Umuuga na ang ngipin ng bata? 8 na bagay na dapat mong malaman bago mo ito bunutin

Umuugang ngipin ng bata? Kailan ba ito nagsisimula? Alamin ang mga bagay patungkol sa pag-uga ng ngipin ng mga bata dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Normal para sa mga bata ang pagka-bungi at ang pag-uga ng ngipin habang lumalaki sila. Ang mga baby teeth, o primary teeth, ay tumutubo sa murang edad at kalaunan natatanggal dahil hindi ito permanente.

Mahalaga ang kaalaman upang masiguro ang kalusugan ng mga permanenteng ngipin na papalit sa mga baby teeth.

Narito ang mga dapat malaman ng mga magulang tungkol sa umuugang ngipin ng bata, ang paglabas ng permanent teeth, at kung ano ang dapat gawin.

Umuugang ngipin ng bata

Karaniwang nagkakaroon ng umuugang ngipin ang mga bata sa edad na anim(6) na taon, ngunit ito’y maaaring mangyari mula edad 4 hanggang 8. Ang mga senyales na matatanggalan na ng ngipin ang iyong anak ay ang pag-uga nito.

Ang pagtubo ng permanent teeth ay matatantya rin base sa pagtubo ng unang baby tooth. Kung ang unang ngipin ay tumubo sa edad na 3-4 na buwan, maagang tutubo ang permanent teeth (edad 4-5 taon). Kung ang unang ngipin ay tumubo sa edad na 1 taon, mas late din tutubo ang permanent teeth.

Bulok na ngipin ng bata

Ang tooth decay o bulok na ngipin ng bata ay dulot ng external factors at kawalan ng basic hygiene. Dagdag pa rito, ang tooth decay o bulok na ngipin ay nagsisimula sa pagkasira ng tooth enamel, na nagdudulot ng cavities o butas sa ngipin. Ito ay sanhi ng bacteria at carbohydrates (sugar at starch) mula sa pagkain tulad ng soda, gatas, candy, tinapay, at cereals.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang bacteria sa bibig ay nagko-convert ng natirang pagkain sa acid, na kasama ng laway at pagkain, ay bumubuo ng plaque na dumidikit sa ngipin. Sa paglipas ng panahon, ang acid ay sumisira sa enamel, nagiging sanhi ng cavities at bulok na ngipin.

8 na bagay na dapat mong malaman tungkol sa umuugang ngipin ng bata

1. Kailan nga ba nag-uumpisang umuga at mabunot ang ngipin ng bata?

Sa edad na 6 na taong gulang, nag-uumpisang umuga at mabunot ang ngipin ng mga bata, bilang proseo ng paglabas ng mga permanent teeth. Minsan ay 1 taon o 2 taon na mas maagang nararanasan ang proseso na ito, at ito ay normal.

Ang mga babae ay mas nauunang nabubunutan ng ngipin kaysa sa mga lalaki. Kadalasan ang unang ngipin na nabubunot ay ang ngipin sa unahan at ibabang parte.

2. Ano ang dapat gawin kapag umuuga na ang ngipin ng bata?

May mga bata na nais na agad bunutin ang ngipin nila kapag naramdamang umuuga na ito. Dahil ang pag-uga ng ngipin ay nakakaabala sa pagkain at pagsisipilyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong sitwasyon kung ang inyong anak ay kumportable, inirerekomenda ng mga eksperto na kumuha ng tissue at ipatong sa umuugang ngipin, at hilahin nang dahan-dahan. Kung ang ngipin ay handa nang mabunot agad itong matatanggal, ngunit kung hindi pa ay huwag pilitin.

3. Mga bagay na dapat gawin kapag nabunot na ang ngipin.

Kung ang inyong anak ay nag-umpisa ng mabunutan ng baby teeth, importanteng turuan sila ng tamang pangangalaga sa ngipin.

  • I-encourage ang bata na magsipilyo, dalawang beses sa isang araw.
  • Turuan ang bata kung paano ang tamang paggamit ng dental floss at tamang pagsisipilyo.
  • Iwasan ang pagpapakain sa anak ng matatamis at mayaman sa asukal na pagkain.
  • Siguraduhin na may regular na check up ang inyong anak sa dentista.

4. Kailan lalabas ang permanent teeth ng bata?

Kailan lalabas ang permanent teeth ng bata? | Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga permanent teeth ay kilala rin sa tawag na adult teeth o secondary teeth. Sa edad na 21 years ang isang tao ay mayroon ng 32 na permanent na ngipin, 16 sa itaas na panga at 16 sa ibabang panga.

Sa edad na 6 na taong gulang, nag-uumpisa nang tumubo ang mga permanenteng ngipin sa likod ng mga baby teeth.

Ang timing ng paglabas ng mga permanent teeth ay naiiba depende sa sitwasyon. Narito ang karaniwang pagkakasunod-sunod ng paglabas ng ngipin.

  • First molars – sa pagitan ng 6 at 7 taong gulang
  • Central incisors – sa pagitan ng 6 at 8 taong gulang
  • Lateral incisors – sa pagitan ng 7 at 8 taong gulang
  • Canine teeth – sa pagitan ng 9 at 13 taong gulang
  • Second molars – sa pagitan ng 11 at 13 taong gulang
  • Third molars (wisdom teeth) – sa pagitan ng 17 at 21 taong gulang

5. Paraan ng tamang pagsisipilyo

Ang standard na tagal ng pagsisipilyo ay umaabot ng 2 minuto. Ihanda ang tooth brush, tooth paste at sundin ang mga sumusunod na proseso.

  • Basain ang sipilyo gamit ang tubig, lagyan ng kaunting toothpaste na ksing laki ng beans.
  • Gamitin ang toothbrush, i-brush ang ngipin ng sa paikot na paraan, mula taas pababa.
  • I-brush ang labas na bahagi ng ngipin at siguraduhing huwag malampasan ang back molars at at itaas na bahagi ng ngipin.
  • Siguraduhin din na i-brush ang loob na bahagi ng ngipin.
  • Hindi lamang ang ngipin ang kinakailangang linisin, i-brush din ang dila upang matanggal ang mga bacteria na maaaring na-stuck dito.
  • Idura ang ang toothpaste at magmumog gamit ang tubig.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

6. Narito ang mga methods at hakbang kung paano ang tamang paggamit ng dental floss para sa bata

  • Spool method ( kilala rin sa tawag na finger wrap method)
    • Kumuha ng floss na may habang 18 hanggang 20 inches.
    • Itali ang magkabilang dulo sa dalawang gitnang daliri.
    • Sunod, ay dahan-dahang igalaw ang floss sa pagitan ng ngipin sa tulong ng hintuturo at hinlalaki, pataas at pababa hindi patagilid.
    • Suguraduhin na nakuskos ang bahagi ng ngipin na iyong nililinis.

7. Dental Checkups

Larawan mula sa Shutterstock

Mga mommies at daddies, importante na magkaroon ng regular na check up sa dentista ang inyong mga anak, dalawang beses sa isang taon.

Kinakailangang sumailalim din ang inyong mga anak sa pagpapalinis ng ngipin sa dentista. Maaaring bumisita sa regular na dentista o ‘di kaya naman ay pumunta sa pedodontist, isang dentista na may expertise mga ngipin ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang regular na pagpapa-check up sa dentista ay makatutulong ang malalalang cases ng sakit sa ngipin ng bata.

Ipinapayo rin na tumawag sa inyong dentista kung inyong anak ay dumaranas ng toothache. Dahil ang sakit na ito ay maaaring senyales ng pagkabulok ng ngipin.

8. Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng cavities sa bata?

Ang pinakamainam na paraan upang malabanan ang cavities ay ang tamang pangangalaga sa ngipin.

Importante na bantayan ang inyong anak habang nagtutoothbrush o gumagamit ng dental floss. Mas mabuti kung uunahin ang paggamit ng dental floss bago ang pagsisipilyo.

Siguraduhing tama ang paraang ginagawa ng anak sa paglilinis ng kaniyang ngipin.

Ang mga parents na may anak na baby: Huwag kalimutan na kahit wala pa silang ngipin ay maaari ng mamuhay ang germs sa knilang bibig. Gumamit ng malinis at malambot na tela at dahan-dahang ipunas sa gums ng bata. Matapos kumain.

Kung ang inyong anak ay mahilig sa matatamis na pagkain, bigyan asila ng mga healthy alternatives tulad ng mga sumusunod.

  • low glycemic fruits (blackberries, blueberries, and raspberries)
  • trail mix, with nuts
  • yogurt
  • frozen bananas
  • cheese sticks
  • unsweetened applesauce
  • dried fruits with no sugar added
  • carrots and dip
  • granola bars

Tandaan importante ang tamang pangangalaga sa ngipin, upang sa pagtanda ay hindi ito pagsisihan.

Gamot sa sakit ng ngipin ng bata

Minsan, kasabay ng umuugang ngipin ng bata ay ang mararamdamang sakit ng ngipin. May mga gamot at home remedies na maaaring gawing lunas sa sakit ng ngipin ng bata.

Narito ang mga sumusunod na gamot at home remedies sa sakit ng ngipin ng bata.

  • Magmumog ng maligamgam na tubig na may kaunting asin.
  • Antibacterial ang bawang, kaya maaaring gumamit ng garlic paste sa area na masakit
  • Maglagay ng cold compress sa maasakit na bahagi. Huwag direktang yelo ang gamitin sa bahaging masakit.
  • Lagyan ng peppermint tea bag ang ngipin o area na masakit.
  • Magpakonsulta sa doktor para malaman ang pinanggagalingan ng sakit ng ngipin bng bata bago sumubok ng anumang gamot.

Ilang taon pwedeng bunutan ng umuugang ngipin ang bata

Siyempre, normal na kapag may umuugang ngipin ang bata, matatanggal ito ng kusa. Pero, may mga pagkakataon din na kailangan na silang bunutan.

Ilang taon nga ba pwedeng bunutan ng umuugang ngipin ang bata? Kailangan muna dalhin sa inyong pedia o sa dentista ang inyong anak kapag hindi na normal ang hitsura ng bulok na ngipin.

Kadalasan, ang karaniwang edad kung ilang taon pwwedeng bunutan ng umuugang ngipin ang bata ay 5 taong gulang. Payo pa rin ng dentista o ng pedia ang sundin kung maaari na bang bunutan ng ngipin ang bata.

Lalo na kapag nagdudulot na ito ng ibang senyales o matinding bulok na ngipin ng bata, magpakonsulta na sa dentista.

 

Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Joyce Ann Vitug