Nakaka-stress talaga kapag ikaw ay pinagtsismisan ng mga tsismosa o tsismoso sa inyong barangay. Lalo na’t wala ka namang ginagawang masama sa kanila at trip lang talaga nilang pag-usapan ang inyong buhay. Huwag mag-alala mga mommy may mensahe si Pope Francis sa kanila.
Sa misang pinangunahan ni Pope Francis sa Vatican sinabi niya ang pagiging tsismosa o tsismoso ay mas masahol pa sa COVID-19 pandemic.
“Please, brothers and sisters, we make an effort not to gossip. Gossip is a plague worse than Covid.”
Dagdag pa niya ang mga tsismis sa isang komunidad ay nagsasara ng puso sa para sa ating mga kapwa sa ating mga komunidad.
“Gossip closes the heart of the community, closes the unity of the Church.”
Sinabi rin ni Pope Francis na ang mga greatest talker umano ay ang mga demonyo. Iyong mga taong nagsasabi ng mga masasamang bagay tungkol sa kanyang kapwa.
“The greatest talker is the devil, who always goes about saying the bad things of others, because he is the liar who tries to disunite the Church, to alienate his brothers and not to make community.”
Masama ang paninira sa kapwa. Nakakasira ito ng reputasyon at relasyon ng ibang tao sa kanilang kapwa. Pero hindi naman talaga maiiwasan na makasalamuha ng ganitong tao. Pero ayon kay Pope Francis dapat na ipagdasal at alam natin na maling gawain ang makipagtsismisan at pagtsismisan ang buhay ng iba.
Mismong pinuno na ng simbahang katolika ang nagsabi na masama talaga ang tsismis. Ipagdasal na lang din ang mga tsismosa at tsismosong walang magawa sa kanilang buhay.
Alam niyo bang pwedeng sampahan ng kaso ang mahilig gumawa ng tsismis?
Oo, kung hindi na madadaan sa dasal ang pagiging tsismosa ng inyong mga kapitbahay pwede niyo silang kasuhan. Hindi pinapayagan sa ating batas ang pangyuyurak sa ating buhay at pagkatao.
Pwede magkaroon ng criminal liability ang tsismosang hindi ka pa rin tinitigilan. Narito ang ilang mga kaso na maaaring isampa sa inyong kapitbahay na tsismosa at tsismoso. May mga kasong kriminal, sibil, at administratibo kaso ang pwede niyong ihain sa korte.
1. Cyberlibel under R.A. 10175
Maaaring mo itong ikaso kung ikaw ay pinagtsitsimisan sa mga social media platform katulad ng facebook. Maaaring makulong sila ng 6 months at isang araw hanggang 6 na taon depende sa tindi ng kanilang ginawa.
2. Slander
Maikakaso mo rin ang slander kung ikaw ay sinisiran o nagkakalat ng maling balita sa pamamagitan ng verbal interaction. Anumang kasinungalingan o nakakasira sa reputasyon o karakter ng isang tao ay paparusahan ayon sa batas.
Paparusahan ng kulang at isang krimen sa ilalim ng “Article 358 ng Revised Penal Code. Maaari rin siyang magmulat ng at makulong ng 6 na taon.
3. Republic Act No. 7610
Kung damay pati ang inyong mga anak sa tsismis ng inyong mga kapitbahay. Pwedeng-pwede niyo rin silang kasuhan. Ang batas na ito ay kilala rin sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” o “Anti-Child Abuse Act”.
Kapag mapapatunayan na ang nasasakdal maaari siyang makulong ng 12 na taon. Ito ang minumum na taon.
4. Article 282 of the Labor Code
Hindi lamang mga kapitbahay o mga kabarangay ang maaaring pagtsismisan ka. Ganoon din sa inyong workplace. Huwag mag-alala may batas din para sa mga mahilig sa tsismis sa inyong workplace.
Kadalasan naman talagang nasa company policy ang pagbabawal sa pagkikipagtsismisan. Lalo na ang pagtsismisan ang katrabaho. Bawal ito ayon sa batas.
Maaaring bumagsak sa serious misconduct o willful disobedience. Makakasuhan siya ng administrative case ayon sa batas na ito. Pwede rin maging sanhi ng kanyang pagkakatanggal sa trabaho.
5. Article 364 ng Revised Penal Code of the Philippines
Ang batas na ito pumapatungkol sa krimen laban sa iyong dangal, “Intriguing against honor”. Maaaring maaaresto at makulong 1 hanggang 30 araw at magmula not exceeding 200 pesos kung mapapatunayan ang pagkakasala.
6. Article 26 ng New Civil Code on Human Relations
Pwede ring maging kasong sibil ang tsismis at pwedeng-pwede kayong humingi ng danyos. Sinasabi sa batas na ito na lahat ng tao ay dapat irespeto ang dignidad, personalidad, privacy o pagsasarili at kapanatagan ng pag-iisip o peace of mind ng ibang tao.
Kapag ikaw nakaranas ng pagsilip sa iyong privacy o bahay, pakikialam o pang-iistorbo sa inyong pribadong buhay, pang-iintriga, o pangbibiwisit. Pwede kayong magsampa ng kasong sibil at humingi ng danyos.
SOURCE:
Pope says gossip is a ‘plague worse than Covid’
BASAHIN:
How can moms and dads deal with having nosy neighbors?
Is your maid gossiping about your family? Here’s what you can do about it