Pregnancy test result faint line? Baka false negative o false positive ka. Alamin dito kung ano ang dahilan kung bakit malabo ang resulta ng pregnancy test.
Kadalasan, ang mga pregnancy tests ay may isang paraan ng pagsabi ng iyong kalagayan, ang mga linya. Sa karaniwang pregnancy tests, kapag dalawa ang lumabas na linya, ikaw ay buntis. Kapag naman isa lang ang lumabas, ibig sabihin ay negatibo at hindi ka nagdadalang tao.
Ngunit, may mga panahon din na pregnancy test result faint line ang lumalabas. Ano nga ba ang ibig sabihin nito?
Hindi lahat ng pregnancy test ay pantay pantay. Mayroong mga ilang araw pa lamang, masasabi na kung buntis ka. Mayroon din namang iba na kahit patapos ka na sa iyong first trimester, negatibo parin ang lalabas.
Ganunpaman, ang nagdudulot ng kalituhan ay ang pagkakaroon ng pregnancy test result faint line. Alamin ang mga rason sa likod nito.
Pregnancy test result faint line: Mga maaaring ibig sabihin nito
Larawan mula sa Shutterstock
1. Buntis ka
Pregnancy test result faint line?
Ang mga pregnancy tests ay naka-disenyo para hanapin ang hormone na human chorionic gonadotropin (HCG). Ang hormone na ito ay nagsisimulang ilabas ng katawan sa oras na mabuntis ang isang babae. Patuloy ang pagtaas ng levels nito habang umuusad ang pagbubuntis. Habang tumataas din ang levels nito na nakukuha sa ihi, maslumilinaw ang linya sa mga pregnancy tests.
Kapag ilang araw pa lamang na nagbubuntis, maaaring hindi pa sapat ang levels ng HCG sa iyong katawan para sa malinaw na linya.
Ganun pa man, kahit kakaunti pa lamang ito, made-detect na ito ng ilang pregnancy test. Dahil sa mababang presensya ng HCG, maaaring hindi malinaw ang linya na magsasabing buntis ka. Ganun pa man, positibo parin ang ibig sabihin nito.
2. Hindi ka buntis
Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang mga pregnancy test ay may tinatawag na evaporation line. Ito ang linya na lumalabas sa pagtagal habang nage-evaporate ang ihi. Nagdudulot ito ng pagkalito dahil lumilitaw ito sa pagtagal matapos makitang negatibo ang resulta.
Ang bawat pregnancy tests ay may instruksiyon kung ilang minuto bago lumabas ang resulta. Ito ang kadalasang binibigyan pansin at hindi kung hanggang gaano lang rin katagal ang tamang resulta.
Matapos kasi ang kadalasan na 10 minuto, maaaring hindi na tumpak ang makikita dito. Ito ang mga oras na magsisimula nang makakita ng faint line sa pregnancy test na evaporation line.
3. Masyado pang maaga (hindi pa mataas ang HCG)
Ang konsentrasyon ng hCG ay maaaring hindi pa umabot sa mga antas para masaning ikaw ay buntis. Ang pinakamahusay na pagpipilian ay maghintay ng isang linggo at muling subukan.
4. Masyadong maaga mong sinuri ang pregnancy test
Mayroong recomendadong oras para maging akma ang resulta ng pregnancy test. Hintayin ito. Basahin ang instruksyon sa pakete ng pregnancy test. Maaari mong orasan gamit ang iyong relo upang matiyak ang pinakatamang oras para makita ang resulta.
5. Diluted ang iyong ihi
Mainam para sa iyo ang manatiling hydrated. Ngunit kung ang iyong ihi ay masyadong diluted para sa pagsusuri upang matukoy ang hCG, ang mga resulta ay maaaring hindi akma.
Gayunpaman, inirerekomenda na mag-take ng pregnancy test sa umaga dahil ito ang oras na pinaka-concentrated ang ihi ng tao.
Larawan mula sa Shutterstock
6. Nakunan
Ang isa pang maaaring magdulot ng pregnancy test result faint line ay ang early miscarriage, o chemical pregnancy. Ang faint line na ito ay dulot ng HCG sa katawan na unti-unti nang bumababa.
Kadalasan itong nangyayari sa unang 12 buwan ng pagbubuntis. Maaaring makaranas ng pagdurugo sa panahon na dapat magkaka-period. Kung subukang magpregnancy test sa panahin na ito, maaaring makita ang faint line.
Ang mga ganitong pangyayari ay dulot ng abnormality sa fertilized egg. Sa kabutihang palad, hindi ito nangangahulugang hindi ka na mabubuntis pa. Sa katotohanan, maraming nakaranas ng chemical pregnancy ang nasundan ng masisiglang mga sumunod na pagbubuntis.
7. Menopause
Kung ang isang babaeng nasa perimenopause o menopause ay hindi nag-menstruation at sumailalim sa pregnancy test, ang mga resulta kung minsan (ngunit bihira) ay lumalabas na positibo dahil sa abnormal na pagtaas ng antas ng luteinizing hormone.
8. Kapag ikaw ay umiinom ng fertility at iba pang mga gamot.
Ang false positive ay maaaring sanhi ng mga bakas ng mga gamot sa fertility o iba pang mga gamot na naglalaman ng HCG. Kung nakatanggap ka ng HCG injection bilang bahagi ng fertility care, ang level ng HCG ay maaaring manatiling mataas nang hindi bababa sa pitong araw pagkatapos kahit na hindi ka buntis.
9. Mayroon kang sakit
Ito ay bihira lamang ngunit ang ilang mga sakit gaya ng kanser ay nakakasagabal sa hormonal production na maaaring magresulta sa hindi tama at akmang resulta ng pregnancy test.
10. Expired na ang pregnancy test
Larawan mula sa Shutterstock
Mataas ang tyansang hindi akma ang resulta kung ikaw ba ay buntis o hindi kung expired na ang pregnancy test. Siguraduhing i-double check kung ito ay hindi pa expired at saka sumailalim sa pregnancy test para sa mas akmang resulta.
Huwag ring kalimutan na basahin ng instruksyon sa pakete ng pregnancy test.
Ang hindi malinaw na resulta ng pregnancy test ay karaniwang hindi negatibo – dahil natukoy nito ang HCG – ngunit maaari itong magpahiwatig ng false positive para sa aktwal na pagbubuntis o di naman kaya ay early pregnancy loss. Maaari ka ring makakuha ng false negative result.
Gumagana ang mga home pregnancy test sa pamamagitan ng pagtukoy ng level ng HCG sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis. Ang mga pregnancy test na nakaka-detect ng HCG kahit mababa pa lang ang level nito ay mas mataas ang tyansa na magpakita na ikaw ay positibong buntis.
Mabilis na tumataas ang level ng HCG ng katawan sa unang trimester, karaniwang dumodoble tuwing 48-72 oras. Sa pagtatapos ng unang trimester, bumababa ang HCG.
Ang level ng hCG ay napakababa sa araw na bago at pagkatapos ng unang missed period. Gayundin, ang mga level na ito ay maaaring iba-iba sa bawat kababaihan sa early pregnancy period. Ang ilan ay natural na may mas mababang level ng HCG kaysa sa iba.
Ayon sa isinagawang pag-aaral ng National Center for Biotechnology Information (NCBI), ang average na konsentrasyon ng HCG sa ihi ay sa ika-9 na araw pagkatapos ng ovulation — humigit-kumulang 5 araw bago ang missed period— ay 0.93 milli-international units kada milliliter (mIU/ml).
Karamihan sa early-result pregnancy test ay makikita lamang ang hCG kapag tumaas ito sa 25 mIU/ml o mas mataas pa rito, na kadalasang nangyayari sa ika-11 araw.
Sa ika-14 na araw, ang level ng HCG ay karaniwang nasa 137 mIU/ml. Para sa ilang mga kababaihan, maaaring maging kasing baba ng 45 mIU/ml.
Dahil ang HCG ay tumataas ng napakabilis sa mga unang araw ng pagbubuntis, ang pagkakaroon ng mali sa araw ng obulasyon ng 1-2 araw ay maaaring makaapekto sa resulta ng pregnancy test.
Ang isang babae na naniniwala na siya ay nasa ika-11 na araw ng pagbubuntis ay kadalasang makakaasa ng isang akmang resulta, ngunit kung siya ay nasa ika-9 na araw, ang test ay maaaring hindi matukoy pa matutukoy.
Ang false negative ay mas karaniwan kaysa sa mga false positive. Kung negatibo ang resulta, magandang ideya na kumuha ng isa pang pregnancy test sa loob ng ilang araw, upang bigyan ng pagkakataong tumaas ang level ng HCG.
Larawan mula sa Shutterstock
Mga paraan para makumpirma ang pagbubuntis
Kung hindi sigurado sa makuhang resulta mula sa pregnancy test, may ilang paraan para makumpirma ito.
Ulitin ang pregnancy test
Makakabuting ulitin ang test ilang araw matapos itong subukan. Mabibigyan nito ng sapat na panahon para lalo pang tumaas ang HCG levels kung ikaw ay buntis. Dahil dito, maaaring makapagbigay ng malinaw na linyang hindi magdudulot ng pagkalito.
Blood test para sa HCG
Sa tulong ng iyong duktor, maaaring magpakuha ng blood test upang suriin ang levels ng HCG sa iyong katawan. Masasabi ng iyong duktor mula sa resulta nito kung ano talaga ang kalagayan ng iyong pagdadalang tao. Subalit, maaaring kailanganin na gawin ito nang ilang beses upang makita ang pagbabago sa nasabing hormones.
Trans-vaginal ultrasound
Ang trans-vaginal ultrasound ay tila internal examination na mas tiyak pa. Kadalasan itong ginagawa sa unang dalawang buwan ng hinihinalang pagbubuntis. Nakakapagbigay ito ng tiyak na impormasyon na hindi nabibigay ng iba pang tests.
Ang paghihintay para sa mga resulta kung ikaw ay buntis ay talaga namang nakakainip. Ang isang simpleng paraan upang makatulong na matiyak kung tama ang resulta ay sumailalim ulit sa pregnancy test pagkalipas ng ilang araw. Kung parehong nagpapakita ng isang linya, kahit na ang isa ay faint line, ang resulta ay malamang na positibo.
Ang sinumang hindi sigurado sa mga resulta ay dapat magbigay ng oras sa antas ng HCG na tumaas.
Kumunsulta sa doktor para sa mas tamang diagnosis.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!