Ang mga bagong silang na sanggol ay may baligtad na oras ng pagtulog dahil madalas silang tulog sa umaga at gising naman sa gabi. Sa ganitong panahon laging napupuyat ang mga magulang, lalo na ang mga ina dahil sila ang mas kailangan ng mga baby.
Dahil sa ganitong set up, kadalasang mas pagod ang mga ina kaysa sa mga ama kaya nakakainggit kung minsan na makitang masarap ang tulog ng mga asawa habang ikaw naman ay nagpupuyat sa kahehele at pagpapasuso kay baby.
Isang first time mom ang nagkaroon ng inspirasyon mula rito at gumawa ng tula para sa asawa niyang himbing na himbing sa pagkakatulog habang siya ay abala sa pag-aalaga ng baby nila sa gabi.
Inspirasyon sa paggawa ng tula para sa asawa
“My husband is a fantastic dad,” sabi ni Caroline Olling Anderson sa isang panayam sa Bored Panda.
“He is an amazing primary school teacher, and he has always brought a lot of fun and humor to our relationship, which he now also brings to daddyhood.” pagpapakilala niya sa kanyang asawa.
Ipinaliwanag ni Caroline ang naging kasunduan nila ng kanyang asawa pagdating sa pag-aalaga ng kanilang anak.
“Truth is, we made a deal during my pregnancy that I’d take the night shift, because I’ve been blessed with long maternity leave. [This way,] he gets to sleep so he can be ready for his 10-12 hour day teaching 10-year-olds.” aniya.
“That said, tiredness will still cause you a lot of passive aggressive feelings in the early hours at night – hence my poem, which was written at 4 am on a particularly tiring night (everything I wrote in that poem happened on that one night).” dagdag ni Caroline.
Tula para sa asawa na laging “missing in action” sa puyatan
Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang tula para sa asawa ni Caroline at umabot na sa 16,000 shares ang kanyang ginawa sa mga oras na ito.
May ilang naka-relate at natuwa habang mayroon ding mga hindi natuwa sa tulang ginawa ni Caroline. Ang iba ay nagagalit sa kanyang asawa at ang iba naman ay nagagalit sa pamamahiya niya diumano sa kanyang asawa online.
“After the poem went viral, I’ve read a lot of comments which have shamed him for not being more active at night and me for complaining about his inactivity,” sabi ni Caroline.
“What part of my “meant to be funny” poem made you so upset?” dagdag niya sa isa pang post sa kanyang sariling blog na The Mommy Poet.
Reaksyon ni mister sa tula ni Caroline
Matapos niyang gawin ang tula ay binasa ito ni Caroline sa kanyang asawa kinaumagahan. Noong una ay hindi umano ito natuwa ngunit nang kinahapunan ay natawa na ito sa kanyang tula.
“When I read the poem out loud to him the next morning, he didn’t find it particularly funny – though he was simultaneously trying to soothe our fuzzy daughter, so I might have chosen the wrong time to read him a mockery poem.”
“It was only later that day, over ice cream and a sleeping daughter, that he read it out loud and laughed and said it was brilliant. He since suggested that we get a laptop for me so I have an appropriate platform to write during my early morning waves of creativity.” sabi ni Caroline.
Mga natutunan ni Caroline sa kanyang karanasan matapos gumawa ng tula para sa asawa
Inilahad din ni Caroline sa panayam ang kanyang naging saloobin ukol sa pagpapamilya. Ibinahagi rin niya ang ilang bagay na natutunan mula sa mga payo ng kanyang mga magulang.
“Parenthood is tough and rough and can really strain a relationship. We make a solid attempt to place our relationship very high on our list of priorities.” aniya.
“My parents (happily married for 29 years)- have taught me that a marriage should be prioritized above the children.”
“As my mother said – “Happy parents results in happy children”. As per the airplane instructions – “attend to yourself before helping your child.” So that means making sure we have date nights and take time each day to put the baby down and kiss and hug each other.”
“A lot of people have misunderstood the tone of my poem as anger towards my husband. It’s meant to be read with humor and love for both him and my daughter.” dagdag pa ni Caroline.
Mga bagay na maaaring gawin ni Daddy upang matulungan si Mommy sa pag-aalaga kay baby
May ilang payo para sa mga daddies ang certified International Board of Lactation Consultant Examiner na si Catharine Monet mula sa kaniyang article sa Huffington Post.
Makipag-usap at makinig
“Mahalaga ang komunikasyon sa mag-asawa. Nang magdesisyon kayo na magluwal ng isang bata, dapat isaisip na bukas dapat ang komunikasyon ninyo bilang magkatuwang sa buhay. Ganoon din sa pag-aalaga ng bata.”
Bigyan ng masahe si misis
Isa sa mga napakaraming suporta na pwedeng gawin ng mga mister ay ang pag-aaral kung paano mag-masahe kay misis. Nakakatulong ito sa paglabas ng gatas kapag nagpapadede, at makakarelax pa kay mommy. Happy mother = happy baby.
Tumulong sa mga gawaing bahay
Bawasan ang stress ni Mommy sa pamamagitan ng pagtulong sa ilang gawaing bahay na kayang-kaya gawin ni Daddy gaya ng pagwawalis ng sahig, paghuhugas ng plato, pagtatangkap ng mga kalat, at marami pang iba.
Magkaroon ng balanseng ‘shift’ sa pag-aalaga kay baby
Hindi dapat iasa ang lahat ng pag-aalaga kay Mommy. Subukang magkaroon ng ‘parenting shift’ sa inyong mag-asawa upang salitan na makapagpapahinga ang bawat isa.
Source: boredpanda.com, The Mommy Poet
Images: Caroline Olling Andersen, Shutterstock
BASAHIN: Mga paraan para matulungan ni daddy si mommy sa pag-breastfeed kay baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!