Vicki Belo binigyan ng kotse ang makeup artist, pinag-aral ang mga anak ng mga kasambahay

Ibinahagi ng mga kasambahay ni Vicki Belo ang pagtulong ng doktora sa kanila, sinabi rin ng doktora kung gaano siya ka-thankful sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Doktora Vicki Belo, ibinahagi ang kung gaano niya kamahal ang kaniyang mga staff at ang labis niyang pasasalamat sa ginagawa ng mga ito para sa kaniya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagmamalasakit at pagmamahal ni Vicki Belo sa kaniyang mga staff
  • Vicki Belo bilang ina kay Scarlet Snow

Pagmamalasakit at pagmamahal ni Dra. Vicki Belo sa kaniyang mga staff

Hindi biro ang pagmamahal at malasakit na ipinapakita ni Dra. Vicki at kaniyang mga staff sa isa't isa. Lahat halos sa kaniyang mga staff ay ilang taon na ang tinagal sa pagtatrabaho kay doktora Belo.

Sa isang vlog na matatagpuan sa Youtube channel ni Bernadette Sambrano, makikita ang ibang side ng buhay ni Dra. Vicki Belo. Buhay na patotoo ang kaniyang mga staff pagdating kabutihan ng puso na mayroon ang doktor.

Ayon sa kanilang kasambahay na si Yaya Anita, simula nang siya ay magtrabaho para kay Dra. Vicki Belo, marami siyang lugar na napuntahan na hindi niya buhat akalaing mararating niya. 2009 noong siya ay magsimulang maging kasambay ni Dra. Belo, kaya naman mahigit isang dekada na rin niya itong magkasama.

Pagbabahagi ni Yaya Anita,

“Noon una, akala ko po istrikto siya.. Pero ano po, sobrang down to earth niya.”

Sa kabila ng karangyaan ng buhay ni Dra. Vicki Belo na nakikita ng mga tao. Ikinwento ng kaniyang mga staff na kabaliktran ito ng kung ano talaga ang doktor. Ayon sa kanila, simple lamang ang doktor at hindi maselan sa mga bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Vicki Belo

Ang mahalaga lamang daw para sa kay Dra. Belo ay ang tiwala. Samantala, maluha-luhang ibinahagi ni Yaya Anita kung paano siya natulungan ng doktor sa pagpapaaral ng kaniyang anak. Kaya naman ganoon na lang ang malasakit, pagmamahal at utang na loob ni Yaya Anita at kaniyang pamilya sa kay Dra. Belo.

“Maalalahanin po siya sa mga taong nasa paligid niya.” sambit naman ng isa pa niyang staff na si Michelle, limang taon nang nagtatrabaho para kay Dra. Belo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Michelle ang dahilan kung bakit natuto at nage-enjoy sa paggamit ng Tiktok ang doktor. Masaya niyang parating binibiro-biro si doktora Vicki Belo dahil magkatrabaho kundi pamilya na rin ang kanilang turingan.

Higit sa sa lahat, hindi mawawala ang kaniyang pinakamamahal na make-up artist na si Marife Morido, ang kasanggang-dikit ni Dra. Vicki Belo anuman ang kaniyang gawin at saanman siya magpunta.

Pagbabahagi ni Dra. Vicki Belo,

“Kasama na ‘yan lahat, all-around. Nagluluto, nagpa-pack ng luggage, mas nakaka-save ako pag kasama ko si Marife. 

Kasi pag hindi ko siya kasama.. Siguro another time, I lost my iPad, I lost my iPhone..”

Larawan mula sa Instagram account ni Marife

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Higit sa mas magastos daw kapag wala si Marife sa kaniyang tabi. Nasanay na si Dr. Belo na parati silang magkasama sa lahat ng bagay. Hindi raw ito mahirap pakisamahan dahil napakabait at very humble.

Bukod dito, buong pamilya ni doktora at minamahal at inaalagaan niya na para bang sarili niya itong kadugo. Kung gaano ipinagpapasalamat ni Belo ang pagdating ni Marife sa kaniyang buhay ay ganoon na lamang din ang pasasalamat ni Marife sa kaniya.

Ayon sa kaniyang make-up artist na si Marife,

“Sobrang thankful ako na nakilala ko si doktora.. Wala na ‘kong mahihiling pa. Lahat ibinibigay niya sa akin. ”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Thank you! Thank you, doktora.. I love you talaga,” dagdag pa niya habang nakaharap kay Dra. Belo.

Ayon pa kay Marife, kung gaano niya kamahal si Dra. Vicki Belo ay ganoon din niya kamahal ang pamilya nito, partikular na kina Scarlet at Dr. Hayden Kho.

Larawan mula sa Instagram account ni Marife

Dahil sa labis na pasasalamat ni Vicki Belo sa pagmamahal, supporta, at serbisyo na ibinibigay ni Marife sa kaniya ay binigyan niya ito ng sasakyan. Sambit ni Dra. Belo sa kaniyang make-up artist,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"More than anything, feeling ko talaga regalo ka ng Diyos sa akin. Maraming salamat.”

Dagdag pa ng doktor,

“I’m very blessed also to have Marife in my life.. Family na talaga siya.”

BASAHIN:

LOOK: Hayden Kho binigyan ng luxury car si Vicki Belo noong Valentine's Day

Vicki Belo ayaw maging spoiled si Scarlet—"Ayoko ibigay lahat kasi hindi nakakatulong talaga"

How does Dra. Vicki Belo discipline her daughter Scarlet?

Vicki Belo bilang ina kay Scarlet Snow

Isa si Belo sa napakaraming ina na talaga namang very hands-on sa pag-aalaga sa kanilang anak. Para sa doktor na si Vicki Belo, ito lamang daw ang pagkakataon niya upang ina para kay Scarlet.

Sa mga nakakaraang taon ay napaka-busy niya sa trabaho at pagpapalago ng kaniyang career upang maging successful Pagbabahagi niya,

“I was so busy trying to make a living.. Trying to be successful.”

Samantala, ibinahagi ni Dra. Belo na “pure love.. joy and love,” ang kaniyang nararamdaman sa tuwing tinititigan niya si Scarlet. Kaya naman hangga't kaniyang makakaya ay ibinibigay niya ang kaniyang oras at mga bagay na makapagpapasaya sa anak. 

Larawan mula sa Instagram account ni Vicki Belo

Ayon pa nga sa kaniya, mayroon ding magandang dulot ang pagkakaroon ng anak ng may edad na.

Pagsasaad ni Dra. Vicki,

“Now that I’m older, I don’t have much energy but now I have the money, I’m a little more secure. So, I can spend naman the time [with Scarlet].”

“I want to enjoy every second and I treasure everything,” dagdag pa niya.

Kaya naman ito ang kaniyang payo niya para sa mga tao:

“You should really live everyday like it’s your last day, not your first day.”