STUDY: Walang kinalaman sa development ang late na paglakad ng bata

Maraming mga magulang ang nangangamba kapag late ang unang paglakad ng bata. Ngunit, pinasubalian ng mga pag-aaral ang consequence nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming mga magulang ang nangangamba sa late na unang paglakad ng bata. Ngunit, pinasubalian ng mga pag-aaral ang consequence na dala nito.

Imahe mula sa | Image by jcomp on Freepik

Unang paglakad ng bata

Sa average na panahon ng unang paglakad ng bata, nagsisimula ito sa edad na 12 buwan. Ito ang nagiging decisive point ng kanilang development at milestones. Dito rin sa panahonh ito ipinangangamba ng mga magulang kung ano ang magiging kahihinatnan ng paglaki ng kanilang anak.

Meron nga bang consequence o epekto ang late na unang paglakad ng bata?

 

May consequence ba kung late ang unang paglakad ng bata?

Imahe mula sa | Image by Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagbigay ng conclusion ang Swiss National Science Foundation tungkol sa maagang unag paglakad ng bata. Ayon sa kanila, hindi ito nagresulta sa mas matalino at mas well-coordinated na mga bata.

Dagdag pa, sa mga pananaliksik din nina Oskar Jenni at Valentin Rousson, groundless o walang batayan ang pangamba ng mga magulang sa late na unang paglakad ng kanilang anak. Nagsisimula kasi ang mga pangambang ito sa pagkukumpara ng kanilang anak sa iba pang mga bata. Maaaring nakikita nilang batayan ng maayos na paglaki ay ang advancement sa milestone ng ibang mga bata.

Sa iba pang mga pag-aaral ng pediatricians, binigyan nila ng 7 beses na test ang mga bata sa unang dalawang taon ng kanilang paglaki. Pagkatapos nito ay nagbibigay sila ng motor at intelligence tests sa mga bata kada dalawa o tatlong taon pagkatapos ma-reach ang schooling age. Nakita nilang ang unang beses na naglakad ang mga bata ay between 8.5 hanggang 20 months old. Makikita din na ito ay nasa average na 12 months o isang taong gulang.

Ibig sabihin, walang nakikitang correlation ang mga researcher sa edad ng motor milestone at sa kanilang intelligence scores. Kung gayon, ang mga bata na na-late sa unang paglakad ay well-coordinated din at kasing talino ng iba pang mga bata.

Ayon pa kay Jenni, walang dapat na ipangamba ang mga magulang kung nagsimulang maglakad ang kanilang mga anak sa ika 16 o 18 months old nila. Mas mangamba sila na kung umabot na sa 20 months old ay hindi pa rin nakakapaglakad ang kanilang anak. Dito, mas kakailanganin na ang medical investigation upang malaman ang dahilan ng di paglalakad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Imahe mula sa | Image by jcomp on Freepik

Tandaan

Mga mommies, maging mapagbantay tayo sa paglaki ng ating mga anak. Ngunit, tandaan din natin na magkakaiba ang bawat bata. At magkakaiba rin ang pacing kung kailan at paano sila lumalaki.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinulat ni Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Nathanielle Torre