Turuan ang iyong anak na kumain mag-isa: Kahit na makalat!

Ang susi para matuto si baby na kumain mag-isa ay ang pabayaan siyang mag-eksperimento, at huwag mag-alala tungkol sa pagkakalat niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi lang ito tungkol sa pagsubo ng pagkain. Ang pagtuturo sa bata na kumain mag-isa ay pagtuturo din kung paano alalahanin at respetuhin ang pangangailangan ng bata.

Ang pagkain ay isang karanasang emosiyonal at psychological para sa bata. Nagiging bonding moment ito para sa magulang at tagapag-alaga habang kumakain.

Kaya’t pagdating sa pag-transition mula sa pagiging eksklusibong “breastfed baby” papunta sa pagkatutong kumain nang mag-isa, kailangang tingnan ang lahat ng aspeto sa kabuuan.

Paano sisimulan ang pagtuturong kumain
Una sa lahat, kung gustong matuto ang bata sa pagkain nang mag-isa, hikayatin siya mula sa umpisa pa lamang. Pagmasdan mabuti at hintayin ang mga hudyat na handa na ang bata.

Maaaring makita ito sa pilit na pagkuha ng kutsara mula sa mga kamay ni Nanay, o pagkuha ng pagkain gamit ang kamay, o maski sa pagkakalat ng mga laruan. Ang mga ito ay mahalagang indicator ng umuunlad na developing motor skills na kinakailangan para kumain siyang mag-isa.

Paano Malalaman Kung Handa na si Baby?

1. Marunong nang dumakma ang bata

Kung papakainin ang bata ng mga pagkain madaling hawakan o pulutin gamit ang mga daliri, mas matututo siyang dumakma. Ipakita sa bata ang paraang ito at hikayatin siyang gawin nang sarili niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makakabuti rin kapag naglagay ng mga pagkain na madaling pulutin o hawakan sa harap ng bata, at hayaan siyang pulutin ito. Maghiwa ng carrots, pipino, biskwit, o kahit pasta, at iba pang ganitong pagkain, at ito ang ihain sa bata.

Ipakilala ang pamamaraan na ito sa bata pagsapit ng pito o walong buwang gulang. Hinihinang nito ang tinatawag itong “pincer grasp” o ang parang pagkurot ng bata sa pagkain para makuha ito.

2. Kapag maayos na ang hand-eye coordination niya

Kung ang toddler ay bata ay nakakapulot na ng cereal o nakakagamit ng tinidor para makuha ang prutas sa mangkok, at pagsubo nito. Ito ang hudyat na maayos na ang hand-eye coordination niya.

Pwedeng mag-ensayo kapag 8 hangang 9 na buwan na ang bata, at ihain ang pagkain sa harap niya. Asahang magkakalat siya, pero tandaan na kasama ito sa proseso ng pagkatuto. Unang hakbang ito sa pagkatutong kumain nang maayos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Uunlad at mahahasa ang sensory skills ng bata

Kahit pa makalat at madumihan ang lamesa, sahig at ang bata, huwag mabahala. Isa itong mabuting bagay. Ang pagiging makalat o messy ay pagpapaunlad sa sensory skills ng bata. Nararamdaman ng bata ang malagkit, mainit, malamig, at iba pang pakiramdam, at nahahasa ang pag-iisip dahil dito.

Ang pagkain ng mag-isa ng bata, o self-feeding ay nakakatulong na mahasa ang kinesthetic sense niya. Nagsisimulang maintindihan ng bata na ang kaniyang katawan, at mga bahagi nito ay may kinalaman at kaugnayan sa paligid niya.

Sa pamamagitan ng pandama na ito, nahahawakan natin ang ilong o tainga, kahit pa nakapikit. Ganito din sa mga bata. Nalalaman nila kung nasaan ang kamay at bibig, kapag kumakain nang mag-isa. Nagkakaroon din ng muscle memory na gumagabay sa bata kung paano kunin o pulutin ang pagkain para maisubo.

4. Nagpapakita ng senyales ng independence o pagsasarili ang bata

Habang lumalaki ang bata, nagpapakita sila ng hudyat na kaya na nilang magsarili. Kapag tumatanggi na ang bata na subuan ni Nanay, o naglalaro na siya nang mag-isa at hindi humihingi ng paggabay ng matanda, ibig sabihin ay natututo na siyang maging independent. Ito ay isang importanteng aspeto ng paglaki at pag-unlad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi lang siya natututong kumain mag-isa, natutulungan din siyang malaman at mag-desisyon kung gaano kadami ang kakainin niya. Di ba’t dapat matutunan na dapat nang tumigil kumain kung busog na?

5. Kapag alam na ng bata kung paano gamitin ang kaniyang bibig

Isa pang seniyales na handa na si baby na kumain mag-isa ay kung alam na niya kung paano gamitin ang kaniyang bibig, tulad ng pag-inom mula sa tasa o baso, o paggamit ng straw bago pa mag-isang taong gulang.

Hikayatin ang bata na gawin ito pagsapit ng ika-6 na buwang gulang. Nade-develop din ang kaniyang hand-eye coordination, at natututong maging independent. Kapag nakita na ito, ito na rin ang panahon na nakakaupo na siya nang mag-isa.

Bakit hindi dapat madaliin ang pagkatuto nito?

May mga mahahalagang bagay na nagdidikta kung bakit hindi dapat madaliin ang bata.

Pagngingipin: Maaaring nagsisimula ding magngipin ang bata kasabay ng pagkatuto niyang kumain. Sa puntong ito, hindi matibay ang ngipin ng bata, kaya dapat alalahanin na mas mabuting bigyan siya ng mga malalambot na pagkain muna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paghiwahiwalay sa pagkain. Kakailanganin din na malaman kung anong mga pagkain ang makakasama at makakabuti sa kaniya, o makakapagpalala ng sakit ng nagngingiping gilagid. Iwasan ang mga pagkaing maasim o citrus.

Pagka-gutom. Bigyan ang bata ng pagkain kapag gutom siya. Huwag ipilit kung sinasabi na ng bata na hindi siya gutom. Iwasan ang mga pagkaing matamis at asin.

Dami ng pagkain. Ang dami ng pagkain na makokonsumo ng bata ay iba-iba sa bawat feeding. Minsan ay malakas ang kain niya, minsan naman ay walang gana. Hayaan ang batang magdesisyon kung gaano karami ang gustong kainin.

Simula pagka-sanggol, kailangang bigyan ang bata ng mga pagkain na tama sa edad nito.

1. 6-12 buwan

Unang beses niyang kumain ng ibang pagkain, at hindi puro gatas lang ni Nanay. Makakaranas na siya ng iba’t ibang lasa at texture. Iwasan ang paggamit ng asukal at asin. Ang natural na lasa ng mga pagkain tulad ng carrots, patatas, at saging ay sapat na, at hindi dapat pang haluan ng ibang sahog na pampalasa.

Subukan ang saging, avocado, nilagang green beans, baked na mansanas, pinakuluang brown rice, pari beets at zucchini.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. 1-2 taon

Sa edad na ito, pwede nang maghain ng mas komplikadong pagkain sa bata. Maging malikhain para maging kagiliw-giliw sa bata ang bawat pagkain. Magsimulang magbigay ng pare-parehas, tulad ng chicken curry na may kasamang roti o tinapay, o pasta na may kaparehang brown bread.

Patikimin na siya ng mga karaniwang ulam sa tanghali o gabi, ngunit bawasan lamang ang asin.

3. 2-3 taon

Sa pagsapit ng 3 taon, pwede nang magpakilala ng pagkain na kinakain ng mga matatanda tulad ng sinigang, pansit, arroz caldo, mami, halimbawa.

Narito ang ilang pagkain para kay sa toddler:

Almusal: Simulan ang araw sa pagbibigay ng scrambled eggs, oatmeal na may gatas, prutas at gatas o juice.

Meryenda sa umaga: Dalawang oras matapos ang almusal, bigyan siya ng meryenda. Iwasan ang mga processed food tulad ng hotdog o instant mami. Keso tinapay, yogurt, at prutas ang pinakamasustansiyang meryenda.

Tanghalian: Bigyan ng baked beans, steamed green vegetables o whole-wheat bread na may avocado.
Meryenda: Tatlong oras pagkatapos ng tanghalian, kailangan ng meryenda ng bata para mapunan ang energy niya. Pakainin ng nilagang itlog, prutas, keso at maraming tubig sa maghapon.

Hapunan: Maraming mga toddlers ang hindi na kumakain ng marami sa gabi lalo na kung nakakain naman ng masustansiya sa buong maghapon. Bigyan siya ng kamote o sweet potato wedges, baked salmon, whole wheat couscous, steamed broccoli, baked chicken na hiniwa-hiwa o tomato soup.

Bedtime snack: Bago matulog, pwedeng bigyan ng kaunting pagkain, tulad ng isang hiwa ng saging, ubas, at kaunting gatas, o di kaya ay keso.

Walang nakadiktang panahon kung gaano katagal dapat sanayin ang bata na kumain nang mag-isa. Bawat bata ay may sariling panahon kung gaano katagal matuto. Hangga’t nakakain niya ang hindi bababa sa 25% ng pagkain, pwede na. Unti-unting gawing 50%, hanggang sa mabuo. Huwag pilitin na ubusin kung ayaw na.

Kapag natuto na ang batang kumain mag-isa, siguradong mare-relaks na ang mga magulang at magiging mas masaya ang mealtime ng mag-anak.

Isinalin sa wikang Filipino mula sa orihinal na Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

sources: Dailymontessori, Candokiddo

BASAHIN: Turuan ang anak mong magbasa: Isang komprehensibong gabay

Sinulat ni

Deepshikha Punj