Vaginismus ang kondisyon na naging balakid upang hindi makipagtalik ang isang babae sa kaniyang asawa kahit isang beses.
Si Revati Bordawekar ay isang babae na mayroong medical na kondisyon na kung tawagin ay vaginismus.
Dahil sa kondisyon na ito ay hindi nagawang makipagtalik ni Revati sa kaniyang asawa.
Ito ay dahil sa tuwing may ipapasok sa pwerta niya ay kusa itong nagsasara at nagdudulot ng matinding sakit sa kaniya.
Kondisyon na Vaginismus
Ayon kay Revita, isang 30 years old na digital marketer mula sa India, una na niyang napansin na mayroong mali sa kaniyang pwerta noong siya ay 22 years old pa lamang.
Ito ay matapos niyang subukang magpasok ng tampon sa unang pagkakataon sa kaniyang pwerta.
Sa tuwing sinusubukan niya raw ipasok noon ang tampon ay nagsisimulang manginig ang kaniyang kamay at ang vaginal opening o pwerta niya ay nagsasara.
“Mula noon ay na-realize ko na may mali pero hindi ako komportableng pag-usapan ito o kahit magpatingin sa doktor,” pag-amin ni Revita.
“Kahit naisip ko na noon na baka pigilan ako ng kondisyon ko na makipagtalik ay hinayaan ko nalang at naghintay kung anong mangyayari sa susunod.”
Tatlong taon matapos ma-realize ni Revita na may mali sa kaniyang pwerta ay saka palang ito naglakas ng loob na sabihin ang kondisyon niya sa iba.
Ito ay sa kaniyang asawa na si Chinmay na kung saan ipinaalam niya ang kakaibang kondisyon na ito sa mismong wedding night nila.
Mabuti na nga lang daw at malawak ang pang-unawa ng kaniyang asawa. Dahil matapos niyang sabihin rito ang kaniyang takot na baka masaktan ang kaniyang intimate area sa oras na magtalik sila ay inintindi siya nito at sinabing kilalanin nalang muna nila nang maayos ang isa’t-isa.
Sa una inakala ni Revita na maliit ang butas ng kaniyang vaginal opening kaya siya nahihirapang makipagtalik.
Ngunit matapos hanapin sa Google ang mga sintomas na nararanasan niya ay nalaman niya ang tungkol sa kondisyon na kung tawagin ay vaginismus.
Labis niyang ikinatuwa nang malaman na bagamat kakaiba at bihira ang kondisyon na vaginismus ay may mga paraan naman para malunasan ito.
Para mapagbigyan ang asawa ay sinubukan ni Revita ang iba’t-ibang paraan at tips para ma-overcome ang kondisyon niya.
Mula sa foreplay, pag-inom ng wine at kahit ang pag-gamit ng numbing cream sa kaniyang pwerta upang hindi na ito mag-react sa tuwing may ipapasok sa kaniya ay hindi umubra.
Sinubukan niya ring dumaan sa isang surgery na kung saan hiniwaan at dinilate ang hymen niya ngunit hindi parin ito nakatulong.
Ang huling attempt nga nila na magtalik ay noong mga unang buwan ng 2018 bago nila isinagawa ang IVF o in vitro fertilization para sila ay magkaanak na.
Pagbubuntis at Vaginismus
Ngunit matapos ng lahat ng pinagdaanan at paraang sinubukan ngayon ay tila nagkaroon na ng pag-asa si Revita na pupuwede na silang makapagtalik mag-asawa.
Ito ay matapos siyang magsilang ng isang baby girl ng nakaraang buwan sa pamamagitan ng normal delivery na nabuo sa tulong ng in vitro fertilization.
Matagal ngang hinintay ito ng mag-asawa na noong una ay akala nilang hindi na mangyayari dahil hindi sila makapagtalik.
Kaya naman ang pagdating ng baby girl sa buhay nila ay may dala ring pag-asa.
Ito ay dahil sa ngayon ay maari na silang magtalik ng kaniyang asawa at naovercome niya na ang kondisyong vaginismus.
“Noong unang makuha naming ang first positive pregnancy test, sobrang saya ko na naiyak ako na hindi makapaniwala” sabi ni Revita.
Tila naging isang therapy daw ang kaniyang pagbubuntis para ma-overcome niya ang vaginismus. Dahil noong siya daw ay nagbubuntis siya ay nakaranas ng bleeding na kung saan kinailangan ng vaginal ultrasound. At para magawa ang ultrasound ay kailangang magpasok ng tila wand-shaped na aparato para makita ang loob ng kaniyang vagina.
Sa kuwento nga ni Revita ay hiningi niya ang tulong ng dalawang hospital staff para hawakan ang kaniyang kamay at paa. Pinaalalahanan niya rin ang doctor na gawin ito ng dahan-dahan.
Sa pagdaan nga ng araw ng kaniyang pagbubuntis ay napansin ng kaniyang midwife na unti-unti niya ng nato-tolerate ang paghawak sa kaniyang vagina.
Kaya naman sinubukan nilang gawin ang vaginal delivery para sa kaniyang anak imbis na Caesarean section.
Para maihanda ang kaniyang sarili ay uma-attend muna si Revita at kaniyang asawa ng mga classes bilang preparasyon sa kaniyang panganganak at makumbinsing subukan muna ang vaginal delivery.
Nito nga lang nakaraang buwan, matapos ang 48 hours ng pagle-labor ay nagsilang si Revita ng isang malusog na sanggol na pinangalanan nilang Eva.
Kinailangan niya lang daw ng limang minuto para ihanda ang kaniyang sarili na umire ngunit matagumpay niya namang naisagawa ito.
Ayon kay Revita, nais niyang ang kaniyang karanasan ay maging inspirasyon sa mga babaeng katulad niya na nakaranas ng vaginismus.
Nais niyang ipaalam sa kanila na ang kondisyon na ito ay hindi hadlang para maranasan nila ang mabuntis at manganak sa pamamagitan ng vaginal delivery.
Ano nga ba ang Vaginismus?
Ang vaginismus ay isang kondisyon na kung saan ang vagina ay biglang sumisikip o tila nagsasara sa tuwing may sinusubok na ipasok rito o kahit mahahawakan lang ang paligid nito.
Ito ay nangyayari sa isang porsyento lang ng kababaihan at hindi nila ito nakokontrol.
Kung sakali mang mapasok ng bahagya ang vagina ng babaeng may vaginismus, ito ay nagdudulot ng sobrang hapdi at sakit sa kaniyang pwerta.
May dalawang uri ng vaginismus. Una ay ang primary vaginismus na ang ibig sabihin ay hindi kahit minsang naisagawa ang penentration.
Pangalawa ay ang secondary vaginismus na kung saan nasagawa naman ng isang beses ang penetration ngunit hindi na mauulit pa.
Ito ay maaring dulot ng gynecologic surgery, trauma o radiation.
Sanhi ng Vaginismus
Ilan sa tinuturong dahilan ng pagkakaroon ng vaginismus sa mga babae ay ang sumusunod:
- Pag-aakalang maliit ang pwerta o vaginal opening
- Pagkakaroon ng pangit o nakakatakot na first sexual experience
- Paniniwalang nakakahiya o mali ang pakikipagtalik
- Pagkaranas ng hindi magandang medical examination
- Mayroong infection o painful condition tulad ng thrush
Kung hinihilala ng isang babae na siya ay vaginismus ay dapat ng bumisita ito sa isang doktor para magpakonsulta.
Ang konsultasyon ay ginagawa sa pamamagitan lamang ng pagtatanong ng mga sintomas na nararanasan at hindi na madalas na kinakailangan ng internal examination.
Lunas sa Vaginismus
Isa naman sa pangunahing lunas sa vaginismus ay ang pag-u-undergo sa therapy ng isang babaeng mayroon nito upang kaniyang maintindihan ang kaniyang kondisyon at katawan.
Maari ring magreseta ang doktor ng vaginal dilators para dahan-dahang mastretch at maging flexible ang vagina.
Nakakatulong rin ang kegel exercises o pelvic floor exercises para makontrol ng isang babaeng may vaginismus ang kaniyang vaginal muscles.
Ang sexual disfunction o ang pagkakaroon ng problema sa pagtatalik ay isa mga epekto ng vaginismus sa isang relasyon.
Ngunit hindi dapat maging hadlang ito para panatilihing masaya at mainit ang pagsasama ng mag-asawa.
Maaring sumubok ng ibang paraan ng pagtatalik na hindi kailangan ng penetration habang sumasailalim sa therapy para maovercome ito.
Mas magiging madali para sa isang mag-asawa na nakakaranas nito na maging open at ipaalam ang nararamdaman sa isa’t-isa.
Sources: HealthLine, Daily Mail
Basahin: Ang inaakalang pigsa sa pepe, may laman palang itlog ng insekto!