5 tungkulin na kailangan gawin ng mga Daddy para sa mga anak na babae

Mahalaga ang ibinibigay na oras at pagmamahal ng mga ama sa mga babaeng anak nila. Ito ay ayon sa isang child psychologist na nagbigay rin dito ng paliwanag kung bakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga tungkulin ng ama sa anak na babae na dapat niyang magampanan habang siya ay lumalaki.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Tungkulin ng ama sa anak na babae
  • Payo para sa mga tatay

Ang tungkulin ng ama sa anak na babae

Ayon sa child psychologist na si Daniel Flint, napakahalaga ng ginagampanang papel ng isang ama sa pagpapalaki ng kaniyang anak na babae. Ito’y dahil ang mga tungkulin na dapat gampanan niya’y malaki ang epekto sa magiging ugali o behavior ng kaniyang anak na babae kapag ito’y ganap na adult na. Pinaliwanag ito Flint gamit ang iba’t ibang pag-aaral na tumukoy sa naging negatibo at positibong epekto sa mga anak ng naging attitude o behavior ng kanilang ama habang sila’y lumalaki. Kaya naman para maiwasang mangyari ito sa iyong anak, narito ang mga tungkulin ng ama sa anak na babae na dapat niyang mapangatawanan at magampanan.

Man photo created by pch.vector – www.freepik.com 

1. Panatilihin ang komunikasyon at pagyamanin ang kanilang father and daughter relationship.

Base sa isang pag-aaral, mahalaga na mapanatiling maayos ng isang ama ang komunikasyon at relasyon niya sa kaniyang anak na babae. Dapat itong gawin magkasama o magkahiwalay man sila ng ina ng bata o kung nakatira man sila sa iisang bahay o hindi. Magagawa ito sa pamamagitan ng madalas ng pagtawag o pagbisita sa batang babae. O kaya naman ay pakikipag-usap sa anak na babae o paggawa ng mga activity na kasama siya.

Sapagkat ayon sa isang pag-aaral, lumabas na nakakaranas ng depresyon ang mga adolescent girls na walang maayos na komunikasyon at relasyon sa kanilang ama. Ang feelings ng rejection at neglection ang naging ugat para makaramdam sila nito. Pero ang mga ama’y hindi aware na ganito ang nagiging epekto sa mga anak nilang babae. Sapagkat sila nga’y walang oras na makipag-communicate sa anak para mapag-usapan ang nararamdaman nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Dapat ay maglaan ng oras ang mga ama na gumawa ng mga activity o makasama ang kanilang anak na babae.

Kaugnay pa rin sa naunang tungkulin, isang pag-aaral ang nakapag-punto ng nagiging positibong epekto sa mga anak na babae sa tuwing nakakasama nila ang kanilang ama. Natukoy tukoy ito sa pamamagitan ng isang programa na kung tawagin ay Dads and Daughters Exercising and Empowered o DADEE. Sa tulong ng programa, sumailalim sa training ang ilang ama kasama ang kanilang anak na babae. Lumabas na matapos ang 9 na buwan ng isagawa ang training program nakitaang nagkaroon ng increase o improvement sa social-emotional competency, decision making skills, social awareness, relationship skills, personal responsibility, at self-management skills ng batang babae. Isang itong patunay umano kung paano nakakaapekto ang ama sa development ng kaniyang anak na babae.

Para masigurong magkakaroon ng quality time sa anak na babae, ilan sa mga activity na maaaring gawin ng ama at kaniyang anak ay ang panonood ng movie na magkasama. Paglalaro ng paboritong sports ng iyong anak o kaya naman ay pagsama sa kaniya sa mga dance o singing practice niya. Sa ganitong paraan ay mapaparamdam mo na ang iyong pagmamahal at suporta.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo by Tatiana Syrikova from Pexels

BASAHIN:

Ayon sa pag-aaral, masmasigla ang bata kapag kamukha ng tatay

Isang babala ng tatay matapos muntik ma-kidnap ang anak dahil sa social media

Tungkulin ng isang ama, ano nga ba?

3. Suportahan ang anak sa mga nais o hilig niya.

Mahalaga rin umano na maging supportive at huwag masyadong maging mahigpit ang mga ama sa kanilang anak na babae. Sapagkat base sa isang pag-aaral, may masama itong epekto sa kanilang health at attitude. Napatunayan ito ng pag-aaral matapos kunin ang naging karanasan at relasyon ng tatlong grupo ng babae sa kanilang ama habang sila’y lumalaki. Ang mga participant na isinalarawan na less caring, mahigpit at overprotective ang kanilang ama’y nagkaroon ng psychiatric disorder. Na-diagnosed naman na may eating disorder ang mga babaeng may mga amang malayo ang loob sa kanila. Habang ang mga babae namang may amang kinokontrol ang kanilang bawat galaw o buhay at hindi nagpapakita ng affection o pagmamahal sa kanila ay nakaranas ng depresyon. Sila’y nahirapan ding kumain ng maayos at nababahala sa kanilang physical appearance o itsura.

Kaya naman upang maiwasan ito, dapat maging supportive ang mga anak sa kanilang anak na babae. Hindi rin sila dapat maging mahigpit. Iparamdam sa kanilang anak na babae ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay oras at pagsuporta sa mga hilig na ikabubuti nila.

4. Maging responsable at iparamdam sa anak ang pagiging magulang.

Para sa mga anak na babae, mahalaga na makita nila na responsable bilang isang magulang ang kanilang ama. Sapagkat kung hindi, base sa isang pag-aaral, mataas ang tiyansa na makaapekto ito sa kanilang romantic relationship kapag sila’y tumanda na. Halimbawa nga nito’y ang mga anak na babae na tumayong magulang sa mga kapatid niya. Partikular na ang mga panganay na anak na babae na siyang nag-aalaga sa mga nakakabata niyang kapatid. O kaya nama’y siyang gumagawa ng paraan para mabuhay o maitawid ang pangaraw-araw nila. Sila ang natuklasang nakakaranas ng mababang security sa kanilang mga nakaka-relasyon ng sila ay maging ganap na adult na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Family photo created by pvproductions – www.freepik.com 

5. Maging involved sa buhay ng iyong anak.

Sa kabuuan, mahalaga na maging involve ang mga ama sa buhay ng kanilang anak na babae. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-spend ng oras sa kaniya. Pag-suporta sa mga hilig niya. Pagbibigay sa kaniya ng kalayaan na gawin ang mga gusto niya basta’t ito ay hindi makakasama. Maging mabuting halimbawa at makipag-usap sa kaniya. Alamin ang kaniyang naiisip at nararamdaman upang ito ay iyong maintindihan. Napatunayang ang mga ito ay may magandang epekto sa mga anak na babae. Kahit na ang gumagawa pa nito ay step father niya at hindi ang kaniyang tunay na ama.

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Psychology Today