LOOK: Vhong Navarro ikinasal na sa long-time partner na si Tanya Bautista

LOOK: Vhong Navarro ikinasal na sa long-time partner na si Tanya Bautista

John Lloyd Cruz dumalo sa kasal ni Vhong Navarro at Tanya Bautista. Narito ang mensahe ng aktor para sa kanilang dalawa.

Tanya Bautista and Vhong Navarro wedding sa Kyoto, Japan, dinaluhan ng malalapit na kaibigan nila sa industriya ng telebisyon.

vhong navarro wedding

Image courtesy of Metrophoto and Coleen Garcia

Matapos ang 11 taon na pagiging magkasintahan ay natuloy rin sa Tanya at Vhong Navarro wedding ang pag-iibigan ng TV host at kaniyang long-time girlfriend. Ito ay ginanap sa Kyoto, Japan kahapon, Nov.28.

Nabigla man ang karamihan sa pagpakasal ni Vhong Navarro na piniling isapribado ito ay masaya naman ang mga fans at followers niya. Lalo na ang mga taong malalapit sa kanila ni Tanya at nakasaksi sa pag-iibigan nilang dalawa.

Si Tanya ay isang writer sa ABS-CBN na piniling isapribado ang 11 years nilang relasyon ni Vhong Navarro. Kaya naman nitong Miyerkules ng mag-post ang TV host ng kanilang larawan na magkasama na may caption pang “She’ll often disagree, but at the end of it all, she will understand me”, ay nabuo ang espekulasyon na sila ay ikakasal na.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

She’ll often disagree, but at the end of it all, she will understand me

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44) on

Sinundan pa ito ng isang larawan pa nilang magkasama na ang caption naman ay, “Mag kamukha daw tayo sabi ng iba, ikaw daw ang babaeng version ko sabi ng iba. Saan pa ba yun papunta? Iba ka!”

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Mag kamukha daw tayo sabi ng iba, ikaw daw ang babaeng version ko sabi ng iba. Saan pa ba yun papunta? Iba ka!

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44) on

Tanya Bautista and Vhong Navarro Wedding

Isang araw matapos ang cryptic Instagram post na ito ay sumunod na ang mga larawan at IG videos ng kasal nila. Ang isa nga sa nakakatuwang video na nai-share sa Instagram ay ang kuha ni Kuya Kim Atienza na co-host ni Vhong sa programang It’s Showtime.

Sa video ay makikita ang paglakad ni Tanya papalapit sa altar na kung saan sinalubong siya ni Vhong ng pabirong halik. Pinagsimulan ito ng tawanan sa paligid na mas nagpa-excite pa sa kanilang kasal.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

MAMAYA PA YAN VHONG! @vhongx44 @t.winona #teenadhanakayvhong

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza) on

Star-studded na Tanya at Vhong Navarro wedding

Samantala, maliban sa pamilya at kaanak ng dalawa ay present rin sa Tanya at Vhong Navarro wedding ang It’s Showtime family ng TV host na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario, Teddy Corpuz at Jugs Jugueta. Pati na ang mag-asawang sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

vhong navarro wedding

Present rin sa kasal ang ngayon ay mailap na aktor na si John Lloyd Cruz. Gwapong-gwapo nga ito sa kaniyang new clean look na may iniwang mensahe pa para sa bagong kasal.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

To all of you who miss John Lloyd Cruz , here s a treat . He still has the charm and dashing good looks.

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

Ang video ay kuha ng doctor to the stars na si Dra. Vicki Belo na isa sa principal sponsor ng bagong kasal. Kasama niya din sa event ang long-time partner niyang si Hayden Kho at ang anak nilang si Scarlet Snow Belo.

Present din sa kasal sina Zanjoe Marudo na isa sa mga groomsmen. Ang aktor na si Piolo Pascual, film director GB Sampedro, at basketball players na sina Arwind Santos at LA Tenorio.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Team Vhong . Planning: @rnepevents Video: @threelogyvideo Gown: @michaelleyva_ Suit: @avelbacudio . Elevated. Reliable. Beautiful. #onlymetrophoto

A post shared by Metrophoto (@mymetrophoto) on

Prenup pictures nina Tanya at Vhong Navarro

Samantala, matapos ang mga wedding pictures ay sumunod namang naglabasan online ang pre-nup photos ng mag-asawa sa Vietnam.

vhong navarro wedding

Image courtesy of Metrophoto

vhong navarro wedding

Image courtesy of Metrophoto

LOOK: Vhong Navarro ikinasal na sa long-time partner na si Tanya Bautista

Image courtesy of Metrophoto

LOOK: Vhong Navarro ikinasal na sa long-time partner na si Tanya Bautista

Image courtesy of Metrophoto

Bagamat, hindi masyadong isinasapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon, hindi naman itinatago ni Vhong kung paano niya pinapahalagahan at minamahal ang ngayon ay misis niya ng si Tanya. Sa isa ngang interview ng TV host sa programang Magandang Buhay noong 2017 ay ito ang nasabi niya.

“Napakasuwerte ko na si Tanya ‘yung girlfriend ko. Ilang bagyo na ang dumating, pero pinapatibay kami ng panahon. Sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay, hindi ako iniwan niyan.”

Bago pa man maikasal kay Tanya ay una ng naikasal si Vhong Navarro sa aktres na si Bianca Lapus. At sila ay may isang anak na ang pangalan ay Isaiah.

Source: Star Cinema, ABS-CBN Entertainment

Basahin: Anne Curtis, ipinagbubuntis ang unang anak nila ng asawang si Erwan Heussaff

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner