Opisyal na ngang sumali sa vlogging industry ang mag-asawang si Troy Montero at Aubrey Miles.
Troy Montero and Aubrey Miles, may YouTube channel na!
Ang mag-asawang si Troy Montero at Aubrey Miles ay naisipan na ngang simulan ang kanilang YouTube channel na pinangalan nilang “Livin’ with Troy and Aubrey.”
Sa kanilang bagong YouTube channel kung saan ibabahagi nila ang ilang mga bagay-bagay na nangyayari sa kani-kanilang buhay kasama na rin ang buhay ng kanilang tatlong anak na sina John, Hunter, at bunsong si Rocket.
Aniya nga ni Aubrey sa kaniyang Instagram post noong ika-9 ng Setyembre, kung saan ipinakita niya ang teaser sa kanilang first video, “LIVIN’ with Troy & Aubrey teaser. Our very first family you tube channel.”
Dagdag pa niya, “I’m not sure where to start but definitely a lot of fitness, plants, motherhood, as a lifetime partner Etc.”
“How about top 10 Troy and I fight about? Haha Dapat top 20-30 haha ,” biro pa ng fitness celebrity mom.
Tinag rin niya ang mga anak at asawa sa kaniyang caption bago magpasalamat in advance, “@rocketmiller01 @huntercodymiller @sjohnmo @troymontero Please check out the link on my BIO. Thanks guys.”
View this post on Instagram
Ibinahagi rin ni Troy ang teaser sa kaniyang Instagram account, “Our family YouTube channel is up! Here’s a teaser…Here we go! Please click the link in my bio, thanks ❤️”
View this post on Instagram
First video
Para sa first video nila Troy Montero at Aubrey Miles, kasama nilang nakaupo ang tatlo nilang anak kung saan tinalakay nila kung anong content ang gusto nilang ibahagi sa kanilang mga viewers.
Ang mga paksa nga na kanilang napag-usapan ay tungkol sa fitness, mga halaman, gaming, at pagiging magulang nga nila Troy at Aubrey.
Ang fitness couple nga na sina Troy at Aubrey ay sumali na nga sa tumataas na listahan ng local celebs na pumasok sa vlogging industry tulad ng Team Kramer at marami pang iba.
Panoorin ang kanilang first vlog dito:
Source: Livin’ with Troy and Aubrey
Basahin: Aubrey Miles nanganak na ng isang healthy baby girl
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!