Celebrity dad na si Troy Montero ibinahagi kung paano niya dinidisiplina ang anak na si Rocket na nakakaranas ng autism spectrum disorder. Troy nagbahagi rin ng tips kung paano nasisigurong healthy ang relasyon nila ng asawang si Aubrey Miles.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Paano dinidisiplina ni Troy Montero ang anak niyang si Rocket.
- Sikreto ni Troy sa masayang pagsasama nila ni Aubrey Miles.
Paano dinidisiplina ni Troy Montero ang anak niyang si Rocket
Nitong nakaraang taon ay ibinahagi ng mag-asawang sina Troy Montero at Aubrey Miles ang pinagdadaanang kondisyon ng kanilang bunsong anak na si Rocket. Si Rocket na-diagnosed na may Autism Spectrum Disorder o ASD.
Sa isang series of Dad Talks na isinagawa ng Dadbud PH ay ibinahagi ni Troy Montero ang challenges sa pagiging ama sa isang batang may autism. Partikular na sa kung paano niya dinidisiplina ang anak na si Rocket.
Kuwento ni Troy, hindi tulad ng approach niya sa mga anak na sina Maurice at Hunter, mas kalmado at pasensyoso si Troy kay Rocket. Isang bagay na talagang natutunan niya daw ng dumating sa buhay niya ang kanilang only girl sa pamilya.
“When she is acting out, I can’t say “Stop it na, you have to go to your room”. You have to deflect and go on a different way. I have to sing to her, I have to hold her. I have to divert her attention to somewhere else.”
Ito ang pagbabahagi ni Troy.
Maliban sa positive reinforcement, tip pa ni Troy, may iba pang hakbang silang ginagawa ni Aubrey para maiwasan ang tantrums ni Rocket.
Kabilang na dyan ang pagkakaroon ng daily routine ni Rocket para hindi ito nabibigla sa mga bagay-bagay sa paligid niya. Pati na ang paggamit ng visual aids at mga salita para ipaliwanag dito ang bawat bagay na ginagawa nila.
Pag-amin ni Troy, very challenging ang pagiging magulang sa isang batang may autism. Pero sa journey nilang ito ni Aubrey Miles ay marami siyang natutunan na naging daan para ma-improve niya ang sarili niya at mas maging better person sa mga taong nakakasalimuha niya.
Sikreto ni Troy sa masayang pagsasama nila ni Aubrey Miles
Larawan mula sa Instagram account ni Troy Montero
Pagdating sa masayang pagsasama nila ni Aubrey ay ibinahagi rin ni Troy ang sikreto niya. Ito ang ultimate secret niya umano para mabawasan rin ang stress sa buhay niya.
“We do a date night with the missus. If you take her our even for coffee, leave your phone at home. You just give her all the attention.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!