Vinagre Aromatico: Ano ito at puwede ba ito kay baby?

Narinig mo na ba ang tungkol sa vinagre aromatico o nagamit mo na ba ito sa baby mo? Dahil ayon sa ilang mommies mabisa daw ito para mapanatiling smelling fresh and good si baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Vinagre aromatico, nakakatulong daw para maalis ang pangangasim sa katawan ni baby ayon sa ilang mommies.

Ano ang vinagre aromatico?

Pamilyar ka ba sa vinagre aromatico? Ayon sa Rhea Pharmaceuticals na manufacturer ng produktong ito, ito ay isang skin tonic na ginagamit sa paliligo. Nakakatulong umano ito para ma-rejuvenate ang balat matapos maligo. Habang may ilan namang nagsabi na epektibo ito bilang pang-alis ng body acne.

Ayon naman sa ilang mommies, nakakatulong ito para manatiling mabango si baby. Dahil sa scent nitong mala-rosas ay inaalis umano nito ang mabaho o mangasim-ngasim na amoy sa katawan ng sanggol. Puwede rin daw itong gamiting mosquito repellant na siguradong magtataboy papalayo sa lamok.

Para gamitin ay maglagay lang umano ng 2-3 patak ng vinagre aromatico sa isang litrong tubig. Saka ito ang ipangbanlaw kay baby sa kaniyang paliligo.

Para sa mga adults ay magpuno at maghalo ng dalawang cap nito sa 5 litro ng tubig. Saka ibanlaw matapos ang paliligo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagamat may mga mommies na nagsabing epektibo ito para sa kanilang baby, may mga nakapansin naman na nagkaroon ng rashes o nag-dry ang balat ni baby matapos gumamit nito.

Safe ba ito para sa mga babies?

Wala pang mga pag-aaral ang makakapagsabi sa kung ligtas ba ang mga vinegar solution gaya ng vinagre aromatico sa mga baby. Ngunit isa lang ang sigurado, sa mali o sobrang paggamit nito ay maaring ma-damage ang sensitive pang balat ng mga sanggol. Dahil sa ito ay isang uri ng suka na nagtataglay ng acid at maaring makapagdulot ng burns o rashes sa balat ni baby.

Ayon kay Dr. Kate Püttgen, dermatologist mula sa Johns Hopkins Children’s Center, ang mga sanggol ay hindi pa naman nangangailangan ng kahit anong skin care regimen. Mas makakabuti nga daw hangga’t maari ay limitahan sa dalawa o tatlong beses sa isang linggo ang paliligo sa kanila. Dahil sa ganitong paraan ay napapanatili sa kanilang balat ang mga protective natural oils nito.

Highly absorbent din daw ang mga balat ng mga baby. Kaya naman dapat iwasang gumamit ng mga produkto sa kanilang balat na nagtataglay ng maraming chemicals. Mas mainam kung gagamit ng skin products sa kanila na fragrance-free at hypo-allergenic. Dahil ang mga pabango at pangkulay ay maaring magdulot ng seryosong irritasyon sa kanilang balat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas sensitive nga daw ang balat ng mga sanggol na ipinanganak ng premature. Dahil sa ito ay mas manipis, mas dry at mas prone sa breakage. Kaya upang mas gawing protektado ito ay makakatulong ang paglalagay ng petroleum jelly sa balat ng sanggol araw-araw. Ito ay upang ma-moisturize ito at mas mapatibay ang barrier function ng kanilang balat.

Mga paraan upang mapanatiling mabango si baby

Image from Freepik

Kaysa maglagay ng kung anumang produkto sa balat ni baby, may mga simpleng paraan na maaring gawin upang mapanatiling mabango at kaaya-aya ang amoy ni baby. Ito ay ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Bigyan pansin sa paglilinis kay baby ang mga kasingit-singtan ng kaniyang katawan. Tulad ng kaniyang leeg, kili-kili, puwetan, singit, likod ng tenga at iba pang tago at pawising parte ng kaniyang katawan.
  • Siguraduhin ring mapupunasan siya o matutuyo ng maayos matapos mapaliguan at bago damitan.
  • Ugaliin rin ang pagpupunas o paghuhugas sa kaniyang mukha at leeg sa tuwing matatapos siyang kumain.
  • Siguraduhin rin na laging malinis at tuyo ang mga sapatos o medyas na ipapasuot sa kaniya.
  • Labhan rin at siguraduhing tuyo ang mga damit ni baby bago ito ipasuot sa kaniya. Sa paglalaba sa mga damit niya ay gumamit ng laundry detergent na fragrance at dye-free. Ganoon rin sa kaniyang mga blankets, beddings at iba pang gamit.
  • Makakatulong rin ang paglalagay ng baby powder kay baby basta’t iwasan lang na mapunta ito sa ilong niya.

Image from Freepik

Kung sa mga paraan na nabanggit ay hindi parin naaalis ang body odor sa katawan ni baby mas mabuting kumonsulta sa isang baby skin specialist bago gumamit ng kahit anumang produkto sa kaniya. Ito ay para masiguro na ang iyong gagamitin o ilalagay sa balat ni baby ay ligtas at hindi magdudulot ng kahit anumang iritasyon.

Huwag isawalang bahala ang body odor ni baby

Mahalaga rin na malaman ng isang espesyalista ang kondisyon ni baby. Dahil may mga abnormal body odor sa mga sanggol ang palatandaan na pala ng isang sakit. Tulad nalang ng pagkakaroon ng malansa o fishy odor sa sanggol na isang palatandaan na siya ay may enzyme deficiency. Kung ang ihi o amoy naman ng katawan ni baby ay tulad ng maple syrup maaring siya ay nakakaranas na ng Maple syrup urine disease o MSUD.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang musty odor o amoy amag naman na katawan ni baby ay palatandaan na ng isang congenital metabolic disorder. Bagamat nakakabahala ang mga ito kung iisipin, ang mga ito namay ay malulunasan. Lalo na kung mabibigyan si baby ng early treatment na kaniyang kailangan. Pati na ang dietary changes na mahalaga upang tuluyan na itong maiwasan.

Kaya kung may agam-agam sa amoy ng katawan ni baby, mabuting ipaalam at ikonsulta na muna ito sa iyong doktor. Ito ay upang makasigurado sa tunay niyang kondisyon at sa kung anong produkto ang maaring gamitin na angkop at ligtas sa kaniya.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

WebMD, John Hopkins Medicine, Made Of

Basahin:

Saan ginagamit ang aceite de alcamporado at anong pinagkaiba nito sa manzanilla?