Dra. Vicki Belo sa pagiging ina sa kanyang 60s: "Nakikita ko lahat—first walk, first word, everything. Enjoy na enjoy."

Dra. Vicki Belo sa pagiging ina sa kanyang 60s: "Nakikita ko lahat—first walk, first word, everything. Enjoy na enjoy."

Biologically, ang isang babae ay nasa kanyang fertile prime sa kanyang 20s, pero statistically mula pa noong taong 1990s mas maraming kababaihan ang pinipili magkaroon ng anak kahit sa kanilang menopausal years. Pero iba ang kaso pagdating sa tanyag na dermatologist sa showbiz industry na si Dra. Vicki Belo. May mga anak siya na dalawang adults na sa kanyang unang asawa at ngayon nga na 59 na siya nagkaroon siya ng isa pang anak na babae sa pamamagitan ng surrogacy at ito nga ang kanyang napaka-cute at charming na bunso na si Scarlet Snow.

Mas maraming oras para kay Scarlet Snow

Si Scaret Snow ngayon ay apat na taong gulang na at aminado si Dra. Vicki Belo na less na ang enerhiya niya para panatilihin pa ang sarili sa mga aktibidad ng kanyang toddler.

Aniya nga na hindi ganito ang kaso sa mga anak niyang si Quark at Cristalle—ang kanyang mga anak sa unang asawang si Atom Henares, "As a mother then, I was so much younger, I had so much energy, so I could play with them endlessly."

Sa kabilang banda naman mas marami siyang oras ngayon para kay Scarlet, kwento nga ng doktora, "Nagpapasalamat naman ako kasi nung bata pa sina Quark and Cristalle, of course, nagtatrabaho pa ako. Nag-i-start ng practice, wala pa akong pera nun, so kayod. Tapos kapag tinignan mo mga anak ko, medyo malaki na."
 
Kung kaya naman ang payong ni Dra. Vicki Belo sa lahat ng ina ano pa man ang kanilang edad ay magbuhos ng oras kasama ang mga anak upang hindi ma-miss ang kanilang mga milestones sa buhay habang lumalaki.
 
Mariin nga niyang sinabi, "Habang bata pa anak niyo, enjoy niyo, kasi ang bilis nila lumalaki. So, ngayon, I was given a chance to do it all over again. Ang sarap. Ang sarap talaga. Kasama ko palagi si Scarlet. Nakikita ko lahat—first walk, first word, everything. Enjoy na enjoy."

"I realized I missed a lot by being so goal-oriented when I was younger," dagdag pa niya.

Ang pagiging malambing ng bunso
Hindi lingid sa ating kaalaman na may Instagram account ang celebrity kid na si Scarlet Snow na ang kanyang mga magulang ang namamahala. Base sa mga Instagram post nga ng bata, may regular na mga aralin ito sa kanyang ama na si Hayden Kho Jr.
 
Pero ayon kay Hayden, ang kanyang misis na si Dra. Vicki Belo ang nagtuturo sa kanilang bunso kung paano maging magiliw at mabait na bata, "It's Vicki who's nagtuturo kay Scarlet, yung how to be nurturing. Siya nagtuturo—about care, all that. Of course, only a female can do that."

Kwento pa ni Hayden, "I really believe kasi it's the job of the dad to basically define the identity of the child. There are things a man can do and only a woman can do."

Nabanggit nga din ni Hayden na ang pagiging malambing na bata ni Scarlet Snow ay nakuha niya talaga sa kanyang ina, "So, yung pagiging malambing ni Scarlet, yung pagiging caring niya, yung thinking about others, pagiging inclusive niya, that's all Vicki."

Source: PEP.ph

Basahin: Study shows that older mother pregnancy may have benefits

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner