May kasabihan tayong mga Pilipino na “Sa hinaba haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.” At ito ay pinapatunayan ng pagsasamahang Vicki Belo at Hayden Kho, na bagama’t maraming pinagdaanang pagsubok, ay sa katapusan, sa simbahan pa din ang kanilang patutunguhan.
Nakakuha ang mga bisita ng text message galing kay Scarlet Snow
Ayon sa isang report mula sa Inquirer, ang mga pinakamalalapit na kaibigan ni Vicki at Hayden ay nakatanggap ng isang text message galing sa mag nobya. Ayon sa text message: “This is Scarlet Snow Belo and I would like to invite you to be present when my parents, Daddy Hayden and Mommy Vicki, get married in our favorite city, Paris.”
Si Scarlet Snow Belo ay ang 2 taong gulang na anak ng dalawa.
A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on
Hindi naging madali ang kwentong pag-ibig ng dalawa
Noong 2009, ay nagkaroon ng malaking pagsubok ang dalawa, dahil sa lumabas na video scandal ni Hayden Kho kasama ang aktres na si Katrina Halili. Dahil dito, ay naging bahagi pa si Kho ng imbestigasyon sa Senado, at pinawalang-bisa ang kanyang medical license dahil sa mga nangyari.
Ngunit noong 2014, muling ibinalik kay Kho ng Board of Medicine sa ilalim ng PRC ang kanyang lisensiya. Dahil sa mga nangyari, aminado si Kho na nahirapan siyang patawarin ang kanyang sarili. Aniya, “It was a tough one. It was really hard to forgive myself. In fact, it was even hard to love myself ’cause I know that I have done so many things in the past na ayoko malaman ng tao, na kinahihiya ko dahil mali (that I did not want people to know because it was embarrassing, because it was wrong”
Matapos nito ay nanatiling matibay ang pagsasama ng dalawa, na nagbunga ng kanilang anak na si Scarlet Snow Belo.
Ayon kay Hayden, malaking bagay ang pagkakaroon nila ng anak ni Vicki sa desisyon nilang magpakasal, dahil aniya, ito ay ang tamang gawin sa mata ng Diyos.
Source: news.abs-cbn.com, rappler.com
READ: New baby Scarlet Snow details from proud parents Vicki Belo and Hayden Kho
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!