Ano ano nga ba ang tulong na kailangan ng bagong panganak na ina?
Mababasa sa artikulong ito:
- Paraan upang matulungan ang bagong panganak na ina
- Sintomas ng postpartum sa mga bagong panganak na ina
Nasa 20% ng kababaihan ang nakakaranas ng mental health problems sa sa kanilang buhay. Mas mataas ang bilang ng mga babaeng madaling mastress kumpara sa mga lalaki dahil ang mga babae ay mas emosyonal.
Mas matindi ang epekto ng stress sa mga babaeng kakapanganak pa lamang. Kaya’t mainam na malaman kung paano malilimitahan ang stress ng isang bagong panganak na ina, upang maiwasan ang hindi ka nais nais na mga pangyayari.
Ang bawat ina na nakaranas ng panganganak ay makakaramdam ng samu’t saring emosyon, may saya, lungkot, pag-aalala at takot sa lahat ng oras.
Hindi ito maiiwasan ngunit maaring lumala lalong lalo na kung sila ay kulang sa pahinga dahil magdamag silang gising upang alagaan si baby.
Mahalaga ang stress management pagkatapos manganak
Ang presensya ni baby ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan sa mga magulang. Ngunit kasabay ng kasiyahan na ito ay ang mapaghamong karanasan sa mga magulang. Marahil, kakailanganin mo ng konti pang panahon upang maunawaan ang mga hakbang, proseso at ibig sabihin ng iyak ni baby
Maraming ina ang nagsabing nararanasan nilang ma stress ng kaunti sa unang mga buwan pagkatapos ng kanilang panganganak. Ang stress ay dulot ng hindi pa nila kasanayan sa pag-aalaga ng baby. Karagdagan, kinakailangan din nilang harapin ang mga sumusunod:
- Pagbabago ng katawan
- Pagbabago ng relasyon sa pagitan ng ina at ng kaniyang asawa pati na rin sa ibang miyembro ng kanilang pamilya
- Mga tungkulin na dapat gampanan ng isang ina
- Problemang pinansyal
- Mas kaunting oras para sakanilang mga sarili
Kung hindi bibigyang pansin ang mga ito ay maaaring lumala at humantong sa Postpartum Depression (PPD). Hindi ito nagsisimbolo ng kahinaan o anumang uri ng pisikal na sakit.
Ang Postpartum Depression (PPD) ay maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na gawain ng isang ina. Maaari niyang ikulong ang kanyang sarili sa isang silid o lumayo sa kaniyang pamilya.
Ang pinakamalalang maaaring maging epekto nito ay hindi niya na makontrol ang kaniyang mga kilos at maaari niyang masaktan ang kaniyang sarili pati na rin ang mga tao sa kaniyang paligid. Kasama na rin dito ang hallucination at delusion.
Isa sa mga similar na pangyayari ay ang Andrea Yates of Texas kung saan nilunod nito ang kanyang limang anak noong 2001.
Sintomas ng isang postpartum na ina na nakakaranas ng depresyon
- Umiiyak ng walang dahilan
- Kawalan ng konsentrasyon habang ginagawa ang mga trabaho
- Madalas na balisa at madaling mapagod
- Kawalan ng gana sa pagkain o labis na pagkain
- Inilalabas ang galit sa asawa o sa ibang miyembro ng pamilya tungkol sa maliliit na bagay
- Hindi makatulog sa gabi
- Hindi pinapansin ang anak / Hindi ito pina be breastfeed
- Nakakarinig ng mga tunog sa paligid na guni guni lamang at pagiisip tungkol sa pagpapakamatay
Tulong na kailangan ng bagong panganak na ina: Tips para stress management
1. Pagkain ng mga masusustansyang pagkain
Ang mga masusustansyang pagkain ay nagsusuplay ng nutrients sa ating katawan. Importanteng kumain ng masusutansya ang mga breastfeeding mom upang sila’y may lakas sa pag-aalaga kay baby.
Iwasan ang mga pagkain na may saturated fats tulad ng mga pagkain sa fast food, butter at keso. Sa halip, kumain ng mga pagkain na walang saturated fats tulad ng avocado, olive oil at iba pa.
Kung walang oras para magluto ay piliing kainin ang mga madaling ihanda ngunit masustansya na pagkain tulad ng brown rice, itlog, baked potatoes at mga prutas.
2. Maglaan ng oras para sa sarili
Karamihan sa mga ina ay natatakot iwan mag-isa ang kanilang mga baby dahil kapag nawala ka sa kanilang paningin ay iiyak na agad ang mga ito. Sa mga ganitong kaso, mahihirapan ang mga ina na magpatuloy sa buhay lalo na kung nagkukulangan sila sa tulog at pahinga.
Mahalagang humanap ng oras para matulog habang tulog ang iyong baby o habang ikaw ay nag be breastfeed. Turuan ang iyong baby na humiga sa kama, iwasan ang palaging pagsuporta o pagkalong sa kanya dahil ito ang dahilan kung bakit siya umiiyak sa tuwing malalayo sa iyo.
Maari ring humingi ng tulong sa iyong asawa na alagaan ang iyong anak kung wala itong trabaho o nasa bahay lamang.
3. Matutong kumalma at ipahayag ang iyong damdamin
Kung hindi mo kayang maglinis ng bahay araw-araw ay huwag mo itong gawin. Ang isang bagay na kailangang malaman ng mga ina ay hindi lahat ng gawaing bahay ay kailangang tapusin sa loob lamang ng isang araw.
Matutong huminahon at laging tandaan na binubuhos mo na ang iyong makakaya para sa iyong anak. Hindi lamang iyon, hindi dapat makaranas ng stress ang ina dahil mararamdaman ito ni baby at maari rin siyang ma stress.
Mahalaga ring sabihin sa asawa , mga kaibigan o ibang miyembro ng pamilya ang iyong nararamdaman. Ito ay epektibo upang maiwasan ang stress at magkaroon ng lakas upang alagaan at palakihin ang iyong anak ng maayos.
Sa gabi, bago matulog ay kalimutan ang lahat ng pagod at mga bagay na hindi mo nagawa sa maghapon, bagkus magpasalamat ka at magpokus sa mga magagandang bagay at mga trabaho na nagawa mo.
Source:
Isinalin sa wikang Filipino mula sa wikang Malay na may pahintulot sa theAsianparent Malaysia ni Alyssa Joyce Wijangco