Undas Must-Haves Checklist: Mga Dapat Dalhin Sa Loob Ng Sementeryo

Maging handa para sa darating na Undas at alamin kung anu-ano ang mga Undas must-haves na kailangang baunin sa loob ng sementeryo.

Muli na namang sasapit ang All Saints’ Day o Araw ng mga Patay sa November 1. Libu-libong tao ang tiyak na dadagsa sa mga sementeryo upang dalawin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Kailangan maging handa para sa darating na undas. At upang kayo’y tulungan, gumawa kami ng undas must-haves checklist para hindi makaligtaan ang mga mahahalagang bagay na dapat dalhin sa sementeryo.

Patuloy na magbasa upang malaman kung anu-ano ang mga kailangang baunin sa sementeryo para sa darating na Undas.

Undas Must-Haves Checklist

Undas Must-Haves: Mga Kailangang Dalhin Sa Loob Ng Sementeryo

Para makaiwas sa anumang discomfort o di kaya ay ma-hassle sa pagpunta sa sementeryo ngayong darating na Undas, narito ang ilan sa mga bagay na magandang baunin:

Kandila

Una sa aming listahan ay ang kandila. Napakahalaga nito sapagkat tuwing Undas, ipinagtitirik natin ang ating mga namayapang mahal sa buhay ng kandila. Ito ay nagpapakita ng pag-alala natin sa kanila. Kasabay din nito ay ang pagdarasal para kanilang mga kaluluwa.

Undas Must-Haves: Mga Kailangang Dalhin Sa Loob Ng Sementeryo | Liwanag Candles

Kaya’t hindi dapat makalimutan ang kandila sa mga bagay na iyong babaunin. Maganda at trusted na brand ng kandila ang Liwanag. Kumpara sa iba, ito ay may long burning hours kaya hindi mabilis malusaw. Unscented ito at available rin sa iba’t ibang kulay.

Flameless Candle

Nauuso na rin ngayon ang mga flameless candle na gawa sa LED at battery operated. Convenient nga naman ito bitbitin lalo kung ang iyong pupuntahan ay indoor cemetery o isang columbarium. Maaari itong iwanang naka-on sa harap ng puntod.

Undas Must-Haves: Mga Kailangang Dalhin Sa Loob Ng Sementeryo | Amaia LED Candles

At kung plano mo ngang gumamit ng LED candle ngayong darating na Undas, magandang choice ang Amaia Religious Flameless Candle. Gawa ito sa acrylic material kaya naman lightweight lamang at hindi mahirap bitbitin. Kinakailangan lamang ng tatlong pirasong button batteries upang ito ay mapagana. Available ito sa iba’t ibang designs. Mayroong plain design at mayroon din namang larawan ng Holy Family.

Artificial Flowers

Nakagawian na rin natin ang pag-aalay ng bulaklak sa ating mga lumisan na mahal sa buhay tuwing Undas. Kaya naman kung nahihirapang bumili ng fresh flowers o di kaya ay gusto ng budget-friendly na bulaklak, ang iba ay mas pinipiling magdala ng artificial flowers.

Undas Must-Haves: Mga Kailangang Dalhin Sa Loob Ng Sementeryo | Ziyang Artificial Flowers

Kung naghahanap ka rin ng plastic na bulaklak na planong dalhin sa sementeryo, best pick ang Ziyang Decorative Artificial Flowers. Ito ay isang bouquet na ng plastic flowers na mayroong 7 heads. Maaaring pagpilian ang kulay na white, peach, yellow at pink.

Picnic Mat

Ang mga tipikal na sementeryo rito sa ating bansa ay walang mga upuan at ang tanging espasyo na ating mauupuan ay lupa o mga damuhan. Kaya naman mahalaga rin ang picnic mat upang mas maging komportable ang pag-upo at maaari ring mapagpatungan ng iba pang gamit.

Undas Must-Haves: Mga Kailangang Dalhin Sa Loob Ng Sementeryo | Goture Mat

Ang Goture Outdoor Camping Ground Mat ay perfect baunin sa sementeryo. Ang makabilang side ay nababalot ng aluminum foil na waterproof at moisture proof. Lightweight din ito at foldable kaya naman napakadaling bitbitin. Bukod pa riyan ay madali rin itong linisin dahil na rin sa materyal na ginamit dito.

Foldable Chair

Maganda ring magbitbit ng foldable chair sa loob ng sementeryo lalo na kung matagal mananatili roon. Mas komportableng makakaupo at makakapagpahinga gamit ang ganitong klase ng upuan.

Undas Must-Haves: Mga Kailangang Dalhin Sa Loob Ng Sementeryo | ESH Foldable Chair

Compact at magaan ang foldable chair na ito from ESH kaya naman ito ang best choice for you! Binubuo ito ng high quality steel brackets at ang fabric na ginamit dito ay waterproof oxford cloth. Mayroon din itong storage bag na nakakatulong upang mas mapadali ang pagbitbit nito.

Rechargeable Fan

Malaking ginhawa rin ang pagdala ng rechargeable fan lalo na kung mainit ang panahon sa darating na Undas.

Undas Must-Haves: Mga Kailangang Dalhin Sa Loob Ng Sementeryo | Firefly Rechargeable Fan

At kung high quality rechargeable fan nga naman ang hanap mo, ang Firefly Fel6115 7" Rechargeable Fan with Night Light ang magandang bilhin. Kaya nitong tumagal sa loob ng 2 to 4 hours. Mayroon din itong mini lamp na kayang magtagal mula 24 hanggang 100 hours. May katamtamang bigat lamang din ito at may handle kaya naman hassle-free ang iyong pagbibitbit.

Price Summary

Brand Pack size/Quantity Price
Liwanag Candles 2 pieces Php 81.00 – Php 100.00
Amaia LED Candles 1 piece Php 121.00
Ziyang Artificial Flowers 1 bouquet Php 90.00
Goture Mat 1 whole mat Php 296.00
ESH Foldable Chair 1 piece Php 319.00
Firefly Rechargeable Fan 1 piece Php 599.00

Tiyak na mas magiging maayos ang pagdaraos ng Undas kapag isasama mo sa iyong checklist ang mga gamit na ito sa aming listahan.

Kung plano mo namang isama ang iyong anak sa sementeryo, kumuha ng tips dito: 6 tips para maging safe ang mga bata sa pagbisita sa sementeryo ngayong Undas

Sinulat ni

Teresa Alcantara