Ano nga ba tungkulin ng isang ama sa kaniyang asawa at mga anak? Sapat na ba ang pagtatrabaho at pagbibigay ng gastusin para sa kaniyang pamilya? Isang mister ang naghimutok ng kaniyang saloobin patungkol rito.
Tingin kasi ng isang mister na nagbahagi sa isang website ng kaniyang nararanasan. Hindi na dapat tungkulin ng isang ama ang pag-aalaga at pakikipaglaro sa kaniyang anak. Nagkaroon naman kasi sila ng agreement ng kaniyang asawa tungkol rito.
“Ako ang magtatrabaho, iyon ang agreement.”
Ipinaliwanag ng lalaki na siya at kaniyang asawa ay may 10-buwan gulang na anak.
Dahil umano sa laki ng cost sa isang childcare sa kanilang lugar. Bukod pa sa iba’t ibang risk sa mga daycare center napagkasundaan niya at ng kaniyang misis na magiging stay-at-home-mother ito para sa kanilang anak.
“So I picked up more hours at work. I work the graveyard shift in a warehouse 12hrs a day Sunday night through Thursday night, and 6-8hrs on Friday night. For a grand total of 66-68hrs a week.” Ayon ito sa mister.
Kapag dating umano sa bahay kapag gabi at pinagluluto siya ng kaniyang asawa. Kadalasan umanong dinadala niya ang pagkain sa kanilang kwarto upang doon kumain bago siya matulog.
“But I usually don’t fall asleep until around noon. So, I don’t get much sleep.” Dagdag pa niya/
Subalit hindi umano natutupad ang pinagkasunduan niya at ng kaniyang misis.
Hindi pumayag ang kaniyang misis sa kasunduan na ito
Image from IStock
Subalit hindi na raw natutupad ang kasunduan nila ng kaniyang misis at ayaw na nito sa kanilang pinagkasunduan.
“Recently, however, she started bringing our son into the room with her and asking me to play with him or give him a bottle and a change before I go to sleep,” ayon pa sa kuwento.
Sabi pa niya, “But I thought that’s what she was for, considering all she does is take care of him. I’d do it usually but it’s been really irking me.”
Kaya naman pinagdesisyunan niya nang kumprontahin ang kaniyang asawa tungkol rito.
Nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo ayon sa kaniya. Sa pagpapatuloy ng kaniyang kwento sinabi niyang pagdating niya sa bahay nila nang umaga ay sinubukan ng kaniyang misis na ibigay sa kaniya ang kanilang anak. Naghahanda na umano na siyang matulog nun.
Sinabi umano ng kaniyang asawa sa kaniya na kailangan niyang mag-step up sa pagiging ama.
Kuwento pa niya sa pangyayaring iyon, “I laughed and pointed around and said ‘well I’m paying for this house we’re living in, the clothes our son is wearing. The formula and water that he eats and his baby food. We agreed that you’d do the house stuff, why is it now my responsibility and why right before I’m going to bed?!'”
Pinagpipilitan ng lalaki na tama siya sa kaniyang pananaw. Kaya naman humingi siya ng simpatya online.
Tungkulin ng isang ama
Image from IStock
Hindi lamang isang provider o taga abot ng pera ang isang ama. Ganun din ang isang nanay, hindi lamang siya asawa o taga alaga ng kanilang mga anak. Dapat may balanseng gampanin ang mag-asawa lalo na kung sila ay may anak na.
Isa rin kasi itong uri ng pang-aabuso sa kababaihan. Sapagkat hindi sila nabibigyan ng pagkakataon na pumili ng kanilang gustong gawin at sumunod na lang sa kanilang mga mister. Maling-mali ito. Dapat bilang mag-asawa ay balanse kayo sa lahat ng gampanin sa pagiging magulang.
Dapat naroroon din ang isang ama sa pagpapalaki sa kaniyang anak. Upang magabayan siya sa paglaki ng kanilang anak. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng bonding moment ng mag-ama.
Image from IStock
Hindi excuse na ikaw ang kumikita at nagtatrabaho ay hindi mo na tutulungan ang iyong asawa sa pag-aalaga at pagpapalaki sa inyong anak. Mahalaga na kayong dalawang mag-asawa ay ginabayan. nabibigyan ninyo ng oras, at nagkakaroon kayo ng quality time sa inyong mga anak. Dapat tulungan din si misis sa gawaing bahay at pag-aalaga sa inyong anak dahil hindi biro ang pagiging stay-at-home mom. Tandaan na agaw-buhay si misis habang dinadala niya sa kaniyang sinapupunan ang inyong anak. Alalahanin ang hirap na kaniyang pinagdaanan habang siya’y nagbubuntis, nanganganak, at pagkatapos niyang manganak.
Tandaang ang patutulungan at balanseng gampanin ninyong mag-asawa sa pagpapalaki sa inyong mga anak ay mahalaga. Hindi excuse na ikaw ang nagdadala ng pera sa inyong bahay para hindi na alagaan ang iyong anak.
Source:
kidspot
BASAHIN:
STUDY: Mas mahaba raw ang buhay ng mga tatay kapag may anak na babae
Mister: “Bakit ko kailangan bigyan ng allowance ang misis ko? E, ako naman gumagastos sa lahat!
5 na hindi dapat sinasabi ng tatay sa kanyang anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!