X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Teenager na na-coma, nagulat ng paggising ay isa na siyang ina

3 min read

Isang 18-taong gulang na babae ang hindi inasahan na siya ay magiging isang ina. Nagsimula ang lahat nang ang inang si Ebony Steveson, mula sa UK, ay nagkaroon ng matinding sakit ng ulo. Ito pala ay sintomas ng malalang sakit, at inilagay si Ebony sa isang 4-day na coma. Pagkagising, nalaman ni Ebony na siya pala ay buntis, at nanganak na!

Uterus didelphys: Isang kondisyon kung saan 2 ang uterus ng isang babae

Ayon kay Ebony, na isang college student, hindi raw niya alam na siya pala ay buntis. Wala raw siyang napansing pagbabago sa kaniyang katawan, at hindi rin lumaki ang tiyan niya. Bukod dito, patuloy pa rin daw ang kaniyang buwanang dalaw.

Noong araw na sumakit ang ulo ni Ebony, ay napansin ng kaniyang ina na nagsisimula siyang magkaroon ng mga seizures. Dahil dito, agad siyang dinala sa ospital, at doon lang napansin ng mga paramedic na buntis si Ebony. Ito ay dahil nakita nilang gumagalaw ang sanggol sa tiyan niya, na posibleng naapektuhan ng pagkakaroon ng seizures.

Napag-alaman na mayroon na palang preeclampsia si Ebony, at kinailangan niyang maipanganak ang sanggol upang masagip silang dalawa.

Dahil dito, binigyan nila ng induced coma si Ebony, at nagsagawa ng C-section upang maipanganak ang sanggol. Sa kabutihang palad, malusog naman ang bata, na may timbang na 7lbs 10oz. 

Napag-alaman ng mga doktor na si Ebony ay mayroong kondisyon na kung tawagin ay uterus didelphys kung saan dalawa ang uterus ng isang babae. Ito ang dahilan kung bakit hindi man lang napansin ni Ebony na siya ay nagdadalang-tao, dahil nagkakaroon pa rin ng period ang kaniyang pangalawang uterus.

Excited na raw siyang maging isang ina

Pagkagising raw ni Ebony ay nagulat siya nang malaman na buntis pala siya, at nakapanganak na. Hindi raw niya inakalang magiging ina siya, lalo na at wala pa siyang plano na magkaroon ng baby.

Noong una siyang sinabihan na mayroon siyang baby ay hindi siya makapaniwala. Sinabi pa raw niya sa mga nurse na ilayo sa kaniya ang kaniyang sanggol. Ngunit nang ipaliwanag ng kaniyang ina ang nangyari, dahan-dahang nawala ang pagkalito ni Ebony.

Ito ay mabilis na napalitan ng pagmamahal, at agad silang nag-bond ng kaniyang sanggol na babae. Pinangalanan niyang Elodie ang kaniyang baby, at bagama’t hindi inaasahan, masayang-masaya siya sa kaniyang anak. 

Ngayon, nais raw ni Ebony na magtapos ng pag-aaral upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang anak. Gusto rin daw siyang tulungan ng kaniyang una upang maalagaan ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Ano ang uterus didelphys?

Ang uterus didelphys ay isang kondisyon kung saan 2 ang nagiging uterus ng isang babae. Ito ay isang congenital abnormality, at nagsisimula ito habang nasa sinapupunan pa lamang.

Madalas ay walang sintomas ang ganitong kondisyon, at normal ang mga babaeng may uterus didelphys. Madalas ay nalalaman lamang ng mga babae na may ganito silang kondisyon kapag sila ay nabuntis, o kaya sumailalim sa xray.

Ngunit posible rin na magkaroon ng ilang problema ang mga babaeng may ganitong kondisyon. Kasama na rito ang pagiging infertile, pagkakaroon ng miscarriage kapag nagbubuntis, pagkakaroon ng premature birth, at sakit sa kidneys.

Para sa mga inang may ganitong kondisyon, mabuting palaging magpakonsulta sa doktor upang masiguradong safe ang kanilang pagbubuntis, at ligtas ang kanilang sanggol.

 

Partner Stories
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: Lad Bible

Basahin: Sanggol declared dead na ng 11 minuto bago himalang nabuhay

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Teenager na na-coma, nagulat ng paggising ay isa na siyang ina
Share:
  • Toni Gonzaga, ibinahagi ang mga natutunan niya nang siya ay maging ina

    Toni Gonzaga, ibinahagi ang mga natutunan niya nang siya ay maging ina

  • Dahil sa sobrang traffic sa EDSA, nanay nanganak sa kotse!

    Dahil sa sobrang traffic sa EDSA, nanay nanganak sa kotse!

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Toni Gonzaga, ibinahagi ang mga natutunan niya nang siya ay maging ina

    Toni Gonzaga, ibinahagi ang mga natutunan niya nang siya ay maging ina

  • Dahil sa sobrang traffic sa EDSA, nanay nanganak sa kotse!

    Dahil sa sobrang traffic sa EDSA, nanay nanganak sa kotse!

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko