LOOK! Vloggers Vien Iligan at Junnie Boy kinasal na!

Natuloy rin ang inaabangan ng mga fan na kasal ng vloggers na sina Vien at Junnie Boy. Basahin sa article na ito ang buong detalye.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ikinasal na ang vlogger na si Marlon Velasquez o mas kilala bilang si Junnie Boy sa kaniyang partner at kapwa vlogger na si Vien Iligan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Vien at Junnie Boy kasal na!
  • Love story nina Vien Iligan at Junnie Boy 

Vien at Junnie Boy kasal na!

Present sa kasal nina Vien at Junnie Boy ang kapatid ng huli na si Cong at ang asawa nitong si Viy Cortez. Naroon din siyempre ang iba pang miyembro ng Team Payaman, content creator collective group na binuo ng kuya ni Junnie Boy na si Cong TV.

Larawan mula sa Instagram ni Vien

Naganap ang nasabing kasalan sa Divine Mercy Parish Biluso sa Silang Cavite ngayong March 28, 2022 ng umaga. Ring bearer sa kasal ng kaniyang mommy at daddy ang anak nina Junie at Vien na si Mavi.

Ibinahagi ni Vien sa kaniyang Instagram story at Facebook post ang mga larawan nila ng kaniyang hubby na si Junnie Boy. Flinex nga rin nina Vien at Junnie Boy ang kanilang wedding ring sa social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram story ni Vien

Ilang araw bago ang ikasal kay Junnie Boy ay nag-count down pa si Vien sa pamamagitan ng Instagram posts. Kung saan makikita ang mga sweet and funny photos nila ng partner. Agad na bumuhos ang pagbati para sa newly weds mula sa kanilang mga fan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Vien Iligan

Natuloy rin ang postponed wedding 

Matatandaang noong January 19, 2022 ay nag-upload ng YouTube vlog si Vien kung saan ay ibinahagi niya na postponed ang kasal nila ni Junnie Boy dahil sa banta ng pandemya.

Sa nasabing vlog nabanggit ni Vien na gusto na niya talagang maging legal na Misis Velasquez dahil na rin sa kanilang anak na si Mavi. Dagdag pa niya, gusto niya sana na kapag nagkaroon ulit sila ng anak ay Misis Velasquez na siya.

Ngunit dahil nga sa mga kaganapan dulot ng COVID-19 ay pansamantalang naantala ang kasal nina Vien at Junnie Boy. Sapagkat hindi naman daw nila magagawang mag-enjoy kung may sakit ang mga taong malalapit sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman laking tuwa ng mga fan na finally ay natuloy na ang kasal ng dalawa.

BASAHIN:

LOOK: Erich Gonzales ikakasal na ngayong Marso!

SURPRISE! Morisette Amon and David Lamar kasal na!

After 18 years bilang magkarelasyon, Aubrey Miles at Troy Montero engaged na!

Relationship timeline nina Vien at Junnie Boy

Nagsimula ang pag-iibigan nina Vien at Junnie Boy sa idol-fan relationship. Idol daw ni Vien si Junnie Boy at noong 2017 ay naglakas-loob ang “fangirl” at nag-send ng message sa kaniyang idol sa Facebook.

Nang panahong iyon ay rising content creator na si Junnie Boy. Kilala rin siyang funny brother ng sikat na si Cong TV.

“Hi, Kyah!” ayan umano ang unang mensahe ni Vien kay Junnie.

Nang taon ding ‘yon ay naganap ang first date ng dalawa sa isang milk tea shop sa Trece Martires.

January 11, 2018 nang official nang maging in a romantic relationship sina Vien at Junnie Boy. Bago nga matapos ang taon ay biniyayaan ng anak na lalaki na pinangalanan nilang Von Maverick na mas kilala sa palayaw na Mavi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas tumatag ang pagsasama ng dalawa buhat noon na nasaksihan ng mga fan sa kanilang mga vlog.

Noong 2020, kasama ang iba pang myembro ng Team Payaman ay lumipat ng bahay sina Vien at Junnie Boy sa tinatawag nilang Payamansion.

Larawan mula sa Instagram ni Vien

July 2020 nang finally ay alukin na ng kasal ni Junnie Boy si Vien. Naganap ang proposal ni Junnie Boy sa kalagitnaan ng prank niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa video na ipinost ng Team Payaman noong 2020, documented ng vlogger ang entire preparation ng kaniyang proposal. Mula sa pagbili ng singsing hanggang sa paghingi nito ng blessing sa mga magulang ni Vien.

Nagawa pang mag-organize ng Team Payaman ng plano kung saan ay sinorpresa nila si Vien ng engagement ring sa kalagitnaan ng game para sa kanilang vlog.

Ipinaliwanag din ni Junnie Boy sa naturang vlog kung bakit sa palagay niya ay panahon na para magpakasal sila ni Vien.

Aniya, hindi sila nagsimula na mapera na agad at hindi rin nila madalas nareregaluhan ang isa’t isa. Dati raw ay ayos lang sa kanila na basta magkasama sila. Nang magkaroon ng anak ay palagi na nga silang magkasama at naging mahirap naman ang pagplaplano ng surprise. Kaya todo effort talaga si Junnie Boy para sa kaniyang surprise proposal.

Pero ayon sa vlogger,

“Siguro biglaan sa inyo ito, pero matagal ko na rin siyang pinag-iisipan at sa moment na ito, ito na ang gustong gawin ng puso ko.”

Sa parehong taon din nagsimula ang clothing, laundry, at water station business venture ng couple. Naging abala naman ang dalawa sa preparasyon ng kanilang kasal noong 2021. Sa kabila ng pagiging abala ay patuloy ang pagbuo nila ng magagandang alaala kasama ang kanilang anak na si Mavi.

January 2022 nang i-anunsyo nilang hindi muna matutuloy ang kanilang kasal dahil sa epekto ng COVID-19. At ngayon nga, bago matapos ang Marso ay opisyal nang mag-asawa ang dalawa.

 

Facebook

Sinulat ni

Jobelle Macayan