Type 3 poliovirus na-kontamina ang isang ilog sa Maynila.
Type 3 poliovirus sa Maynila
Sa isang pagsusuri ay natuklasang kontaminado ng Type 3 poliovirus ang isang ilog sa Maynila. Kaya naman para ma-proteksyunan ang mga bata mula sa sakit ay nagsasagawa ngayon ng mass immunization program sa Maynila. Ito ay sa pamamagitan ng pangunguna ng Department of Health. At sa pakikipagtulungan ng mga health centers at ospital sa ka-Maynilaan.
Sa Smokey Mountain halimbawa ay sinimulan ng magbahay-bahay ng mga health officials para mabigyan ng bakuna laban sa polio ang mga bata. Gagawin nila ito sa loob ng dalawang lingo para ma-reach ang target na 95% immunization coverage.
Maliban sa pagbabakuna ng mga bata ay isinasagawa rin ang information awareness campaign sa mga magulang. Ito ay para mapaliwanagan sila sa kahalagahan ng bakuna bilang panlaban sa mga sakit ng kanilang anak.
Dahil ayon sa nurse ng Smokey Mountain Health Center na si Jenny Descales, isa sa mga dahilan kung bakit kumonti ang mga nagpabakuna ay dahil sa kumalat na maling impormasyon tulong sa mga vaccines.
“Simula nung nagkaroon ng issue ng Dengvaxia, ang hirap na mag-convince. So nakakataba ng puso na ngayon, mas approachable na sila”
Ito ang pahayag ni Jenny Descales na kasama sa mga health officials na nagbabahay-bahay sa Smokey Mountain.
Ospital sa Maynila na nagbibigay ng libreng bakuna laban sa polio
Maliban sa house-to-house effort na ito, ilang ospital rin sa Maynila ang nagbibigay ng libreng bakuna laban sa polio na nagsimula na ngayong linggo.
Ang mga ospital sa Maynila na nagbibigay ng libreng bakuna laban sa polio ay ang sumusunod:
- Luke’s Medical Center Global City, Taguig (October 14-18, 21-25)
- Luke’s Medical Center, Quezon City (October 14-17,19,21-25; November 25-30; December 1-7)
- Makati Medical Center, Makati (October 14-27)
- Asian Hospital and Medical Center, Muntinlupa (October 14-26; November 25-December 7)
- Fe Del Mundo Medical Center, Quezon City (October 14-27)
- Manila Doctor’s Hospital (October 14-19, 21-26)
- University of Santo Tomas Hospital, Manila (October 14-19, 21-26)
- VRP Medical Center, Mandaluyong (October 14-27)
Samantala, nagsasagawa rin ng house-to-house campaign kontra polio sa ilang lugar sa Mindanao. Ito ay sa Marawi City, Lanao del Sur, Davao City at Davao del Sur.
Ang polio ay walang lunas at ang tanging paraan para maiwasan ito ay sa pamamagitan ng pagbabakuna. Pinaka-vulnerable sa sakit ang mga batang limang taong gulang pababa. Kaya para makasiguradong protektado ang iyong anak ay bumisita na sa pinakamalapit na health centers o sa mga nasabing ospital sa Maynila na libreng nagbibigay ng bakuna kontra polio.
Ang Type 3 poliovirus ay isa sa mga uri ng tatlong wild poliovirus. At ang mga ibinibigay ng bivalent OPV o oral polio vaccine ngayon ay para sa Type 1 at Type 3 poliovirus. Habang hinihintay parin ang pagdating sa bansa ng monovalent vaccine para naman sa poliovirus type 2.
Source: GMA News
Photo: Time
Basahin: 8 ospital na mamimigay ng libreng bakuna laban sa polio