X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: Mas mataas ang grades ng mga bata na mayroong physical activity

4 min read
STUDY: Mas mataas ang grades ng mga bata na mayroong physical activity

Alamin dito ang level at mga halimbawa ng physical activity na maaring ipagawa sa iyong anak.

Ayon sa isang pag-aaral, mas mataas na grades umano ang isa sa benepisyo ng physical activity sa bata. Alamin dito kung paano ito nangyari.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Benepisyo ng physical activity sa bata.
  • Mga uri ng physical activity na maaring ipagawa sa iyong anak.

Benepisyo ng physical activity sa bata

Base sa isang bagong pag-aaral, ang pagiging active ng isang bata ay hindi lang nakakabuti sa kaniyang katawan. Ito ay nakakabuti rin sa kaniyang intellectual ability at dahilan para siya ay magkaroon ng mataas na grades sa school. Ito ay natuklasan ng pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa London, United Kingdom.

Sa pagsasagawa ng pag-aaral ay pinasagot ng mga researcher ng questionnaires ang mga teacher at magulang ng 4,043 na estudyante.

Gamit ang questionnaire ay layunin ng pag-aaral na masukat ang emotional at behavioral components ng self-regulation skills ng mga batang edad 7, 11 at 14 years old.

Habang ang kanilang physical activity naman ay sinukat at inassess gamit ang iba’t ibang parameters tulad ng intensity, duration at enjoyment ng mga bata habang ginagawa ang activity.

benepisyo ng physical activity sa bata

Advertisement

Tree photo created by jcomp – www.freepik.com

Resulta ng pag-aaral

Nang i-analyze ang data na nakalap ng ginawang pag-aaral ay natuklasan nilang ang mataas na level ng physical activity ay iniuugnay sa mataas dring level ng emotional regulation.

Ang mataas na level ng self-regulation skills ayon parin sa pag-aaral ay natuklasang nagreresulta sa higher academic achievement sa mga batang edad 7-years-old.

Ganoon din sa mga batang edad 11-years-old, na kung saan nakitaan na may positibong epekto ang physical activity sa kanilang academic achievement.

Kaya naman konklusyon ng pag-aaral, ang benepisyo ng physical activity sa bata mahalagang maranasan nila as early as possible. Ito ay para makatulong sa kanilang development at pag-aaral.

“The findings demonstrate the importance of ensuring that children have access to forms of physical activity, particularly for children from less-advantaged settings who lack the resources or opportunities to participate in physical activity than their better-advantaged peers.”

Ito ang bahagi ng pahayag ng mga researcher ng ginawang pag-aaral.

BASAHIN:

STUDY: Gustong tumalino ang anak? Gawin itong exercise na ito

8 brain exercises na pampatalino

7 reasons why you should introduce exercise to your kids early on

Recommended physical activity sa mga bata

Ang inirerekumendang level ng physical activity sa kada bata ay naka-depende sa kanilang edad.

Physical activity para sa mga maliliit na bata

Ayon sa CDC, ang mga preschool-aged children na edad 3 hanggang 5 taon gulang ay dapat maging physically active buong araw para sa kanilang growth and development. Ito ay kanilang magagawa sa pamamagitan ng paglalaro.

Ang iba pang benepisyo ng physical activity sa bata ay ang sumusunod:

  • Pinalalakas nito ang kanilang mga buto.
  • Idine-develop nito ang gross at fine motor skills nila.
  • Bini-build nito ang strength, endurance, at flexibility ng kanilang katawan.
  • Bini-build nito ang confidence ng isang bata.
  • Nakakatulong ito para ma-achieve at ma-maintain ang healthy weight ng bata.
  • Nakakatulong ito na mabawasan ang stress levels ng bata.
  • Ini-improve nito ang social skills ng bata.
  • Nakakatulong din ito para ma-improve ang balance at coordination ng kaniyang katawan.
  • Ini-improve nito ang kaniyang posture.
  • Nakakatulong ito para ma-improve ang kaniyang focus at concentration.
  • Nakakatulong ito upang magkaroon siya ng maayos na tulog.

benepisyo ng physical activity sa bata

Water photo created by jcomp – www.freepik.com 

Mga activity na puwedeng ipagawa sa maliliit na bata

Ilan sa halimbawa ng physical activity at laro na maaring ipagawa sa maliliit na bata ay ang sumusunod.

  • Row, Row, Row Your Boat
  • Musical Hide and Seek
  • Build a Tower
  • Toss Balls in a Basket
  • Throw Sponges
  • Imitate Animals
  • Traffic Safety
  • Snake Dance
  • Catching Feathers
  • Follow the Leader
  • Hit The Balloon
  • Balance Beam
  • Freeze Dance
  • Bowling
  • Jumping on Trampoline
  • Hop
  • Clap
  • Jumping jacks
  • March

Physical activity para sa mga malalaking bata

benepisyo ng physical activity sa bata

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Para naman sa mga batang edad 6-17 years old sila ay dapat gumawa ng isang oras o higit pang moderate-to-vigorous intensity physical activity kada araw. Kabilang rito ang mga sumusunod.

Aerobic exercise

Ang isang oras sa kada araw ng iyong anak ay dapat nakalaan sa paggawa niya ng mga aerobic activities. Tulad ng paglalakad, pagtakbo o kahit anong activity na magpapabilis ng tibok ng kanilang puso. Kung ito ay hindi magagawa araw-araw dapat ay magawa nila ito ng hindi bababa sa 3 araw kada linggo.

Muscle-Strengthening

Dapat ay magsagawa rin ng muscle-strengthening activities ang mga batang edad 6-17 years old kada araw. Tulad nalang ng climbing at push-ups na dapat ay gawin nila ng hindi bababa sa isang oras sa loob ng 3 araw kada linggo.

Bone-Strengthening

Ang activities naman na maaring gawin ng mga bata para tumibay kanilang buto ay gaya ng jumping at running. Ito rin ay kailangan nilang gawin ng hindi bababa sa isang oras sa loob ng 3 araw kada linggo.

Source:

Science Daily, Play World, CDC

Partner Stories
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Nurture Your Child’s Potential: Unlocking Optimal Growth and Development with Nutrilin
Nurture Your Child’s Potential: Unlocking Optimal Growth and Development with Nutrilin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • STUDY: Mas mataas ang grades ng mga bata na mayroong physical activity
Share:
  • 13 sintomas ng depresyon na dapat mong bantayan sa iyong anak

    13 sintomas ng depresyon na dapat mong bantayan sa iyong anak

  • Kailan puwede putulan ng kuko si baby at paano?

    Kailan puwede putulan ng kuko si baby at paano?

  • Mukhang payat si baby kumpara sa iba? Ito ang 3 posibleng dahilan, ayon sa mga pedia

    Mukhang payat si baby kumpara sa iba? Ito ang 3 posibleng dahilan, ayon sa mga pedia

  • 13 sintomas ng depresyon na dapat mong bantayan sa iyong anak

    13 sintomas ng depresyon na dapat mong bantayan sa iyong anak

  • Kailan puwede putulan ng kuko si baby at paano?

    Kailan puwede putulan ng kuko si baby at paano?

  • Mukhang payat si baby kumpara sa iba? Ito ang 3 posibleng dahilan, ayon sa mga pedia

    Mukhang payat si baby kumpara sa iba? Ito ang 3 posibleng dahilan, ayon sa mga pedia

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko