Hindi na siguro namin kailangan sabihin na hindi madali ang panganganak. Mapa-natural man o caesarian section, may kaniya-kaniyang hirap na nararanasan ang mga ina, at hindi dapat binabalewala ang kanilang sakripisyo. Ngunit para sa isang ina, na nagnais na mabigyan ng natural birth ang kaniyang anak, humantong sa pagkakaroon ng vaginal tearing ang kaniyang naging sakripisyo.
Bakit nagkakaroon ng vaginal tearing?
Sampung taon na ang nakalipas nang manganak ang single mom na si Hillary Frank. Bago pa man siya manganak ay matagal na raw niyang pinaghandaan ang pinakahihintay niyang araw.
Ngunit hindi niya inaasahan na magkakaroon ng komplikasyon ang kaniyan pangananak. Ito ay dahil nakatagilid pala sa kaniyang sinapupunan ang baby niya. Puwede raw sanang sumailalim sa C-section si Hillary, ngunit mas ginusto niyang magkaroon ng natural birth.
Dahil dito, at kinailangan siyang bigyan ng episiotomy, o isang hiwa mula vagina hanggang anus para makalabas ang baby. Yun ang dahil kung bakit nakaranas ng vaginal tearing o pagkapunit ng ari si Hillary.
Inakala ni Hillary na wala na siyang magiging problema matapos manganak, at maaalagaan na niya ang anak niyang si Sasha. Ngunit dahil sa ginawang episiotomy sa kaniya, naging sobrang sakit daw ng kaniyang ari. Halos hindi raw siya mahawakan dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman.
Para sa maraming ina, natural lang ang magkaroon ng kaunting vaginal tearing kapag nanganak. Ngunit para sa kaso ni Hillary, dahil sumailalim siya sa episiotomy, naging mas mahirap ang proseso ng paggaling para sa kaniya.
Inabot ng tatlong taon bago siya gumaling
Di nagtagal ay nakauwi na rin si Hillary at si Sasha. Ngunit sa kasamaang palad, natanggal ang mga tahi ni Hillary, at kinailangan niyang bumalik sa ospital para tahiin ulit ito.
Halos hindi raw siya makalakad ng dalawang buwan matapos manganak. Madalas raw ay nakahiga lang siya dahil hirap siyang gumalaw. Mahirap din daw magpadede ng bata, at hindi niya kayang magpalit ng diapers ni Sasha.
Sa dami ng ginawang paghahanda ni Hillary, hindi niya lubos akalaing mangyayari ito sa kanya. Nagdusa si Hillary ng tatlong taon dahil sa kaniyang pinagdaanang vaginal tearing, at naging sanhi ito ng trauma para sa kaniya.
Dahil sa kaniyan karanasan, ibinahagi ni Hillary ang kaniyang kuwento. Ito ay para magbigay ng pag-asa sa ibang mga ina, at ipaalam sa kanila na kahit ano pa ang kanilang pinagdadaanan, hindi sila nag-iisa.
Ginagawa pa ba ang episiotomy?
Para sa karamihan ng panganganak, hindi na ginagawa ang episiotomy. Noon ay inaakalang mas mabuti sa mga ina ang sumailalim sa pamamaraang ito. Pinaniniwalaang mas mabilis raw ang paghilom ng vagina, at napapadali nito ang panganganak.
Ngunit sa panahon ngayon, napag-alaman ng mga doktor na hindi epektibo ang episiotomy. Bukod sa matagal itong gumaling, napag-alaman rin na wala ito gaanong nabibigay na benepisyo sa mga ina. Ginagawa na lamang ito sa piling mga kaso at kung maari ay umiiwas na rito ang mga doktor.
Bago pa manganak ay importante ang pagkonsulta sa doktor upang maihanda ang sarili sa mga posibleng mangyari. Kung sakaling ayaw mong sumailalim sa episiotomy, mahalagang kausapin mo ang iyong doktor tungkol dito. Makakapagbigay sila ng rekomendasyon sa kung ano ang pinakamainam na pamamaraan ng panganganak.
SOURCES: Daily Mail
BASAHIN: #BuntisBaAko: Mga rason kung bakit nagkakaroon ng faint line sa pregnancy test
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!