Vicki Belo sa pagkakaroon ng mister tulad ni Hayden Kho: “For me, Hayden makes me feel young. He always makes me feel so attractive.”

Dra. Vicki may payo sa mga mag-asawa para manatiling happy at peaceful ang pagsasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Vicki Belo sinabing napaka-halaga ng papel ni Hayden Kho sa buhay niya at sa anak nilang si Scarlet.

Mababasa sa artikulong ito ang sumusunod:

  • Pakiramdam ni Vicki Belo sa pagkakaroon ng mister tulad ni Hayden Kho.
  • Paano pinalalaki ni Hayden Kho at Vicki Belo ang anak nilang si Scarlet.

Vicki Belo sa pagkakaroon ng mister tulad ni Hayden Kho: “It’s wonderful.”

Image from Vicki Belo's Facebook account

Hindi kaila na halos 25 years ang gap sa pagitan ng mga edad ng celebrity couple na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho. Si Vicki Belo ngayon ay 65 years old na, habang si Hayden ay 41 years old. Pero sa kabila nito, ayon sa doktora ay mayroon silang masayang pamilya at pagsasama. Ito nga daw ay dahil kay Hayden na hindi lang basta nagsisilbing inspirasyon sa kaniya. Ito rin daw ang dahilan ng mga tagumpay niya sa buhay at kung paano nila nasisigurong nagiging maayos ang relasyon nila.

“My husband Hayden is really the driving force actually. You know if you have the woman behind the man I think in our case it’s the man behind the woman. Because I didn’t think it’s gonna be good to marry someone so much younger, but its good.”

Ito ang sabi ni Dra. Vicki Belo sa ginanap na online women’s day event and celebration ng Philippine Heart Association kamakailan lang.

Dagdag pa ng doktora, napaka-importante ng pagkakaroon ng isang Hayden sa buhay niya. Ito ay sa kabila ng mga pinagdaanan nilang issues noon na halos muntik ng sumira sa kanilang relasyon. Pati na ang pag-aakusa kay Hayden at pag-iisip na hindi naman magtatagal ang relasyon nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Napaka-importante. Unfortunately, I am one of those women who needs a man. I feel that’s a weakness. I am sure you all know how turbulent my relationship with Hayden has been over the years. We’ve been together 17 years, so that’s a really long time. The first seven years, I think, were really bad.”

“It was a secret relationship at first. And then when it came out in the open it became so bad because suddenly Hayden had to, you know, he was dealing with a whole new world, a new set of people. Everybody’s talking about us and calling him a boy toy.”

Ito ang kuwento ni Dra. Vicki Belo tungkol sa paano nag-simula ang relasyon nila ni Hayden. Pero sa kabila ng mga isyu at alegasyon nanatili ang doktora sa tabi ni Hayden. Ito ay dahil alam niyang mabuti itong tao at hindi siya makakapayag na masayang ang mga taong pinagsamahan at pinaghirapan na nila.

Bakit pinili ni Dra. Vicki Belo na manatili sa tabi ni Hayden at ipaglaban ang relasyon nila?

Image from Vicki Belo's Facebook account

“Part of the reason that I kept hanging around is because I knew that he was a good man. Then he became not so good. My fear then, ‘What if I go through all this suffering? And now we’re together he’s good again.’ Parang ang sakit naman for me, di ba, pinaghirapan ko na.”

Ito ang sabi pa ni Dra. Vicki Belo.

Ngayon, napatunayan ni Dra. Vicki na tama ang desisyon niya na manatili sa tabi ni Hayden. Dahil sa inaalagaan siya nito ng mabuti at ipinaparamdam sa kaniya na siya ay tunay na minamahal. Higit sa lahat, ito daw ang dahilan kung bakit looking young at attractive siya sa kaniyang edad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Now it’s wonderful, he’s 41, it’s a beautiful age. He’s really matured, he’s very responsible, he’s really the leader of the family. He takes care of me. I feel so alaga, and I’m so happy. I think, emotions definitely play a big role in people’s lives.”

“For me, Hayden makes me feel young. He always makes me feel so attractive.”

BASAHIN:

LOOK: Hayden Kho binigyan ng luxury car si Vicki Belo noong Valentine’s Day

Vicki Belo ayaw maging spoiled si Scarlet—”Ayoko ibigay lahat kasi hindi nakakatulong talaga”

Vicki Belo binigyan ng kotse ang makeup artist, pinag-aral ang mga anak ng mga kasambahay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hayden hindi lang mabuting asawa, isa ring mabuting ama para kay Scarlet

Dagdag pa ni Dra. Vicki, hindi lang melting asawa si Hayden. Ito daw ay mabuti ring ama para sa anak nilang si Scarlet na pitong taon na ngayon. Si Hayden daw ang nagdidisiplina kay Scarlet at nagsisigurong lalaki itong maayos.

“When she was younger, we spanked her. It’s not so much that it hurts. With kids, you have to catch them with little things palang, my tendency is to let it slide. Parang ok lang yan baby pa naman. Pero mas tumitigas ang puso, tumitigas ang ulo. With Hayden maaga palang he comes in already kay Scarlet.”

Maliban nga daw sa pagdidisiplina kay Scarlet, tinuturuan din nila ito sa paggawa ng gawaing-bahay. Ito ay para hindi ito mahirapan pagdating ng araw kapag siya ay malaki na at kailangan ng mamuhay ng mag-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Vicki Belo's Facebook account

Ayon pa kay Dr. Vicki, malaki ang paniniwala niya na napaka-halaga ng role na ginagampanan ng mga ama sa buhay ng anak nila. Isang lesson na natutunan niya sa nauna niyang relasyon na kung saan nauwi sa paghihiwalay at nagbigay ng broken family para sa mga anak niyang sina Quark at Crystalle.

“I really made sure to be friends with my ex-husband para my kids will grow up balance and well, but it really affects them.”

Kaya naman sa ngayon, ay sinisiguro niya na mananatiling happy at healthy ang relasyon nila ni Hayden. Ito ay hindi lang para sa healthy heart niya kung hindi para narin masiguro ang magandang kinabukasan ng kaniyang anak na si Scarlet.

“There is no perfect life guys. Everybody has a different upbringing. For those people who have young kids please bring them up well na. Because sana this thing having separated families, I realized now how important a man is.”

“If you can work it out for your children not just stay together for the kids. Because if it’s still an ugly relationship it doesnt work, but if you can somehow find it somehow to yourself to be humbled, to see what your fault is rather than always blaming the other party. I think all of these things start there.”

Ito ang payo pa ni Dra. Vicki Belo sa mga mag-asawa para masigurong healthy ang pagsasama at manatiling buo ang kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement