13 ulam recipes na nagkakahalaga ng P100 - P200

Healthy ulam para sa iyong pamilya na pasok sa budget? Marami kang maaring lutuin sa halagang P100 hanggang P200.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ulam recipe for 100 pesos? Hindi ‘yan imposible! Basahin dito ang ilang budget-friendly na putahe na magugustuhan ng buong pamilya.

Isa sa mga bagay na dumadagdag sa mga iniisip nating mga may-bahay ang uulamin natin sa araw-araw. Sa panahon ngayon, kailangan nating maging wais pagdating sa pamimili ng mga pagkain at pagbudget ng mga sangkap na ating bibilhin. Pero hindi ito nangangahulugan na hindi na tayo maaaring kumain ng masustansya. Kaya naman narito ang mga ulam recipe for 100 pesos hanggang P200 na maaari niyong lutuin para sa pamilya!

13 ulam recipe for 100 pesos to 200 pesos

1. Ginataang kalabasa at sitaw

P115.00

Bukod sa masarap dahil sa gata, masustansya pa dahil ang kalabasa ay mayaman sa Vitamin A, vitamin B6, vitamin C at iba pa!

Mga sangkap:

  • P40 na kalabasa, hiniwa ng pa-kwadrado
  • P20 na sitaw, pinutol-putol na 2 pulgada ang haba
  • Php10 mantika
  • P25 kinayod na niyog, piniga
  • P10 piraso ng sibuyas
  • P10 butil ng bawang

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika. Kapag luto na ang bawang at sibuyas, sunod na igisa ang kalabasa. Matapos ang ilang minuto sunod na ilagay ang sitaw. Idagdag na ang gata. Saka timplahan ng asin at paminta.

2. Ginisang monggo na may chicharon

P110.00

Bagamat may kahalo itong chicharon na pampasarap at pampalasa, ayos lang dahil ang munggo naman ay siksik sa fiber kaya madali itong i-digest ng katawan, bukod dito, mayroon din itong magnesium at potassium na nakakapagpababa ng blood pressure.

Mga sangkap:

  • P30 na monggo, pinakuluan para lumambot
  • P30 chicharon
  • P10 sibuyas
  • Php10 bawang
  • P10 kamatis
  • P20 talbos ng malunggay o ampalaya

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang kamatis, sibuyas at bawang sa mainit na mantika. Kapag luto na, sunod na ilagay ang pinakuluang monggo. Sunod na ilagay ang chicharon, timplahan at pakuluin. Saka idagdag ang talbos ng ampalaya o malunggay.

3. Ulam recipe for less than 1oo pesos: Sardinas at miswa

P75.00

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaunting kanin na lang ang kailangan sa ulam na ito dahil ang miswa ay puno ng carbohydrates. Dagdagan mo pa ng protein mula sa sardinas, talagang siksik sa sustansya ang pagkaing ito.

Mga sangkap:

  • P25, isang lata ng sardinas
  • P10 bawang
  • P20 miswa
  • P10 dahon ng sibuyas
  • P10 piraso ng sibuyas

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang sardinas sa bawang at sibuyas. Lagyan ng 2 tasang tubig para magkasabaw. Timplahan ng asin at paminta. Saka ilagay ang miswa para maluto. Idagdag ang hiniwang dahon ng sibuyas kapag ihahain na.

4. Binagoongang talong na may karne ng baboy

P130.00

Ulam recipe for 100 pesos. | Image from Kawaling Pinoy

Sa sarap ng ulam na ito, maniniwala ka bang wala pang 100 pesos ang halaga ng lahat ng mga sangkap nito? Ang magandang balita, kaunting karneng baboy lang ang kailangan sa putaheng ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod sa panalong lasa, ang pangunahing sangkap nito na talong ay mayaman sa antioxidants na nakakatulong para makaiwas sa mga sakit gaya ng heart disease at cancer.

Mga sangkap:

  • P30 talong, hiniwa
  • P10 bawang
  • Php10 sibuyas
  • P10 bagoong alamang
  • P70 na karne ng baboy

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Saka sunod na ilagay ang karne ng baboy upang maluto. Mas mabuting hayaan itong mamula-mula bago ilagay ang bagoong alamang. Lagyan ng kaunting suka para mabalanse ang lasa ng bagoong.

Saka ito lagyan ng dalawang tasa ng tubig para maluto at mapalambot pa ang karne ng baboy. Kapag luto na ang baboy, sunod na ilagay ang hiniwang talong. Timplahan gamit ang kaunting asukal at paminta. Maari ring lagyan ng sili para may konting anghang.

5. Ulam recipe for 100 pesos: Sweet and spicy tofu

P130.00

Para kang kumain sa paborito mong Pinoy restaurant kapag sinundan mo ang recipe na ito. Ginagawa nitong malasa ang tofu o tokwa na isang nutrient-densed food. Subukan itong ipakain sa mga bagets kung gusto mo silang lumakas at tumangkad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sangkap:

  • P70 na tofu o tokwa, dalawang piraso
  • P10 bawang
  • Php10 sibuyas
  • P10 mantika
  • P20 celery
  • P10 oyster sauce sachet

Paraan ng pagluluto:

Hiwain ang tokwa sa kwadrado piraso at i-prito sa mantika. Kapag luto na ay itabi na muna ito. Saka igisa ang bawang at sibuyas.

Ilagay ang oyster sauce at isang tasang tubig, Timplahan gamit ang asin, asukal at paminta. Maaring lagyan ng sili kung gustong mo itong gawing maanghang. Sunod na ilagay ang prinitong tofu at hiniwang celery.

BASAHIN:

1 Month Meal Plan Recipe Ideas: Maghanda ng healthy food para sa iyong pamilya

Lampayatot si bunso? 31 na pagkain na makakatulong para tumaba at gumanda ang katawan ng bata

Benepisyo ng Kalabasa: Pampalinaw ng mata at marami pang iba

6. Ulam recipe for 200 pesos: Chicken sopas

P200.00

Isa ito sa paboritong ihain sa mga bata lalo na kapag malamig ang panahon. Sa mga gulay at karne ng manok, siguradong punung-puno ng sustansya ang pagkaing ito. Bukod dito, ang paghigop ng mainit na sabaw ay nakakatulong rin para gumanda ang pakiramdam ng isang tao kapag mayroon siyang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sangkap:

  • P50 elbow macaroni
  • P80, karne ng manok, pakuluan at himayin
  • P10 ginayat na gulay pang-sopas o pansit
  • P10 knorr cubes, chicken
  • P30 gatas na evap
  • P10 sibuyas
  • P10 bawang

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang sibuyas at bawang. Sunod na ilagay ang hinimay na karne ng manok. Igisa ng kaunti saka lagyan ng tubig na nakadepende sa dami ng sabaw na gusto mo. Ilagay ang knorr cubes. Kapag kumulo na ay saka ilagay ang macaroni noodles. Palambutin saka ilagay ang gatas at gulay. Timplahan ng paminta at asin.

7. Ginisang sayote na may giniling na karne ng baboy

P140.00

Isa ang sayote sa mga gulay na masarap at masustansya. Mayaman ito sa vitamin C at folate na napaka-importante sa mga buntis.

Mga sangkap:

  • P80 giniling na baboy
  • P30 sayote
  • P10 kamatis
  • P20 bawang at sibuyas

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Saka sunod na ilagay ang giniling at gisahin. Kapag luto na ang giniling, ilagay ang hiniwang maliliit na piraso ng sayote. Lagyan ng isang tasa ng tubig at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang sayote. Timplahan ng paminta at asin.

8. Ulam recipe for 100 pesos: Tortang talong

P104.00

Gusto mo ba ng ulam na masarap, mura at madaling lutuin? Subukan ang recipe na ito ng tortang talong. Napakasarap nitong ipares sa mainit na mainit na kanin, ketchup at malamig na tubig. Pwede ito pang-almusal, tanghalian at hapunan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Maggi PH

Mga sangkap:

  • P40 talong
  • P24 tatlong pirasong itlog
  • P20 mantika
  • P10 butil ng bawang
  • P10 piraso ng sibuyas

Paraan ng pagluluto:

Ihawin ang talong saka balatan. Paghalu-haluin sa isang bowl ang bawang, sibuyas at binating itlog. Timplahan ito ng asin at paminta. Magpainit ng mantika sa kawali. Ilublob ang binalatan at luto ng talong sa itlog mixture na ginawa. Saka ito ilagay sa mainit mantika upang prituhin.

9. Sarciadong isda

P156.00

Kahit nagtitipid, importante pa ring bigyan ng mga masusustansiyang pagkain ang buong pamilya. Ang galunggong ay mayaman sa Omega-3 fatty acids na nakakatulong sa brain development ng mga bata.

Mga sangkap:

  • P100 galunggong
  • P10 mantika
  • Php16 dalawang pirasong itlog
  • Php10 dahon ng sibuyas
  • P10 kamatis
  • Php10 bawang at sibuyas

Paraan ng pagluluto:

Iprito muna ang galunggong. Saka igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Siguradong maluluto ng maayos ang kamatis at mahiwalay na ang balat sa laman nito.

Saka ilagay ang piniritong isda. Lagyan ng kaunting tubig. Timplahan ng asin at paminta. Sunod na ilagay ang binating itlog. Kapag luto na ang itlog ay saka idagdag ang hiniwang maliliit na piraso ng dahon ng sibuyas.

10. Ulam recipe for 100 pesos: Tuna nuggets

P110.00

Sa halip na bumili ng mga mahal at pre-packaged chicken nuggets sa supermarket, subukan na lang ang recipe na ito ng tuna nuggets. Gaya ng galunggong, ang tuna ay mayaman rin sa Omega-3 fatty acids na nakakabuti rin sa ating puso.

Mga sangkap:

  • P50 tuna flakes in oil
  • P10 harina
  • P8 isang piraso ng itlog
  • P12 sky flakes
  • Php10 mantika
  • P20 mayonnaise

Paraan ng pagluluto:

Durugin ang skyflakes. Saka ito ihalo sa harina, tuna, at itlog. Timpahan ito ng asin at paminta para magkalasa. I-prito sa mantika. Maaring gamiting sawsawan ang mayonnaise o kaya naman ay tuyo at suka.

11. Vegetable okoy

P101.00

Larawan mula sa Kawaling Pinoy Recipe

Gusto mo bang turuang kumain ng gulay ang iyong mga anak? Subukang ihain ang putaheng ito sa kanila. Siksik sa bitamina dahil sa carrots, kamote at malunggay kaya siguradong maganda ito para sa mga bata. Maari itong isawsaw sa ketchup o mayonnaise para mas malasa at magustuhan ng mga bata.

Mga sangkap:

  • P20 carrot, hiniwa nang maninipis
  • P15 dalawang pirasong kamote, hiniwa nang maninipis
  • Php10 malunggay
  • P10 sibuyas, tinadtad
  • Php10 mantika
  • P16 2 pirasong itlog, binate
  • P20 harina
  • Tubig
  • Asin
  • Paminta

Paraan ng pagluluto:

Paghaluin ang tubig, itlog, harina, asin at paminta. Sunod na ilagay ang mga hiniwang gulay at haluing maigi. Siguruhin na nababalot ng mixture ang mga gulay. Prituhin at alisin ang sobrang mantika.

12. Ginisang gulay (sari-sari)

P140

Mga sangkap:

  • 1 medium-sized squash, diced
  • P30 medium-sized na kalabasa
  • P20 talong
  • P30 sitaw
  • P15 kamatis
  • P10 sibuyas
  • P5 bawang
  • P10 mantika
  • P20 ampalaya
  • asin at paminta

Optional: 1 cup ng sliced okra

Paraan ng pagluluto:

  1. Initin ang mantika sa isang kawali over medium heat.
  2. Igisa ang bawang hanggang maging golden brown. Sunod na ay igisa ang sibuyas. Lutuin hanggang maging translucent ang sibuyas.
  3. Idagdag ang kamatis. Ituloy ang paggisa hanggang lumambot ang kamatis.
  4. Ilagay ang kalabasa at lutuin nang 5 minuto o hanggang bahagya itong lumambot.
  5.  Idagdag ang talong at sitaw. Haluin nang maigi.
  6. Timplahan ng asin at paminta. Pwede ring magdagdag ng patis para sa extra flavor.
  7. Lutuin nang 5-7 minuto o hanggang maluto ang lahat ng hinalong gulay.

13. Adobong manok

P99.00

Ang adobo ang isa sa mga paboritong ulam ng mga Pinoy! Lalo na ang chicken adobo. Kaya naman, narito ang chicken adobo recipe for you!

Mga Sangkap:

  • 1/4 kilo manok, hiniwa (P50)
  • 3 butil ng bawang, dinurog (P5)
  • 1 sibuyas, tinadtad (P5)
  • 1/4 tasa toyo (P10)
  • 1/4 tasa suka (P10)
  • 1 dahon ng laurel (P2)
  • 1 kutsarita pamintang buo (P2)
  • Mantika (P5)
  • Tubig (P5)
  • Asin at paminta (P5)

Paraan ng Pagluluto:

  1. Sa isang kaldero, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
  2. Idagdag ang manok at lutuin hanggang mag-brown.
  3. Lagyan ng toyo, suka, dahon ng laurel, pamintang buo, at tubig.
  4. Pakuluin at hinaan ang apoy, takpan at hayaang kumulo hanggang lumambot ang manok.
  5. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
  6. Ihain kasama ng kanin.

Updates mula kay Jobelle Macayan

Kawaling Pinoy, Filipino Style Recipe, Instagram, Maggi PH, It Doesn’t Taste Like Chicken