Troy Montero masaya sa ilang developmental milestones na ipinapakita ng anak niyang si Rocket matapos sumailalim sa therapy.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Aubrey Miles and Troy Montero daughter na si Rocket.
- Troy Montero sa developmental milestones ng anak niyang si Rocket
Sa Instagram ay masayang ibinahagi ng aktor at host na si Troy Montero ang ilan sa developmental milestones ng anak nila ni Aubrey Miles na si Rocket. Si Rocket ay apat na taong gulang sa ngayon na na-diagnose na may autism spectrum disorder or ASD noong nakaraang taon.
Ang mag-asawa ibinahagi ang naging karanasan nila sa kung paano nila nalaman at nakumpirma ang kondisyon ng anak. Ibinahagi rin nila ang kanilang naging desisyon na ipa-therapy ang anak. Ngayon nga, base sa Instagram post ni Troy ay nagdulot na ng improvement sa kondisyon ni Rocket.
Troy Montero sa developmental milestones ng anak niyang si Rocket
Larawan mula sa Instagram account ni Troy Montero
Ayon kay Troy, sa unang pagkakataon ay naiwan nilang matulog ng mag-isa ang anak na si Rocket. Bagamat ito ay panandalian lamang ay masaya siya at ang asawang si Aubrey Miles dahil malaking achievement na ito para sa anak.
“The other night, my daughter slept in her own bed for the very first time. ❤”
“We tucked her in last night to find out if she would sleep by herself for another night. After we switched off the lights, she began fake snoring. Then, she quietly sneaked into our bed. Mommy and I tried our best not to laugh because it was incredibly adorable. 😂🙏🏼”
Ito ang natatawang pagbabahagi ni Troy sa kaniyang Instagram account.
Dagdag pa niya ay nagsisimula ng magkaroon ng interes si Rocket sa mga stuffed toy. Sa katunayan sa picture na ibinahagi ni Troy sa Instagram ay makikitang yakap-yakap ni Rocket ang kaniyang laruan.
Larawan mula sa Instagram account ni Troy Montero
“Lately, she’s been taking her stuffed animals to bed and even in the car. She hugs them while sleeping, which is a first because she never used to show much interest in those stuffed animals.”
Ito ang pagbabahagi pa ng celebrity dad.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!