Nagtataka ka ba kung bakit umiitim ang baby o nagbabago ang kulay niya mula ng ipinanganak habang lumalaki? Narito ang mga posibleng dahilan at ang paliwanag.
Talaan ng Nilalaman
Bakit umiitim o nagbabago ang kulay ng balat ng sanggol?
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Ang mga sanggol ay may mapulang balat sa oras na sila ay maipanganak. Pero sa pagdaan ng mga araw at linggo ang kulay ng balat ng sanggol ay maaring magbago.
Maaring umitim mula sa dating maputi o kaya naman ay biglang pumuti kahit noong una, ito ay maitim. Napansin mo rin ba ang pagbabago na ito sa kulay ng iyong anak? Malamang nagtataka ka kung bakit ito nangyayari. Ito ang mga posibleng dahilan.
Pagbabago ng kulay ng balat ng mga bagong panganak na sanggol
Unang-una, kailangan maitindihan nating mga magulang na ang kulay ng balat ng ating sanggol ay hindi maaaring mabago sa pamamagitan ng mga pagkain ating kinakain, o diet natin habang buntis o habang tayo ay nagpapasuso.
Sapagkat paliwanag ng siyensya, ang skin color ng sanggol ay nakadepende sa genetics ng kaniyang ama’t ina sa oras na siya ay na-fertilize o nagsimulang ipagbuntis.
Kaya naman, mommy lalo na kung ikaw ay buntis, hindi mo na kailangang kumain ng kung ano-ano masiguro lang na magiging maputi si baby.
Mga posibleng dahilan
Para mas lubos na maintindihan ang pagbabago sa skin color ng mga sanggol, ay narito ang iba’t ibang posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari.
- Ang mataas na temperature ng katawan o high body temperature ay dahilan kung bakit nagiging mapula o reddish ang balat ni baby.
- Maaari namang maging bluish pale ang balat ng sanggol dahil sa lamig. Lalong-lalo na kung ang kaniyang mga kamay at paa ay expose.
- Kung umiiyak naman ng malakas o todo ang sanggol ay maaari siyang mangitim o magkulay purple. Pero kung ito ay hindi nawawala o hindi bumabalik sa dati ang kulay ng sanggol matapos umiyak ay mainam na ipatingin na siya sa doktor. Dahil maaaring palatandaan na ito na siya ay mayroong circulatory o breathing problem.
- May ilang sanggol rin ang mukhang maitim ilang araw matapos maipanganak kahit na parehong maputi naman ang magulang nila. Ito ay dahil sila ay nababawasan ng timbang o tubig sa katawan. O kaya naman dahil sa isang temporary condition na nakakaapekto sa balat ng sanggol na dulot naman ng mga health at environmental issues.
Pero walang dapat ipag-alala. Dahil ang kulay ng balat ng sanggol ay mababago pa o babalik sa orihinal sa oras na naging maayos na ang breastfeeding pattern niya. O kapag siya ay nakakakuha na ng sapat na gatas at mga nutrients na kailangan ng kaniyang katawan.
Umiitim ang baby/ Image from the Asianparent Malaysia
Ang age o edad ng sanggol ng ipinanganak ay maaaring makaapekto sa kulay ng kaniyang balat
Kailan dapat magpunta sa doktor?
May iba’t ibang rason sa pagbabago ng kulay ng balat ng sanggol ito ay ang mga sumusunod:
1. Dark Red
2. Yellow
Ang ilan pa sa mga kondisyon na maaaring magdulot ng jaundice ay:
- hindi magka-match na blood type ng nanay at baby
- underactive thyroid
- urinary tract infection (UTI)
- blockage sa gall bladder at bile ducts
3. Blue
- Cyanosis – ang mga sanggol na mayroon nito ay may kulay asul na balat at mucous membranes. Nagkakaroon ng ganitong kondisyon kapag may problema sa puso, baga, at central nervous system. Dulot ito ng kakulangan ng oxygen sa dugo ng baby. Kung mapansin na may blueish na balat ang sanggol at nahihirapan itong kumain, huminga, o gumising, agad na dalhin ito sa doktor para sa emergency medical care.
4. Maputlang balat
May iba’t ibang kondisyon na maaaring magdulot ng pamumutla ng balat ng iyong anak.
- Anemia – kondisyon ito kung saan ay kulang ang red blood cells ng sanggol o kaya naman ay hindi nagfu-function nang maayos ang red blood cells nito. Kapag hindi maayos ang function at production ng red blood cells, hindi magkakaroon ng sapat na oxygen ang dugo ng bata.
- Albinism – genetic condition ito kung saan ay may mababang level ng melanin pigment ang balat ng sanggol. Bukod sa pamumutla ng balat ay maputla rin ang kulay ng buhok ng mga taong may albinism.
- Phenylketonuria – uri ito ng disorder na namamana kung saan ay nahihirapan ang katawan ng baby na i-break down ang amino acid phenylalanine. Nakatutulong ang amino acid para makapag-produce ng proteins ang katawan. Kapag nagkaroon ng build up nito sa dugo, maaari itong magdulot ng health problems tulad ng seizures.
Puputi ba ang baby ko?
Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa wikang Ingles sa theAsianparent Malaysia at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
Additional source:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.