STUDY: Mga bata na may type 2 diabetes, dumami ngayong pandemic

Dahil sa pandemic, ilang sakit ang lumaganap na kahit mga kids ay naapektuhan din.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa bagong pag-aaral ng experts, tumaas daw ng halos 77 percent ang bilang ng mga kids na mayroong type 2 diabetes ngayong COVID-19 pandemic.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Kids na may type 2 diabetes mas dumami ngayong COVID-19 pandemic
  • Iwasang magkaroon ng diabetes ang anak using these tips

Kids na may type 2 diabetes mas dumami ngayong COVID-19 pandemic

Halos nasa 77% ang tinaas ng bilang ng batang may diabetes ngayong pandemic | Larawan mula sa Pexels

Sa maraming paraan, masasabi ng buong mundo na halos lahat ng tao ay apektado ng COVID-19 pandemic. Kasama na rito ang trabaho, pag-aaral, lifestyle, at syempre ang health ng lahat. Isa sa naging vunerable din sa panahon na ito ay ang mga bata.

Nakakabahala raw ang pagtaas ng type 2 diabetes sa mga bata nitong kasagsagan ng pandemic. Nakita ito sa pag-aaral na isinagawa ng Johns Hopkins Medicine tungkol sa sakit na ito. Taong 2020 lang daw nang biglaang tumaas sa tinatayang 77 percent ang dagdag sa bilang kumpara noong taong 2018 at 2019.

Isinagawa raw ang research na ito noong March 20, 2020 at February 28, 2021. Sinubukan nilang tignan ang data sa 3,113 pediatric patients na may edad 8 hanggang 21 mula sa 24 centers sa United States.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dito nila napag-alaman na mula sa 825 ay naging 1,463 na ang kaso ng mga batang may type 2 diabetes, 55 percent ay mga lalaki at 45 percent ay babae.  Ang datos na ito ay sa unang taon lamang ng pandemic.

Dahil dito inalam ng eksperto kung bakit nga ba tumaas ito partikular pa kasabay kung kailan may kinakaharap ng suliranin sa virus.

Ano ang type 2 diabetes at ang kinalaman ng COVID-19 dito?

Isang long-term na condition ang type 2 diabetes na maaaring maging sanhi ng maraming sakit. | Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang type 2 diabetes ay isang long-term na condition kung saan sinisira nito kung paano mag-regulate at gumamit ng glucose o blood sugar ang katawan. Kung mayroong ganitong kundisyon ang isang tao, hindi nagre-respond ng maayos ang cells niya sa insulin ng katawan. Ang insulin naman ang naghahantid ng blood sugar sa katawan upang magkaroon ng enerhiya.

Dahil tuloy dito, mapipilitan ang pancreas na gumawa pa ng maraming insulin upang mag=respond ang cells sa katawan. Ang nangyayari tuloy, hindi makakasabay ang pancreas sa ganitong demand at tataas nang lubos ang blood sugar ng isang tao. Ang labis na blood sugar ay maaaring magbigay ng maraming health problems.

Ilan sa maaaring sintomas nito ay ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Parating nauuhaw o nagugutom
  • Parating pagod
  • Pag-itim ng balat sa kili-kili o kaya naman sa leeg
  • Madalas na pagkakaroon ng infections
  • Paglabo ng paningin

Ayon sa pediatrician na si Katherine Williamson, dati naman daw ay adults lang ang tinatamaan ng sakit na diabetes, pero ngayon daw maging bata at teenager ay nagkakaroon na rin,

“Type 2 diabetes can be diagnosed as early as 10 years old, though the average age range of being diagnosed is in the early teen years.”

Ayon sa pag-aaral, wala namang malinaw na koneksyon pa ang COVID-19 sa naturang sakit. Para sa experts, mas nakaapekto raw ang pagbabago ng lifestyle na dulot ng quarantine at isolation.

Halos lahat kasi ng school activities ay na-convert into virtual learning, dahilan upang bumaba ang physical activities sa mga bata. Dahil din sa pagkakulong sa bahay, hindi naiiwasang kumakain nang kumakain ng mga unhealthy foods. Kaya naging sanhi ito upang patuloy na magtaasan ang bilang ng mga batang mayroong ganitong sakit.

Iwasang magkaroon ng diabetes ang anak using these tips

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas daw na genetic kaya nagkakaroon ng type 2 diabetes, pero malaking tulong ang healthy lifestyle upang maiwasan ito. | Larawan mula sa Pexels

Malaki raw ang chance na magkaroon ng type 2 diabetes ang bata dahil sa namana niya ito sa pamilya. 75% daw ng batang mayroong ganitong kundisyon ay mayroong kamag-anak na ganito rin ang sakit. Nasa tinatayang 10 hanggang 15% daw ng batang may diabetic parent ang may posibilidad na makakuha rin nito.

Para naman sa ibang bata, malaking tulong pa rin na maiwasan o umisip ng prevention upang hindi na ito makuha pa. Narito ang ilan sa rekomendasyon ng experts na maaaring makatulong na maiwasan ang sakit:

  • Pagdagdag sa kahit anumang physical activity lalo na ang pag-eehersisyo araw-araw.
  • Pagkain ng nasa tinatayang 3 hanggang 5 servings ng prutas at gulay.
  • Pag-iwas sa pagkaing hindi healthy tulad ng junk foods at iba pang processed foods.
  • Pag-inom ng maraming tubig at pag-iwas sa flavored drinks.
  • Pagtitiyak na nakakakumpleto ng 7 hanggang 8 oras na tulog everyday.
  • Pagmomonitor sa weight ng bata kung ito ay normal pa ba.
  • Pagkakaroon ng screening sa bata upang matiyak kung mayroon ba siyang type 2 diabetes.
  • Pagbabawas sa kahit anumang bisyo lalo ang paninigarilyo o pag-vape.
  • Pagbabago ng lifestyle.
  • Pagkakaroon ng regular na check-up sa kanyang pediatrician.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva