ALAMIN: Ang iba pang uri ng cheating maliban sa sex

Ang pagtataksil ay madaming mukha hindi lang sa usapang sex. Narito ang ibang uri ng cheating sa isang relasyon na maaaring makasira sa inyong pagsasama.

Ang iba pang uri ng cheating maliban sa sex

Ang pagtataksil ay ang hindi pagiging tapat sa iyong moral na responsibilidad. Ito ay ang hindi mo pagtupad sa iyong sinumpaang pangako. Sa madaling salita, ito ay ang pangloloko sa iyong asawa.

Nasa konsepto na ng mga tao na ang pagtataksil ay kapag nakipagtalik ang iyong asawa sa iba. Ngunit dito tayo nagkakamali, dahil hindi lang ito ang paraan ng panloloko.

Image from Dreamstime

1. Object Affairs: Ito ay kapag may iba na siyang priority

Ayon sa isang mommy na si May Palacpac, kapag masyado nang naaapektuhan ang isip at emosyon ng asawa mo kakaisip sa isang tao o bagay, ito ay isang senyales na ng pagloloko. Sa dami ng nakakasalamuha natin sa araw-araw, hindi na nakakapagtaka ang ganitong klase ng pagtataksil. Ang object affair ay nangyayari kapag masyado nang nakafocus ang asawa mo sa ibang bagay. Mas pinaglalaanan na niya ito ng oras at effort kaysa sa inyong relasyon. Maaring ito ay ang kanyang trabaho, social media o cellphone.

Kung sa umaga ay makikita mo ang sarili mong nagce-cellphone, nagba-browse sa social media habang nasa hapag kainan o nagla-like at comment sa mga post ng iba sa social media bago matulog, dapat mong malaman na lahat ng ito ay senyales ng pangloloko. Kung makikita mo, ang object affair ay maaaring hindi makakasama sa inyong relasyon. Ngunit ito ay makakapagdala sa’yo sa pagkawala mo ng atensyon, komunikasyon at pagiging malapit ng inyong relasyon. Ang mga negatibong bagay na ito ay dahil sa pagkahumaling sa isang bagay at nagiging distracted ka na dahil dito.

2. Financial infidelity: Kapag ang pera ay pumapagitna na sa inyong relasyon

Hindi na bago sa isang relasyon na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan dahil sa pera. Ang financial infidelity ay isang uri rin ng pagloloko.

May isang blogger mommy ang nakaranas ng ganito. Meron daw pagkakataon na nagiging sikreto na sa kanilang dalawa ng asawa niya ang kinikita at ginagastos nila. At ang laging sinasabi nito ay, “pera ko naman ito.” Sa kabutihang palad, naayos naman nilang mag-asawa ang problema tungkol sa usapang pera. Ibinagi niya ang isang advice sa lahat ng mga nakakaranas din ng problema sa pera.

“Out of respect, just tell your spouse if you’re going to buy something, especially if it’s a big purchase. In the end, both of you will suffer in case the purchase can’t be paid for.”

3. Emotional infidelity: When things are too close for comfort

Ang emotional affair ay masasabi na pinakamalala sa lahat. Ito ay dahil emosyon na ng isang tao ang involved.

Image form Shutterstock

Sa kaso ng physical affair, ayon kay Marge Aberasturi, maaari talagang makapagtaksil kahit na walang emosyon na nag-uugnay sa kanila. Ngunit pagdating sa emotional infidelity, dito na makakaramdam ng kakaibang connection sa isa’t-isa gaya ng pag-intindi mo sa isang tao, desire at pakiramdam ng pagmamahal galing dito.

Isa sa mga dahilan kung bakit delikado ang emotional infidelity ay dahil kadalasan itong tinatago. Hindi madaling patunayan na ang asawa mo ay may emotional affair sa ibang tao. Sa katunayan, hindi rin agad ito nalalaman ng isang asawa hanggang sa matuklasan ito. Nagsisimulang hindi maging tapat ang isang asawa kapag lumalalim na ang ugnayan niya sa ibang tao. Kalaunan, ito ay magdedesisyon na iwan ang kanyang pamilya at tuluyang umamin sa kanyang pagtataksil.

Aakalain mong isang malapit na kaibigan lamang ang kanyang kinikita, ngunit may mas malalim pa pala silang ugnayan na maaring magresulta sa paghihiwalayan.

Ang mga uri ng cheating na ito ay makakasira sa inyong pagsasama. Hindi lang pakikipagtalik sa ibang babae ang pwedeng maging sanhi. Sa lahat ng mag-asawa, kung ito ay ginagawa niyo at iniisip na hindi maaapektuhan ang iyong pamilya, nagkakamali ka dahil ito ay maaaring magresulta sa inyong paghihiwalayan.

 

If you want to read an english version of this article, click here.

 

BASAHIN:

Micro-cheating: Ang mga simpleng paglalandi na maaaring sumira sa relasyon

If you catch your partner cheating, is resorting to physical violence the answer?

To the woman staying with a cheating husband, here’s some advice

Sinulat ni

Mach Marciano