Valentine's Day promos na maaari niyong ma-enjoy ni mister

Nagpaplanong lumabas kasama si Mister sa Valentine’s day? Narito ang ilan sa promo packages na maari ninyong subukan at i-enjoy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Excited ka na ba sa date niyo ni mister sa Valentine's Day at naghahanap na ng lugar kung saan kayo pwedeng mag-date? Narito ang listahan namin ng mga Valentines Day promo sa mga restaurant in the Philippines ngayong 2024.

Valentines Day Promo Philippines 2024

Kobe Jones: Valentines Day Promo Philippines 2024

Kung special Japanese menu ang gusto nyong kainin ng partner mo, tamang-tama ang Valentine's Day promo ng Kobe Jones.

Tampok ang special seafood, premium sashimi assortment, heart USDA angus beef, at Japanese strawberry shortcake sa menu na ito. Tiyak na mae-enjoy niyo ang masarap na Hokkaido scallops, unagi Glaze, baked oysters, tiger prawn ebi at angus ribeye steak.

Image from Shutterstock

Sa abot-kayang halaga na P6,500 para sa dalawang tao, tiyak na mabubusog na kayo sa Japanese menu na ito. Very affordable din ang additional wine pairing na nagkakahalaga ng Php 1,200.

Location: Le Grand Condominium, Salcedo Village, Makati City

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa iba pang impormasyon at sa reservations, maaaring tumawag sa 0915-098-5753 o 0915-006-9204

Valentines Day promo Philippines 2024: L’Opera Ristorante Italiano

Kung natatakam ka naman sa Italian cuisine at ito ang plano niyong kainin sa Valentine’s Day, saktong-sakto ang special six-course degustation menu ng L’Opera Ristorante Italiano. Tampok sa menu na ito ang fresh seafood, sumptuous pork and beef, at savory pasta. Syempre hindi rin mawawala ang tamis ng Valentine’s Day dahil mayroon ding Cupid’s Tiramisu sa menu na ito. At ang kukumpleto sa gabi, ang champagne. O di ba? Talagang romantic!

Sa halagang P4,000 per person, puwedeng-puwede niyo nang ma-enjoy ang Valentine’s Day promo na ito.

Location: The Fort Entertainment Complex 26th cor. 7th Ave., Bonifacio Global City, Taguig, Metro Manila

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa reservations at iba pang impormasyon maaaring tumawag sa 02-8889-3963 o mag send ng e-mail sa info@loperagroup.com

Corner Tree Café

Vegetarian ba kayo ng iyong partner? Pwede kayong kumain sa cozy vegetarian café na Corner Tree Café.

Casual pero romantic din ang vibe sa al fresco dining na handog ng Corner Tree Café. Dagdag sa romantic ambience ang chance na mag stargazing habang kumakain. Available sa Café ang masasarap na organic at healthy dishes tulad ng vegan and vegetarian burger, rice bowls, desserts at marami pang iba.

Simple at intimate ang Valentine’s Day celebration niyo sa Café na ito.

Location: Jupiter Street, Bel-Air, Makati City

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa iba pang impormasyon pwede tumawag sa 0906-558-6177 or 02-8897-0295

Image from Shutterstock

Wolfgang’s Steakhouse

Kung pareho naman kayong busy sa February 14 at hindi makapaglaan ng oras para sa Valentine’s date, pwede niyong i-celebrate ito sa ibang araw ng February sa Wolfgang’s Steakhouse. Ang Valentine’s Day promo kasi ng Wolfgang’s Steakhouse ay mula February 12 hanggang February 29. Kaya buong Love Month ay maaaring tikman ang masasarap nilang putahe.

Kasama sa Valentine’s Day Ribeye set ang crab cakes o oysters, USDA Prime Dry-Aged Ribeye Steak, New York-style cheesecake, at syempre wine!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagkakahalaga ng P7,744 per person ang Valentine’s Day promo na ito.

Location: Available ang Valentine’s Day promo sa iba’t ibang branches Wolfgang’s Steakhouse.

Para sa reservations, narito naman ang listahan ng contact details ng iba’t ibang branches ng Wolfgang’s Steakhouse.

Image from Shutterstock

Golden Gibbon: Valentines Day Promo Philippines 2024

Asian cuisine naman ang maipagmamalaki ng Golden Gibbon ngayong Valentine’s Day. Sa kanilang V-Day promo asahan ang masasarap na putahe mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia. Nariyan ang kanilang interpretation ng banh mi, ikan bakar, binakol, Panang curry, at marami pang iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi lang ito available sa February 14 kundi pati na rin sa February 15. Kaya naman pwedeng-pwede pa rin kayong mag-celebrate kung na-miss niyo ang saktong araw ng Valentine’s Day.

Nagkakahalaga lamang ng P4,500 per person ang Valentine’s Day promo ng Golden Gibbon.

Location: Unit 1 G/F Escala Salcedo, LP Leviste, Makati City

Para sa reservations at iba pang impormasyon, maaaring tumawag sa 0927-924-2102

BASAHIN: Real moms share what they really want on Valentine’s Day

Sinulat ni

Jobelle Macayan