X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Vicki Belo ayaw maging spoiled si Scarlet—"Ayoko ibigay lahat kasi hindi nakakatulong talaga"

5 min read
Vicki Belo ayaw maging spoiled si Scarlet—"Ayoko ibigay lahat kasi hindi nakakatulong talaga"Vicki Belo ayaw maging spoiled si Scarlet—"Ayoko ibigay lahat kasi hindi nakakatulong talaga"

Bagama't kayang-kaya niya, ginagawa daw ito ng doktora para sa kapakanan at future ng anak niya.

Vicki Belo madamdaming ibinahagi ang kaniyang adoption story at kung paano niya pinalalaki ang anak na si Scarlet.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paano pinalalaki ni Dra. Vicki Belo ang anak na si Scarlet.
  • Adoption story ni Vicki Belo

Paano pinalalaki ni Dra. Vicki Belo ang anak na si Scarlet

Vicki Belo

Image from Scarlet Snow Belo Facebook account

Sa isang panayam sa kaniya ng showbiz reporter na si Ogie Diaz ay ibinahagi ng beauty doctor na si Vicki Belo kung paano niya pinalalaki ang anak na si Scarlet, 6-anyos.

Ayon sa doktora, bagama't kaya niya ay hindi niya ini-spoil o ibinibigay ang lahat ng gusto ng anak. Dahil naniniwala siya na hindi umano ito makakatulong sa bata lalo na sa future nito.

“With Scarlet ayokong ibigay lahat kasi hindi nakakatulong talaga. Kung feeling ko lang makakatulong sa future niya at magiging happier person siya I will do it. But I always stop myself because I know it’s good for her too.”

Dagdag na kuwento ng doktora, ito ay mahirap para sa kaniya. Lalo na’t bilang isang ina ay nais niyang mas mahalin siya ng anak. Pero mas nangingibabaw ang kagustuhan niya na maturuang maging strong si Scarlet. Sapagkat pagbabahagi niya bilang isang adopted child na kung saan ibinigay sa kaniya ang lahat ay nahirapan siya sa buhay.

“Nahihirapan ako kasi of course I want Scarlet to love me. So kung puwede ko lang i-bribe at ibigay lahat ng gusto niya gagawin ko.

Pero ang problema alam ko, only child din ako I'm also adopted. My parents were so mabigay to me and generous. And everything I wanted they would give, nahirapan ako in life, in the future.”

Ito ang sabi pa ni Vicki Belo.

Adoption story ni Dra. Vicki Belo

Pero sa kabilang banda, ang pagiging adopted niya umano ang nagtulak kay Dra. Vicki Belo na maging cosmetic surgeon at makilala sa larangang ito.

Ito ay nag-ugat sa pangungutya na naranasan niya noong siya ay maliit pa. Paniniwala niya rin noon na dahil sa kaniyang itsura kaya siguro siya pinaampon ng mga magulang niya.

“Even when I was young binu-bully ako. "Bakit ka ba pinamigay? Bakit ampon ka lang?' Dahil ba pangit ka? Dahil ba ang taba mo. In my brain talaga, kapag mataba ka, kapag pangit ka pamimigay ka lang.

In my 5-year-old brain, I said papagandahin ko lahat ng tao para hindi sila ipapamigay at mamahalin sila. And that’s why Belo Medical Group was born.”

Ito ang kuwento pa ni Dra. Vicki Belo.

Vicki Belo

Young Vicki Belo/ Image from YouTube Video

Madamdamin at very painful para kay Vicki Belo ang adoption story niya. Isa itong tagpo sa buhay niya na magpahanggang ngayon ay kumukurot sa puso niya.

Sa katunayan, tuwing kaniyang kaarawan ay umaalis daw ang doktora para hindi siya mabati at hindi niya maalala ang sakit ng kapakanakan niya.

“Noong ipinanganak ako never akong hinawakan ng nanay ko. So right away dinala na nila ako sa incubator tapos hinintay ko nalang yung Belo mom kasi I was born in Cebu.”

“'Di ba happy birthday? Sino naman happy sa birthday ko? My mom and dad gave me on my birthday. Bumabalik lang talaga yung pain.”

Ito ang naluluhang kuwento pa ng doktora.

Kuwento ni Dra. Vicki Belo, pang-lima siya sa siyam na magkakapatid sa kaniyang tunay na magulang. Pero dahil sa hindi magkaanak ang kapatid ng kaniyang ina, nasa sinapupunan pa lang siya ay nakontrata ng ipapaampon siya sa dapat ay tiyuhin at tiyahin niya.

BASAHIN:

Ito daw ang ginagawa nila Hayden at Vicki para ma-encourage si Scarlet na magkaroon ng love of learning

Dra. Vicki Belo sa pagiging ina sa kanyang 60s: “Nakikita ko lahat—first walk, first word, everything. Enjoy na enjoy.”

Raising Scarlet Snow: Vicki Belo talks about raising daughter normally

Being a mom to Scarlet

Pero lubos umano ang pagpapasalamat ni Dra. Vicki Belo sa mga magulang niya na umampon sa kaniya. Dahil ibinigay ng mga ito ang lahat at pagmamahal ng tunay na mga magulang.

Hindi niya nga raw makakalimutan ang laging sinasabi sa kaniya ng kaniyang adoptive mother. Ito rin umano ang parehong linya na sinasabi niya kay Scarlet na ipinagbuntis ng isang surrogate mother.

“Hija, you are really my daughter. You were just born from my heart, not from my stomach. And I tell that to Scarlet also.”

Ito ang kuwento pa ng doktora.

Vicki Belo

Vicki Belo with mother/ Image from YouTube Video

Sa ngayon, bilang isang ina kay Scarlet ay ibinubuhos daw lahat ng doktora ng kaniyang oras para maiparamdam sa anak ang kaniyang pagmamahal. Ito daw ay namiss niyang gawin sa mga anak niyang sina Crystalle at Quark Henares.

Kaya naman sa kaniyang edad na 65-anyos ay pinanatiling healthy at young ng doktora ang katawan niya. Lalo pa’t sabi niya ang araw-araw na kasama si Scarlet ay puno ng discovery at happiness na tinetreasure niya.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

“With Scarlet everyday iba-iba, nakakaaliw. Ang cute cute nya. I am so happy. I owe it to her. And I want to be healthy and young para makasama ko naman siya for longer time.”

Ito ang sabi pa ng doktora at ina na si Dra. Vicki Belo.

 

Source:

Ogie Diaz YouTube Channel

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Vicki Belo ayaw maging spoiled si Scarlet—"Ayoko ibigay lahat kasi hindi nakakatulong talaga"
Share:
  • Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

    Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

  • Leon Barretto kay Dennis Padilla: "Your words have the power to destroy your children, papa."

    Leon Barretto kay Dennis Padilla: "Your words have the power to destroy your children, papa."

  • LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

    LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

app info
get app banner
  • Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

    Mas nakaka-turn on daw ang taong hate mo, ayon sa isang study

  • Leon Barretto kay Dennis Padilla: "Your words have the power to destroy your children, papa."

    Leon Barretto kay Dennis Padilla: "Your words have the power to destroy your children, papa."

  • LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

    LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.