X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

USCIS Manila office, nakatakdang magsara sa susunod na buwan

4 min read
USCIS Manila office, nakatakdang magsara sa susunod na buwan

Narito ang bagong filing instructions ng USCIS kaugnay sa permanenteng pagsasara ng Manila office nito.

US Embassy Manila magpapatuloy ng ibang serbisyong ibinibigay ng USCIS Manila matapos ang pagdedeklara ng permanenteng pagsasara ng office nito sa bansa.

US Embassy Manila aalalay sa pagsasara ng USCIS Manila

Ang United States Citizenship and Immigration Services o USCIS Manila office ay inanunsyo na ang permanenteng pagsasara ng opinisina nito ngayong July 5, 2019.

Sa ngayon ay hindi na sila tumatanggap ng aplikasyon o petisyon para mag-migrate sa Amerika. Ang huling araw na itinalaga nila para masumite ang mga aplikasyon ay noong May 31.

Ayon sa isang statement na inilabas ng USCIS sa kanilang website ay ang US Embassy Manila ang magiging responsable sa ilang serbisyong ibinigay nila ng Manila office nila.

"The office began redirecting Forms I-130, Petition for Alien Relative, to the USCIS Lockbox on May 14, 2019. The U.S. Embassy in Manila will assume responsibility for certain limited services previously provided by USCIS to individuals residing in the Philippines."

At magmula nitong June 3, lahat ng indibidwal na na-assist ng USCIS Manila Field Office kabilang na ang mga indibidwal na naninirahan sa Pilipinas, New Guinea, Micronesia, Marshall Islands, Palau, Kiribati, Tuvalu, Fiji, Vanuatu, Solomon Islands, Tonga, Samoa, Wallis, Futuna, New Caledonia, Pitcairn Island, Overseas French territories of French Polynesia, and iba pang island nations sa Pacific region na hindi sakop ng ibang field offices ng USCIS sa Asia/Pacific District ay kailangang sumunod sa bagong filing instructions.

Ang nakatakdang pagsasara ng USCIS Manila office ay tinatayang magpapabagal at magpapahirap lalo ng pagpoproseso ng family visa applications, foreign adoptions at citizenship petitions sa Amerika.

Bagong filing instructions mula sa USCIS Manila

Para sa Petition for Alien Relative o Form 130:

Kailangang i-file ang petition sa pamamagitan ng isang sulat sa USCIS lockbox facility sa Chicago. Matatagpuan ang ibang filing information sa Form I-130 web page. Binibigyan din ng awtorisasyon ng USCIS ang Department of State na tumanggap ng petition na i-finile sa U.S. Embassy o consulate under limited circumstances.

Para sa Petition for Amerasian, Widow(er), or Special Immigrant (for Widow(er) petitions) o Form I-360:

Kung isang balo ng isang US citizen o isang Special Immigrant ay maaring i-file ang Form I-360 sa US Embassy o consulate na may jurisdiction kung saang area nakatira.

Para sa Application for Travel Document (Carrier Documentation) o Form I-131A:

Kung LPR o lawful permanent resident na nakawala ng LPR card o re-entry permit at kinakailangan ng travel documentation para makabalik sa US, maaring mag-file ng Form I-131A sa kahit saang U.S. Embassy consular section o USCIS international field office.

Para sa Record of Abandonment of Lawful Permanent Resident Status o Form I-407:

I-sumite ang iyong Form I-407 sa pinakamalapit na USCIS international field office. Sa bibihirang pagkakataon kung kinakailangan ay maari ring magpasa sa US Embassy o US Consulate ng personal lalo kung kailangan mo ng immediate proof na inabandona mo na ang iyong lawful permanent resident status.

Para sa Refugee/Asylee Relative Petition o Form I-730:

Kailangang i-file ang iyong petisyon sa Nebraska o Texas Service Center, depende sa kung saan nakatira ang petitioner sa US. Para naman sa beneficiary interview at processing, kontakin ang US Embassy consular section sa bansa kung saan nakatira ang beneficiary.

Para sa Application for Naturalization o Form N-400:

Kung miyembro ng US military stationed overseas, mangyaring tingnan ang Form N-400 o Application for Naturalization o kaya naman ay tawagan ang mga numerong 800-375-5283 para sa latest filing instructions. USCIS na ang magfoforward sa appropriate field office para sa processing. Para naman sa qualified children ng active-duty service members na na-assigned abroad, ang tamang form na dapat i-file ay N-600K o ang Application for Citizenship and Issuance of Certificate Under Section 322.

Para naman sa Filipino World War II Veterans Parole (FWVP) Program:

Kailangan mai-file ang petisyon sa USCIS lockbox facility sa Chicago. Kung ang iyong petisyon ay matatanggap, ifoforward ito sa USCIS service center for adjudication. Kung maaprubahan ng service center ang iyong application ay i-forward ito sa Department of State’s (DOS) National Visa Center (NVC). Ang NVC na ang mag-tatransfer ng iyong kaso sa USCIS office o U.S. embassy o consulate abroad sa kung saan iinterviewhin ang iyong beneficiary relative.

 

Source: USCIS, GMA News
Photo: Freepik, rawpixel.com from Pexels

Basahin: Gabay kung paano madaling makapag-migrate sa Canada

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • USCIS Manila office, nakatakdang magsara sa susunod na buwan
Share:
  • 7 family travel destinations under ₱2,500

    7 family travel destinations under ₱2,500

  • Kidzania manila party packages, entrance fees, and more

    Kidzania manila party packages, entrance fees, and more

  • REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

    REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 7 family travel destinations under ₱2,500

    7 family travel destinations under ₱2,500

  • Kidzania manila party packages, entrance fees, and more

    Kidzania manila party packages, entrance fees, and more

  • REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

    REAL STORIES: "My mother-in-law won't let me be a mother to my own child."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.