Mommies alam nating hindi madali ang maging isang ina, dahil marami ang tungkulin ng isang ina. Pero tandaan na hindi dapat nating kalimutan ang ating mga sarili.
Naririyan ang pag-aalaga natin sa ating mga anak, paglilinis ng bahay, pag-aasikaso kay mister. Kung tutuusin nga isa itong trabaho na walang bayad. Pure passion and love lang talaga. Siyempre para sa ating pamilya.
Larawan mula sa iStock
Hindi lang ‘yan mommy, kasi kung ikaw ay isang working mom ay talagang ang dami mo talagang ginagawa. Pero sa kabila ng mga tungkulin ng isang ina na katulad mo. Huwag mong kalimutan na bigyang reward din ang sarili mo.
Sapagkat kung okay ka, masaya ka, mas magagampanan mo ang tungkulin mo bilang isang ina. So, huwag kang mag-guilty sa mga bagay na ibabahagi ko.
Kaya naman sa lahat ng mga mumshies and wifeys na hardworking sa loob at labas ng ating mga tahanan, para sa inyo ito.
Huwag kang ma-guilty mommy!
Kung after a long tiring day ay manonood ka ng paborito mong series sa netflix, kapag uuwi kang walang pasalubong sa mga bagets kasi hirap na hirap kang sumakay sa bus, MRT, jeep at van. Kung minsan kang bumili ng bra at panty na halagang P200.
Hindi ka naman taon-taon bumibili. Plus ‘yung mga salawal mo ngayon hindi na kaiga-igayang isampay. Kung napapasiesta ka. Tao ka. Hindi ka robot. Hindi kasalanan ang magpahinga sa tanghali.
Kung kumakain ka ng masarap na ice cream matapos mong magtiklop, maglaba, rumaket, magasikaso ng mga bata, magluto, mag-errand at kung ano-ano pa. Kulang na kabayaran pa ang ice cream sa dami ng tinapos mo.
Kung minsan gusto mong mag-mall ng walang kasamang anak, kasi gusto mo mamasyal minsan ng walang hinahabol o iniintindi.
Kung sa loob ng isang linggo, mayroon kang isang araw na gusto mong i-set as ‘lazy day’. Hindi ka tamad. Ang tawag doon charging. Cellphone nga nada-drain, ikaw pa kaya.
Larawan mula sa iStock
Kung nangangarap kang magpaparlor. Tao ka rin na humahaba ang buhok at kuko. Mahalagang maging maganda ka pa rin sa paningin ng mga anak lalo na sa asawa mo.
Kung hindi mo matapos lahat ng nasa to-do-list mo. Huwag naman kasi 38 ang listahan ng dapat mong tapusin. Ihi lang pahinga? Huwag naman.
Ang tungkulin ng isang ina ay napakarami talaga pero huwag din kalimutan na magbigay ng reward sa sarili mommy! | Larawan mula sa iStock
Kung paminsan bumibili ka ng para sa sarili mo. Something na ma-eenjoy mong gamitin. Bigyan mo din ng kaligayahan ang sarili mo. Mahirap maging mapagmahal at malambing sa mga anak at asawa mo kung wala kang kabakas-bakas ng kaligayahan.
Kung minsan lumilipas ang isang araw ng ‘di ka man nakaligo kahit isang beses kasi pagod na pagod ka na sa maghapong trabaho. Doblehin mo nalang ang ligo kinabukasan.
Kung tumatanggi ka. Hindi mo naman pwedeng oo-han lahat. Isa lang ang katawan mo. Isa lang ang puso mo. Hindi ka octopus.
Kung nagkakamali ka, pumapalpak at nakakalimot. Wala namang perfect sa atin kahit isa.
Hindi ka selfish, tamad, oa, hindi ka si Darna. Higit sa lahat hindi masamang paligayahin, alagaan at pahalagahan ang pinakaimportanteng tao sa buhay ng asawa at anak mo – IKAW.
Please do them a favor. Huwag ma-guilty! Virtual hug sa lahat ng mga wifeys and mumshies!
Una itong nailathala sa Facebook page ni Bibong Pinay
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!