Kailangan mo bang magpa-ultrasound? Narito ang list ng ultrasound price in the Philippines. Pero bukod sa presyo na nakasaad sa artikulo na ito, alam mo bang pwede ka ring makapagpa-ultrasound nang libre? Saan at paano? Alamin dito!
Ano ang ultrasound?
Ang ultrasound na tinatawag ding sonography ay isang paraan sa medikal na larangan upang makita ang kalagayan ng internal organs ng isang tao. Sa tulong ng mga high-frequency sound waves ay nakakagawa ito ng imahe ng mga blood vessels, tissues at organs sa loob ng katawan. At maaring makita ng pasyente at kanyang doktor sa pamamagitan ng isang computer.
Ilan sa parte ng katawan na ginagamitan ng ultrasound ay ang abdomen, breasts, female pelvis, prostate, scrotum at thyroid. Isinasagawa rin ito sa mga buntis upang masubaybayan ang paglaki ng fetus sa kanyang sinapupunan. Sa kada parte nga ng katawan na nabanggit ay iba-iba ang uri o techniques ng ultrasound ang ginagamit. Ito ay ang sumusunod:
Ultrasound price Philippines depende sa types ng ultrasound
1. General ultrasound
Ang general ultrasound ay isinasagawa upang makita ang kalagayan ng organs sa loob ng katawan. Nakatutulong ito upang matukoy kung ano ang dahilan ng pananakit, pamamaga o di kaya naman ay impeksyon sa mga internal organs ng katawan.
Isinasagawa ang general ultrasound sa pamamagitan ng pagtatapat ng transducer sa katawan ng tao na ini-eksamin o pinag-aaralan.
Sa ilalim ng general ultrasound ay may iba’t-iba uri din ng ultrasound na naiiba lang dahil sa parte ng katawan na tinitingnan o pinag-aaralan.
Abdominal Aorta
Ang abdominal aorta ay ang uri ng ultrasound na isinasagawa upang matukoy ang mga aneurysms o arterial disease na nararanasan ng aorta o ang blood vessel na nakakabit sa ating puso.
Abdominal aorta ultrasound price Philippines
Isa sa nagsasagawa ng uri ng ultrasound na ito ay ang Philippine Heart Center sa Quezon City. Na kung saan sila ay may ibinibigay ng package na nagkakahalaga ng P5,250.00 na kinabibilangan ng abdominal aorta ultrasound at iba pang test na isinasagawa na may kaugnayan dito.
Cranial
Ang cranial ultrasound ay isang technique upang makita ang loob ng utak. Ito ay isinasagawa sa mga sanggol na may malambot pang bunbunan.
Cranial ultrasound price Philippines
Sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ay nagkakahalaga ang ultrasound na ito ng P1, 450.00.
Inguinal
Ang inguinal ultrasound ay ang uri ng ultrasound na ginagamit upang ma-eksamin ang magkabilang singit. Isinasagawa ito upang matukoy ang anumang dahilan ng pananakit o discomfort sa parte ng katawan na ito.
Inguinal ultrasound price Philippines
Sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ay nagkakahalaga ang ultrasound na ito ng P1, 250.00 hanggang P1, 800.00.
Scrotal
Ang scrotal ultrasound ay isinasagawa upang ma-eksamin ang scrotum o bayag ng isang lalaki.
Scrotal ultrasound price Philippines
Sa East Avenue Medical Center ang uri ng ultrasound na ito ay nagkakahalaga ng P 1, 450.00.
Thyroid
Ang thyroid ultrasound ay isinasagawa upang matukoy kung may mga bukol o cysts sa thyroid gland ng isang tao. Ang uri ng ultrasound na ito ay nagkakahalaga ng P1, 250 sa East Ave. Medical Center sa Quezon City.
Abdominal ultrasound
Ang abdominal ultrasound ay isinasagawa upang matingnan o ma-eksamin ang mga internal organs sa loob ng tiyan. Tulad ng liver, gallbladder, spleen, pancreas kidneys at bladders. Sa tulong ng abdominal ultrasound ay natutukoy kung may damage ba ang mga organs na ito ng katawan. At nagagabayan nito ang iba pang procedures na dapat isagawa sa tiyan ng isang tao.
Abdominal ultrasound price Philippines
Sa East Avenue Medical Center ang ultrasound na ito ay nagkakahalaga ng P 1, 650.00 para sa upper abdomen at P2, 100.00 para sa whole abdomen.
Breast ultrasound
Ang breast ultrasound naman ay isinasagawa sa suso ng babae man o lalaki. Ito ay upang matukoy kung mayroon bang bukol o iba pang abnormalities na tumutubo rito.
Breast ultrasound price Philippines
Sa East Avenue Medical Center ang uri ng ultrasound na ito ay nagkakahalaga ng P1, 450.00 kada suso.
2. Obstetric o OB-Gyne Ultrasound
Ang obstetric ultrasound naman ay isinasagawa partikular na sa babaeng buntis. Ito ay upang masubaybayan ang fetus na nasa loob ng kaniyang tiyan. At iba pang organs na mahalaga sa development ng sanggol na kanyang dinadala. Ilan sa maaring matukoy ng uri ng ultrasound na ito ay ang sumusunod:
- Presensya ng embryo o fetus sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina.
- Age o buwan ng pagbubuntis.
- Congenital abnormalities na maaring taglay ng ipinagbubuntis na sanggol.
- Multiple pregnancies o pagkakaroon ng higit sa isang sanggol na ipinagbubuntis.
- Posisyon ng fetus at placenta sa loob ng tiyan.
- Level o amount ng amniotic fluid sa paligid ni baby.
- Pagbabago sa opening o shortening ng cervix ng isang babae.
- Paglaki ng fetus sa loob ng tiyan.
Sa ilalim ng uri ng ultrasound na ito ay may iba’t-ibang techniques din ang isinasagawa upang matukoy ang iba pang abnormalities sa katawan ng tao.
Pelvic ultrasound
Ang pelvic ultrasound ay ang pinaka-kilalang uri ng ultrasound. Dahil sa ito ang ginagamit upang ma-monitor ang kalagayan ng sanggol sa sinapupunan. Ngunit maliban rito, nakakatulong din ang pelvic ultrasound upang ma-eksamin ang uterus, ovaries, bladder at prostate gland ng isang tao. At upang matukoy rin kung siya ay nakakaranas ng sumusunod na kondisyon:
- Pelvic pain
- Abnormal bleeding
- Menstrual problems
- Ovarian cysts
- Uterine fibroids
- Ovarian at uterine cancers
- Kidney at bladder stones
Pelvic ultrasound price Philippines
Sa East Avenue Medical Center, ang pelvis ultrasound para sa buntis ay nagkakahalaga ng P 1, 200.00.
Transvaginal ultrasound
Ang transvaginal ultrasound ay isang uri ng pelvic ultrasound. Kilala rin ito sa tawag na endovaginal ultrasound at isinasagawa upang ma-eksamin ang female reproductive organs. Ang mga organs na maaring makita o maeksamin gamit ang uri ng ultrasound na ito ay ang uterus, fallopian tubes, ovaries, cervix at vagina.
Ito ay isang internal examination na kung saan naisasagawa sa pamamagitan ng pagpasok ng transducer sa pwerta ng babae.
Transvaginal ultrasound price Philippines
Sa East Avenue Medical Center ay nagkakahalaga ito ng P 1, 800.00.
Transrectal ultrasound
Samantala, para sa mga lalaki, ang transrectal ultrasound naman ang isinasagawa upang ma-eksamin ang kanilang prostate glands. Sa pamamagitan pa rin ng transducer na ipinapasok sa rectum o puwitan ng isang lalaki ay makikita na ang kasulukuyang kalagayan ng kanilang prostate. Pati na kung may abnormal na bukol o tumor na ba ang tumutubo sa loob nito.
Transrectal ultrasound price Philippines
Sa East Avenue Medical Center ang uri ng ultrasound na ito ay nagkakahalaga ng P1, 800.00.
Mga clinics na maaring puntahan upang magpa-ultrasound
Samantala, maliban sa mga ospital na nabanggit sa itaas, may mga diagnostic clinics din sa Manila ang nag-ooffer ng mga nabanggit na ultrasound procedure. Ilan sa mga clinic na ito ay ang sumusunod:
Mayon Clinical Laboratory & Medical Services
857 Lot, 3 Mayon St, La Loma, Quezon City, 1114 Metro Manila
Phone: (02) 8708 3520
Sis Diagnostic and Laboratory Center
G/F, CMC Building, 303 Dr Jose P. Rizal Ave, Makati, 1204 Metro Manila
Phone: (02) 8890 3226, (02) 7379 3823
United Diagnostic Laboratory
Taft Ave, Paco, Manila, 1000 Metro Manila
Phone: (02) 8523 4688
MedlinePlus Diagnostics
Escoda St, Paco, Manila, 1000 Metro Manila
Phone: (02) 8521 0531
Hi-Precision Diagnostics
- 440, W. Long Building, 442 Del Monte Ave, Quezon City, 1105 Metro Manila | Phone: (02) 8741 7777
- 8265 San Isidro Sucat,, Dr Arcadio Santos Ave, San Isidro , Sucat, Parañaque, 1700 Metro Manila | 09363917127
- Valley 1, Unit A 4-B, Jaka Plaza Bldg, Dr Arcadio Santos Ave, San Antonio, Parañaque, 8288 Metro Manila | 09338193858
Para sa iba pang branch ng Hi-Precision Diagnostics Clinic pati na rin ang contact details, maaaring bisitahin ang link na ito.
Ace Diagnostics
1, CPE Building, B2 Marlboro Street Commonwealth Avenue, Novaliches, Quezon City, 1121 Metro Manila
Phone: (02) 8461 3901
Saan maaring maka-request ng libreng ultrasound?
Free ultrasound ba ang hanap? Dahil sa may kamahalan ang procedure na ito, may programa ang DOH at DSWD para sa mga walang kakayanang magbayad sa pagpapa-ultrasound. Ito ay ang Medical Assistance Program o MAP na nagbibigay ng libreng konsulta at iba pang test at procedures na gagawin sa isang pasyente. Kailangan lang ay mapatunayan ng pasyente na siya ay indigent o walang kakayahang magbayad. At dapat siya ay nagpapatingin o kasalukuyang naka-confine sa isang pampublikong ospital.
Paano makapag-request ng free ultrasound?
Para magamit ang benepisyo ng Medical Assistance Program na ito ay magpunta sa Local Government Unit ng iyong lugar. Dalhin lang ang mga dokumento na magpapatunay ng medical needs mo. Tulad ng reseta, laboratory o ultrasound request. Pati na ang barangay certificate of indigency o indigency card na mula sa medical social service ng ospital. Sa tulong ng isang social worker ay ma-aassist ka na sa medikal na pangangailangan mo.
Updates mula kay Jobelle Macayan
BASAHIN: 6 Na paraan para malaman kung lalake o babae si baby base sa ultrasound