X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bakit may mga baby na ipinapanganak na mayroong buntot?

2 min read
Bakit may mga baby na ipinapanganak na mayroong buntot?

Bakit nga ba nagkakaroon ng tinatawag na vestigial tail, at dapat bang mag-alala ang mga magulang kapag mayroong ganitong kondisyon ang kanilang sanggol?

Para sa mga magulang, isa sa pinakahihintay nilang araw ay ang araw na ipanganak ang kanilang anak. Pero paano kung paglabas ni baby, ay mayroon siyang buntot, o kung tawagin ay vestigial tail?

Dapat bang mag-alala dito ang mga magulang? Puwede kaya itong tanggalin? At bakit nagkakaroon ng ganitong kondisyon ang ilang mga sanggol? Ating alamin.

Bakit ba may vestigial tail ang ilang mga bata?

Ang pagkakaroon ng buntot, o vestigial tail ay hindi pangkaraniwang pangyayari. Ngunit hindi naman nito ibig sabihin na dapat ay matakot o mag-alala ang mga magulang.

Ito ay tinatawag na vestigial dahil ito ay bahagi ng katawan na naiwan noong embryo pa ang baby. Kadalasan, ang mga sanggol ay nabubuo na mayroong tinatawag na embryonic tail habang nasa sinapupunan. At habang lumalaki ang sanggol sa loob ng tiyan ay dahan-dahan itong nawawala.

Ngunit mayroong mga pagkakataon na hindi nawawala ang buntot, kaya't nagkakaroon ng vestigial tail ang ilang mga sanggol. 

Ano ang sanhi nito?

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung bakit nagkakaroon ng ganitong buntot ang ilang mga sanggol. Ang alam lang ng mga doktor ay nagmumula ito sa embryonic kapag nasa tiyan pa ang sanggol.

Mayroon ring tinatawag na "pseudotail" na kakaiba sa vestigial tail. Ang pseudotail ay kadalasang mayroong maliit na buto, at posible ring nakakabit sa spine ng bata. Ang mga pseudotail ay posibleng epekto ng kondisyon tulad ng spina bifida, na isang kondisyon kung saan hindi nabuo ng maayos ang spine ng bata.

Ano ang magagawa tungkol dito?

Sa kabutihang palad, wala namang dapat ipag-alala ang mga magulang kung mayroong buntot ang kanilang mga anak. Sa mga ganitong kaso, karaniwan na itong pinuputol ng mga doktor. Safe ang procedure na ito, at hindi rin masakit para sa sanggol.

Wala ring buto ang ganitong klaseng buntot, kaya't hindi dapat mag-alala na baka maapektuhan nito ang spine ng bata. Ang pagtanggal nito ay simpleng procedure lamang, at walang nagiging masamang side effects para sa sanggol.

Para naman sa mga kaso ng pseudotail, mas komplikado ang sitwasyon. Ito ay dahil mayroon itong mga buto at nerves, at posibleng nakadikit sa spinal cord. Kaya kinakailangan pa ng mas komplikadong surgery upang matanggal ito.

Partner Stories
McDonald’s celebrates discovering mom’s hidden quirks in latest Mother’s Day video 
McDonald’s celebrates discovering mom’s hidden quirks in latest Mother’s Day video 
La Union Makes History as First PH Province to Obtain IMS Certification in All of its District Hospitals
La Union Makes History as First PH Province to Obtain IMS Certification in All of its District Hospitals
The ABCs to Healthy Skin for You and Your Child
The ABCs to Healthy Skin for You and Your Child
Judy Ann Santos-Agoncillo shares her secrets in keeping Luna  healthy and happy!
Judy Ann Santos-Agoncillo shares her secrets in keeping Luna healthy and happy!

Kadalasan ay walang masamang epekto ang pagkakaroon ng buntot ng bata, kaya't nasa magulang na rin ang desisyon kung ipatatanggal ba ito o hindi.

Source: Instagram

Basahin: The one thing that all pregnant women should to in order to prevent birth defects

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Bakit may mga baby na ipinapanganak na mayroong buntot?
Share:
  • Hyperthyroidism sa mga bata: Sanhi, sintomas, at epekto

    Hyperthyroidism sa mga bata: Sanhi, sintomas, at epekto

  • John Prats, ibinahagi ang mga pagbabago sa buhay mula nang magka-pamilya

    John Prats, ibinahagi ang mga pagbabago sa buhay mula nang magka-pamilya

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Hyperthyroidism sa mga bata: Sanhi, sintomas, at epekto

    Hyperthyroidism sa mga bata: Sanhi, sintomas, at epekto

  • John Prats, ibinahagi ang mga pagbabago sa buhay mula nang magka-pamilya

    John Prats, ibinahagi ang mga pagbabago sa buhay mula nang magka-pamilya

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.