Valerie Concepcion ipinanganak na ang baby boy nila ng non-showbiz husband na si Francis Sunga

Tingnan dito ang cute na larawan ni baby boy Viktor Francis Sunga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Valerie Concepcion ipinanganak na ang baby boy nila ng mister na si Francis Sunga.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Valerie Concepcion gives birth to her baby boy.
  • Panganay na anak ni Valerie.

Valerie Concepcion gives birth to her baby boy

Larawan mula sa Instagram account ni Valerie Concepcion

Sa Instagram ay masayang ibinahagi ng aktres na si Valerie Concepcion na matagumpay niyang naisilang ang kaniyang baby boy. Si Valerie sa bansang Guam nanganak kung saan nagtratrabaho ang mister niyang si Francis.

“THANK YOU LORD for my safe delivery and for our healthy baby boy. ??”

Ito ang bahagi ng caption ng post ni Valerie tungkol sa kaniyang panganganak.

Samantala, ang mister niyang si Francis, nagpost rin sa Instagram tungkol sa pagkasilang ng kanilang anak. Nagbahagi rin ito ng ilang cute na larawan ng kanilang newborn baby boy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Well Hello World. I’m Viktor Francis Sunga. Born 10/25/23 7lbs 2oz 51cm. I can’t wait to meet the rest of the Family.”

Ito naman ang caption ng post ni Francis kalakip ang cute na picture ng baby boy nil ani Valerie.

Larawan mula sa Instagram account ni Francis Sunga

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panganay na anak ni Valerie

Ang newborn baby boy ni Valerie ay ka-birthday ang panganay niyang si Heather na nag-19 years old nito lang rin October 25. Kaya naman ang mom of two na ngayon ay sobrang happy. Lalo na’t kunting panahon nalang at magkakaroon na siya ng isang nurse.

“To my beloved daughter, from your first breath to this 19th birthday, you've brought nothing but joy and pride into my life. ❤️ You've grown into a remarkable young woman, and I couldn't be prouder. ? May this year bring you even closer to your dreams. ?? Happy blessed birthday to you, my favorite Swiftie on planet Earth! ??? P.S.: I am truly blessed to be your momma. ??”

Ito ang caption ng post ni Valerie tungkol sa 19th birthday ng anak niyang si Heather.

Larawan mula sa Facebook account ni Valerie Concepcion

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Heather ay anak ni Valerie sa una niyang karelasyon na si Jeremy Carag.