Ano ang nangyari sa unang gabi pagkatapos ng kasal ninyo ng asawa mo?
Mababasa sa artikulong ito:
- Unang gabi pagkatapos ng kasal
- 5 tips na kailangang tandaan para sa wedding night
Unang gabi pagkatapos ng kasal
Kadalasan, taon ang tinatagal ng mga couple sa pagpaplano ng kanilang once in a lifetime wedding. Mahaba ang paghahanda at bawat detalye ay kailangang pinuhin. Siyempre, ang okasyon na ito ay espesyal at kaabang-abang talaga para sa soon-to-be married couple.
BASAHIN:
Halos 50% ng parents ay agree na mas okay ang live-in muna bago ang kasal
“We say sorry to each other.” 6 paraan kung paano magkaayos pagkatapos mag-away
Kung ikaw ay malapit nang ikasal at iniisip mo kung ano ang mga mangyayari lalo na sa unang gabi pagkatapos ng ceremony, don’t worry!
Nagtanong kami sa theAsianparent Community tungkol first wedding night ng mga newly married! Hindi mo aasahan ang confession ng ating TAP moms! Handa kana ba?
“May nangyari pero mabilisan lang.”
Karamihan sa ating TAP moms ay nagkaroon pa rin ng intimate time kasama ang partner sa kanilang unang gabi bilang legal na mag-asawa.
“Siyempre dahil 1st night namin ni hubby ‘yun, nag-loving-loving kami,” sabi ni Mommy Jirah.
Ganito rin ang ibinahagi ni Mommy Joreen, “Ayun, gusto na sana matulog ni hubby kasi pagod sa wedding. Kami lang nag-coordinate lahat pero may nangyari pa rin, sabi ko kasi minsan lang ‘yong moment na ‘yon and 1st wedding night pa.”
“Nagbukas ng regalo.”
Kahit na pagod karamihan ang ating TAP parents sa kanilang first night as a married couple, kwento nila, nag-enjoy silang magbukas ng regalo at magkwentuhan tungkol sa nangyari sa kanilang kasal. Naging magandang oras ito sa kanila upang magkaroon ng sariling time para sa isa’t-isa.
“Natulog lang kami, walang nangyari.”
May ilan sa ating TAP moms na inamin nilang walang nangyari dahil sa pagod. May iba rin na sinabing hindi sila nakapag-sexy time dahil maraming tao o bisita sa kanilang bahay.
“Walang nangyari kasi parehas pagod since intimate wedding at kami lahat nag-asikaso a day before and wedding day itself kaya tulog agad.”
Dagdag nila, hindi naman nila kinalimutan ang sexy time dahil nangyari rin ito kinabukasan o kung kailan sila lumipat na ng bahay.
5 tips na kailangang tandaan para sa wedding night
‘Wag masyadong kabahan, mommy! Inhale, exhale. Narito ang tips para sa’yo:
1. Mag-relax at i-enjoy ang inyong first night bilang mag-asawa
Exciting talaga ang first night niyo bilang mag-asawa. Huwag masyadong ma-pressure at i-enjoy lang ang moment niyo sa first night niyong dalawa.
Siyempre, maganda rin na bagong ligo ka, toothbrush at iba pa dahil hygiene is a must. Maganda rin na pag-usapan niyong dalawa kung ano ang mga dapat niyong gawin sa inyong first night.
Katulad ng paglalagay ng mga candle o kaya naman pagpapatugtog ng music para mas maging intimate kayong dalawa. Mag-relax at i-enjoy ang gabi kasama ang iyong asawa.
2. ‘Wag magkaroon ng mataas na expectation sa unang gabi
Kadalasan kasi ng mga bagong kasal ay pagod sa ceremony ng kasal, lalo na iyong mga kinasal sa simbahan. Kaya naman ang iba ay pagod na talaga kaya kinabukasan na lamang magkakaroon ng intimate time sa isa’t isa ang mag-asawa.
Kaya naman huwag masyadong mag-expect ng isang wild na gabi kasama si mister. Bukod naman sa pakikipagtalik ay marami din kayong pwedeng gawin.
Katulad ng pagkukuwentuhan patungkol sa nangyari niyong pag-iisang dibdib. O kung ano pa ang mga goals at plano niyo sa future bilang mag-asawa. O kaya naman siyempre magbukas ng mga regalo.
3. Protection is a must!
Kung wala pa sa plano niyo ni hubby ang magkaroon ng baby, ‘wag kakalimutan na gumamit ng protection kapag sexy time na. Mahalaga ito na dapat tandaan lalo na ng mga first timers.
Maraming paraan upang maiwasan ang pagbubuntis. Katulad na lamang ng paggamit ng condom, pag-inom ng pills, o kaya naman pagpapaturok ng injectables contraceptives.
4. Personal grooming
‘Wag din kakalimutan ang last tip na ito. Kahit na anong pagod dala ng buong araw, ‘wag mong kakalimutan ang iyong personal grooming. Maligo, maglinis, at i-freshen up ang sarili.
Lahat ng babae ay may kaniya-kaniyang dream wedding. Minsan ay kuntento na sila sa simpleng seremonya o intimate wedding na pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang bisita.
Mayroon din na naghahangad ng beach wedding or kakaibang istilo ng kasal. Iba-iba man sila, ngunit iisa lang ang kanilang goal—ito ay ang magkaroon ng memorable wedding kasama ang kanilang partner.
5. Magsuot ng madali lang matanggal
Kumbaga sa first night ay dapat madali lamang matanggal ang mga dapat matanggal. Katulad na lamang ng pagsusuot ng mga lingerie. Nakakatulong din ito para sa dagdag na spiceness ng inyong first night.
Kagaya nga sinasabi kanina mas okay din kung may music kayo para mas maging romantic pa ang inyong gabi. Iparamdam niyo sa isa’t isa na mahal niyo ang isa’t isa sa inyong first night.