Mayroon bang TV sa loob ng kuwarto ng inyong mga anak? Baka maisipan mo ng tanggalin ito ngayon doon dahil may masamang epekto pala ito sa pisikal at mental na kalusugan ng mga bata ayon sa isang pag-aaral.
Masamang epekto ng TV sa loob ng kwarto
Natuklasan ito ng mga Canadian researchers mula sa Université de Montréal’s School of Psychoeducation at INRS-IAF, isang research institute na affiliated sa Université du Québec à Montréal.
Ayon sa resulta ng kanilang pagsisiyasat, nagkakaroon ng negatibong epekto ang paglalagay ng TV sa loob ng kuwarto sa pisikal at mental na kalusugan ng mga bata pagdating ng kanilang teenage years.
Pinag-aralan nila ang mga data mula sa 1,859 bata mula sa Quebec na ipinanganak noong taong 1997 at 1998. Kumuha sila ng data sa mga bata noong 4-taong gulang pa lamang sila at muling kumuha ng panibagong data nang sila ay tumuntong ng edad na 12 at 13-taong gulang.
Sinuri ang sukat ng kanilang Body Mass Index o BMI at inalam kung sila ba ay kumakain madalas ng mga masusustansiyang pagkain o hindi. Kinumpleto rin nila ang maiksing bersyon ng Children’s Depression Inventory upang masuri ang mental health nila.
Kinapanayam din ng mga researchers ang lahat ng guro ng mga bata upang malaman kung gaano sila kasigla sa paaralan, kung paano sila nakikisalamuha sa kapwa estudyante, at kung paano ang performance nila sa academics at sports. Inalam rin kung ang mga bata ay biktima o pasimuno ng bullying sa eskuwela.
Lumabas na ang pagkakaroon ng TV sa loob ng kuwarto ng mga bata sa edad na apat ay may koneksyon sa pagkakaroon ng mataas na body mass index ng mga bata, unhealthy eating habits, hindi masyadong nakikisalamuha sa iba, at may mataas na level ng emotional distress.
May koneksyon din ito sa pagkakaroon ng mga bata ng sintomas ng depresyon, victimization at physical aggression sa kanilang pagbibinata o pagdadalaga, may kinalaman man o wala ang kanilang pamilya o ibang indibidwal upang maapektuhan sila.
“The early years are a critical period in a child’s development,” sabi ni Linda Pagani, may-akda ng nasabing pag-aaral at isa sa mga speaker sa International Convention of Psychological Science sa Paris, France.
“Intuitively, parents know that how their children spend their leisure time will impact their well-being over the long term,” aniya.
Dagdag pa niya: “And with TV being their most common pastime, it’s clear that the many hours they spend in front of the screen is having an effect on their growth and development, especially if the TV is in a private place like the bedroom.”
Napipigilan din umano ng TV sa loob ng kuwarto ang pakikisalamuha ng mga bata sa iba, na siyang dahilan ng mahinang emotional development nila.
“With their attention diverted, children risk not having enough physical and social interactions to promote proper physical and socio-emotional development,” sabi ni Pagani.
“Today, given the portability of digital devices and the constant switching from one device to another, the guidelines of the American Academy of Pediatrics clearly have reason to encourage screen-free zones and screen-free locations at home, especially given the implications for the growth and development of children.”
Dagdag pa nito, “Our research supports a strong stance for parental guidelines on the availability and accessibility of TVs and other devices.”
Source: Inquirer
Images: Shutterstock
BASAHIN: May masamang epekto ba ang WIFI sa ating kalusugan?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!