Nagsusuot ka ba ng valved mask? Nilinaw ng FDA na hindi nirerekomenda ang pagsusuot ng valved mask pangontra COVID-19 lalo na sa loob ng mga hospital.
Hindi napipigilan ng valved masks ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa FDA
Nilinaw ng Food and Drug Administration o FDA na hindi napipigilan ng face mask na may mga valve ang pagtigil ng COVID-19 sa paligid. Dagdag pa nito, ang valved mask na ito ay hindi dinesenyo para sa medikal na gamit. Kadalasan kasi itong ginagamit sa mga industrial use katulad sa construction site na pangsala ng mga alikabok.
Ayon sa director-general ng Food and Drug Administration (FDA) na si Eric Domingo, maaari namang mag suot ng valved mask ngunit kailangan ito ay sa open area lamang at ang dalawang tao ay kailangang magkalayo ng 1-2 meters.
Mahigpit din itong pinagbabawal ang pagsusuot sa mga ospital o ‘yung may mga active exposure ng COVID-19.
“Karamihan po kasi sa masks na may valve, hindi po registered iyan as a medical device. Designed po sila for industrial use, sa mga construction workers, karpintero. Ang talaga kini-keep out niya ‘yung abo o particles. Hindi siya designed for infection control.”
Dagdag pa nito na nasasala nito ang bacteria na papasok ngunit hindi ang paglabas. Mas makabubuti pa ang pagsusuot ng surgical at cloth mask sa pagpigil ng COVID-19, ayon rito.
“Kung ang gumagamit halimbawa ‘nung mask na ‘yon ay mayroong virus, mayroon siyang sakit, kapag buga niya ng hangin maaaring lumabas doon sa valve. Kaya maaaring ma-expose ‘yung ibang tao.”
Bukod sa pagbabawal sa ospital na magsuot nito, hindi rin inaabiso na magsuot ng valve mask sa mga closed area katulad ng office o restaurant.
As of July 20, mabilis na tumaas sa 68,898 na kaso ng COVID-19 sa bansa. Habang 23,072 naman ang gumaling mula sa nasabing sakit at 1,835 ang namatay.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
BASAHIN:
1-year-old na bata patay matapos maputol ang swab stick na ginamit sa COVID-19 test
COVID 19 Test Kits: Ano ang pagkakaiba ng PCR, Rapid at Saliva Test?
Ito ang effective na disinfectant spray laban sa COVID-19 ayon sa EPA