Moms! Irita na rin ba kayo sa tumutubong makapal na ugat sa inyong binti? Don’t worry dahil sasagutin ng artikulong ito kung paano maaalis ang varicose veins na kadalasang makikita sa likod ng binti.
Ano ang ugat sa binti o varicose veins?
Bilang pagdiwang ng “World thrombosis day”, nagsagawa ang theAsianparent Philippines at Sanofi ng isang educational live na may pinamagatang “FAMHEALTHY Vein Check: Usapang ugat sa paa at iba pa“.
Ang nasabing live session ay pinamunuan ni Dr. Geraldine Zamora kasama na ang guest speaker na si Dr. Paolo Nocom, head ng peripheral artery disease, Division of Vascular Medicine sa Philippine Heart Center.
Ugat sa binti o paa | Image from Freepik
Ayon kay Dr. Nocom, ang ugat sa binti/paa o varicose veins ay isang abnormal na paglaki ng ugat o vein na pabalik sa puso. Kadalasang nakikita o tinutubuan nito ay ang mga babae. Ito ay dahil sa hormone ng mga babae na “estrogen”. Dagdag pa ni Doc Nocom, mas dumadami at kumakapal ang ugat sa binti o varicose veins kapag marami ang anak ng isang babae.
Paano maiiwasan ang makapal na ugat sa binti o paa?
Bukod pa rito, isa ring dahilan ng makapal na ugat sa binti ay ang pagtayo ng matagal ng isang tao. Ito ay maaaring pasok sa kaniyang hanapbuhay na kinakailangan ng pagtayo ng matagal o iba pa. Lumalaki ang ugat sa binti at nagiging varicose veins sanhi ng tumataas ang pressure sa binti dahil sa matagal na pagtayo.
Maaaring magkaroon ng makapal na ugat sa paa o binti ang mga security guard, teacher, cashier, saleslady o iba pang trabaho na kinakailangan ng matagal na pagtayo. Ngunit paano nga ba maiiwasan ang pag-develop ng varicose veins?
Ayon kay Doc Nocom, isang paraan para maiwasan ang makapal na ugat sa binti sa pamamagitan ng pagsusuot ng compression stocking. Ito ay isang makapal na stocking na maaaring makapagpabilis ng daloy ng dugo sa binti. Ito ay isang epektibong paraan para hindi mabuo ang dugo sa ugat. Dagdag pa ni Doc Zamora na ginagamit niya ito lagi kahit nasa bahay siya o pagkatapos ng mahabang shift sa ospital.
Ugat sa binti o paa | Image from Freepik
Maaaring mabili ang compression stocking sa mga retail store o sport shops. Bago bumili ng compression stocking, kailangang bigyan ng pansin ang size nito sa bukong-bukong pataas sa binti.
Nabanggit din na maganda kung ugaliin ang regular na ehersisyo. Dahil ito ay maganda sa mabuting pagdaloy ng dugo.
“Any form of exercise, paglalakad pag-iinat. Maganda po iyon para sa ugat para bumalik. Kasi nga binti natin ay ang pangalawang puso. Dahil sa kaniyang pagpiga bumabalik kaagad ‘yung dugo pabalik sa puso natin at doon po ang circulation na nangyayari.”
Ang varicose veins o hemorrhoids ay halos mag kamag-anak dahil pareho silang ugat. Nagbigay pa sila ng paalala na ang varicose veins ay karaniwang lumalabas sa paa ngunit maaari pa ring tumubo sa parte ng katawan na mayroong ugat.
Ang pagpapabuti ng daloy ng dugo at muscle tone ay maaaring makapagpababa ng risk ng pagkakaroon ng varicose veins. Ang parehong mga hakbang na gumagamot sa kawalan ng ginahawa mula sa varicose veins ay maaaring makatulong para maiwasan ito. Subukan ang mga sumusunod na hakbang:
- Iwasan ang paggamit ng mataas na taking at mahigpit na medyas
- Madalas na pagbago ng position sap ag-upo at pagtayo
- Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber at hindi maalat
- Pag-eehersisyo
- Pagtaas ng binti kapag nakaupo o nakahiga
- Bantayan ang timbang
Kadalasan, ang mga varicose veins na lumalabas sa pagbubuntis ay kusang nawawala sa loob ng 2-3 weeks matapos manganak. Pero para sa ibang mga tao, ang varicose veins ay bumabalik kahit na tapos nang gamutin.
Sintomas ng ugat sa paa o varicose veins
Walang mararamdaman na sakit kapag ikaw ay tinutubuan ng varicose veins. Ngunit narito ang mga dapat bantayan kung napansin mong ikaw ay maaaring mayroon nang ugat sa binti o paa.
- Ugat na kulay lila o asul
- Paglabas ng ugat sa iyong binti na bali-baliko
May pagkakataon na ito ay sumasakit. Ilan na riyan ang:
- Pangangati ng apektadong parte
- Pagbigat ng apektadong parte
- Pananakit ng apektadong parte kapag nakaupo o nakatayo
- Pagbabago ng balat sa pagligig ng varicose veins
Ugat sa binti o paa | Image from Freepik
Komplikasyon ng varicose veins
Ayon kay Doc Nocom, hindi naman nakakamatay kung papabayaan ang varicose veins sa binti o paaa. Ngunit kung ito ay patatagalin, dito magsisimulang lumaki at umitim ang paa at tuluyan nang magsusugat. Ito komplikasyon na ito ay tinatawag na Chronic venous insufficiency. Dagdag pa ni Doc Nocom na kapag nagsugat ang paa dahil sa komplikasyon sa varicose veins, hindi mo na kakayanin na makaligo o makagalaw dahil sa hapdi na mararamdaman mo rito.
“Kahit na anong ilagay niyo sa sugat, hindi na siya gumagaling. Ang pinakamatagal na pasyente kong nakita na ganiyan ay bago siya dumalaw sa Philippine Heart Center noon, labing apat na taon.
Literal na wala nang balat ang kaniyang binti. Ang ginagawa niya ay nililinis niya lagi. Mali pa ‘yung ginamit na panlinis kaya naukab ‘yong balat niya. Sobrang hapdi, hindi na siya makagalaw, lagi na lang nagtutubig ang binti niya.”
Delikado kung papabayaan ang makapal na ugat sa binti at nagsimula na itong magsugat lalo na kapag ikaw ay diabetic. Bukod pa rito, ang napabayaang varicose veins na naging chronic venouse insufficiency ay maaaring maging seryosong komplikasyon katulad ng sepsis.
Risk factors ng varicose veins
Ang mga sumusunod ay mga kadahilanan o risk factors na nakakapagpataas ng tyansa ng pagkakaroon ng varicose veins.
- Edad. Ang pagtanda ay nagdudulot ng pagkasira ng valves sa loob ng veins na tumutulong sa pagkontrol ng daloy ng dugo. Ang nangyayari, ang mga sirang valves ay nagiging dahilan para bumalik ang dumadaloy na dugo sa veins, kung saan ito kinokolekta.
- Kasarian. Ang kababaihan ang kadalasang nagkakaroon ng varicose veins. Ang mga pagbabago sa hormones bago ang menstrual period o habang nagbubuntis o menopause ay maaaring maging salik dahil ang mga female hormones ay nakakapagpa-relax ng vein walls. Hormone treatments tulad ng birth control pills ay maaaring makapagpataas ng risk ng pagkakaroon ng varicose veins.
- Pagbubuntis. Mas tumataas ang blood volume sa katawan kapag nagbubuntis. Ang pagbabagong ito ay sumusuporta sa paglaki ng baby, pero maaari ring maging dahilan ng veins sa binti.
- Family history. Kung may ibang kapamilya na mayroon o nagkaroon ng varicose veins, malaki ang tyansa na magkaroon ka rin.
- Obesity. Ang pagkakaroon ng mataas na timbang ay nakakadagdag ng pressure sa veins.
- Pagtayo o pag-upo ng matagal. Ang paggalaw ay nakakatulong sa pagdaloy ng dugo.
Gamot sa varicose veins
Walang mang gamot sa varicose veins, may mga paraan ng panggagamot na makakapagpabawas ng istura ng varicose veins at maibsan ang kawalang ginahawa na naidudulot nito.
Upang mapataasang pagdaloy ng dugo at mabawasan ang pressure sa veins, kailangan itaas ang iyong binti nang mas mataas sa iyong bewang ng ilang beses sa isang araw.
Ang mga ssupportive stockings at medyas ay kino-compress ang iyong veins at nakakatulong mabawasan ang discomfort na dulot ng varicose veins. Pinipigilan nito ang pag-unat ng ang veins at tinutulungang dumaloy ang dugo.
-
Injection therapy (sclerotherapy).
Larawan mula sa Shutterstock
Sa sclerotherapy ay mayroong ituturok na gamot sa iyong veins. Pinagdidikit ng gamot ang mga vein walls, at kapag ang veins ay naging peklat ay mawawala rin ito.
Sa minimally invasive na pamamaraan na tinatawag na endovenous thermal ablation, ang doktor ay gagamit ng catheter (isang mahaba at manipis na tubo) at laser upang maisara ang sirang vein.
Sa ganitong pamamaraan na tinatawag ding ligation at stripping, tinatali ng doktor ang iyong affected vein (ligation) para pigilan ang pagdaloy ng dugo. Tatanggaling ng doktor (strip) ang vein upang maiwasan ang pagkakaroon ulit ng varicose veins.
Bihira mang mangyari, may iba pang komplikasyon sa varicose veins. Ang masasakit na ulcers ay maaaring mamuo sa balat malapit sa varicose veins, partikular na malapit sa ankles.Nagsisimula ito sa pangingitim o pag-iiba ng kulay ng balat bago pa man mamuo ang ulcer. Magpakonsulta agad sa doktor kung sa tingin mo ay nagkaroon ka ng leg ulcer.
Paminsan-minsan, ang mga malalim na veins sa binti ay maaaring lumaki at magdulot ng pananakit at pamamaga nito. Magpakonsulta sa doktor kung hindi nawawala ang pananakit o pamamaga ng iyong binti dahil maaari itong senyales ng blood clot.
May mga pagkakataon din na maaaring pumutok ang mga veins na malapit sa balat. Hindi man ito gaanong dudugo, kakailanganin pa rin nito ng atensyong medikal.
Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!