaalala sa mga maliliit na bagay. Refreshing din ang pagkakaroon ng oras sa sarili.

3. Mami-miss mo ang iyong anak kapag ikaw ay nahiwalay sa kaniya

Ang ma-miss mo ang iyong anak ay maganda ring bagay. Dahil kapag ikaw ay nahiwalay sa kaniya at labis mo siyang na-miss, mas nagiging sabik ka na makasama siyang muli.

Matapos ng inyong pagkakahiwalay, higit na nagkakaroon kayo ng mas espesyal pang oras na magkasama. Bukod pa rito, iyo ring sisiguraduhin na magkakaroon kayo ng maraming quality time pa nang magkasama.

4. Ito ay makakatulong upang ikaw ay makapag-recharge

Kapag ikaw ay mayroon oras sa iyong sarili, magagamit mo ito para magkaroon ng refreshed at malinis na kaisipan. Higit na magiging handa kang alagaan ang iyong anak muli.

Bukod pa rito, makakatulong ito upang ang mga bagay na bumabagabag sa iyong isipan ay higit na maging klaro.

5. Magkakaroon ng pagkakataon ang iyong anak na bumuo ng bond at tiwala sa mga nakakatanda sa kaniya

Kung mayroong siyang pagkakataon makisama at makisalamuha sa iba bukod sa ‘yo, higit na matututo siyangg magtiwala sa nakakatanda.

Madadagdagan din ang kaniyang kaalaman tungkol sa iba at kaniyang sarili habang siya ay lumalaki at nagkakaroon ng sariling pagiisip.