Valerie Concepcion sa paghahanap ng 18yo niyang anak na si Heather sa ama nito: “It pains me.. feeling ko hindi ako enough”

Saad pa ni Valerie ginawa niya ang lahat para maging ama at ina sa anak. Pero naiintindihan niya ang kagustuhan ng anak na makilala ang lalaking nagbigay buhay sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Valerie Concepcion inaming nasaktan ng hanapin at gustong kilalanin ng anak niyang si Heather Fiona ang kaniyang ama.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Karanasan ni Valerie Concepcion bilang isang single mom.
  • Reaksyon ni Valerie ng hanapin at gustong kilalanin ng 18yo na anak niyang si Heather ang kaniyang ama.

Karanasan ni Valerie Concepcion bilang isang single mom

Larawan mula sa Facebook account ni Valerie Concepcion

Sixteen years old palang ang aktres na si Valerie Concepcion ng isilang niya ang anak niyang si Heather Fiona. Mula noon si Valerie na ang tumayong ama at ina sa anak niya na ngayon ay 18yo na.

Sa panayam sa kaniya ng beteranong talkshow host na si Boy Abunda ay ibinahagi ni Valerie ang naging karanasan niya bilang isang single mom sa bata nitong edad.

“I’ve sacrificed so much for her. I had to make sure na hindi ko na-prioritize ang pagiging teenager ko. Tina-try ko so hard to be a mom and dad to her.”

Ito ang sabi ng aktres.

Reaksyon ni Valerie ng hanapin at gustong kilalanin ng 18yo na anak niyang si Heather ang kaniyang ama

Larawan mula sa Facebook account ni Valerie Concepcion

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero dahil sa ngayong 18yo na ang anak niyang si Heather ay nagnais daw itong hanapin at makilala ang kaniyang ama. Si Valerie umaming nasaktan ng marinig ito sa anak.

“It pained me noong hinanap niya kasi feeling ko nun, hindi ako enough. Kumbaga, hindi ko naibigay yung lahat. Hinanap pa niya yung tatay niya.”

Pagpapatuloy ng aktres, dahil mahal niya ang anak pinagbigyan niya ito. Na-realize niya rin naman na hindi dahil hinahanap ng anak ang ama niya ay hindi naging sapat ang pagmamahal na ibinigay niya rito. Gusto lang daw talaga nitong malaman ang pinagmulan niya. Pero hanggang sa ngayon, ay wala daw sagot mula sa ama ni Heather. Ito ang mas nagpalungkot kay Valerie at sa anak niya. Magkaganoon man si Valerie may payo sa anak patungkol sa kaniyang ama.

“I always tell her, ‘Don’t be mad at your dad.

“’No matter what happens, bali-baliktarin mo man ang mundo, tatay mo yan. You have to respect him.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong 2019 ay ikinasal si Valerie sa mister niyang si Francis Sunga. Siya ngayon ay buntis sa una nilang anak.

Larawan mula sa Facebook account ni Valerie Concepcion

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement