Vitamins na nakakataba: Mga rekomendasyon ng eksperto

undefined

Bukod sa healthy foods, mahalaga rin ang pag-inom ng vitamins na nakakataba para kay baby. Ngunit ano nga ba ang dapat tandaan sa pagpili nito?

Isa ka rin bang mommy na everyday ang struggle sa pagpapakain kay baby dahil sa pagiging pihikan nito? Worry no more moms! Bukod sa healthy foods na makakatulong sa mabilis na development ni baby, importante rin ang vitamins na nakakataba para sa kanila.

Dok, help! Sobrang mapili sa foods ang anak ko.

Para patuloy na maging healthy ang ating mga chikiting ngayong pandemic, nagsagawa ang theAsianparent Philippines kasama ang Propan TLC ng isang education Facebook Live session na may pinamagatang “Gana be the best, Propan: Tulong sa mga chikitings”.

Ang nasabing live session ay pinamunuan ng Head of Content ng theAsianparent Philippines na si Candice Venturanza kasama na ang ating resource speaker at TAPfluencer na si Dr. Gellina Suderio-Maala, siya ay nagtapos ng Doctor of Medicine sa University of Sto. Tomas Hospital.

Ang talakayan na ito ay umikot sa mga dapat tandaan at gawin sa batang pihikan o mapili sa pagkain kasama na ang pag-boost ng kanilang everyday appetite.

“The healthier we eat and move, the happier, less depressed, and more satisfied we become with our lives.”

Nirerekomenda ni Doc Gel ang pagsanay ng pagkain ng masustansyang pagkain lalo na sa mga bata. Kailangan ring sanayin ng mga magulang na sundin ang basic rule rito na “(5)Eat, (2)Reduce, (1)Play, (0)Limit”. Narito ang pagkakaiba ng apat.

vitamins na nakakataba

Vitamins na pampataba at nakakataba ng bata | Image from Unsplash

(5) Eat

Pumapasok sa unang rule na ito ang limang grupo ng mga pagkain.

Ayon kay Doc Gel, nagsisimula ang healthy at nutritious food ni baby sa pagpapasuso o breastfeeding ng ina pag kapanganak pa lamang.

Mayroong iba’t-ibang importanteng ingredients at antibodies ang gatas ng nanay na makakatulong sa proteksiyon ni baby sa maaaring makuhang sakit niya habang lumalaki. Kaya naman ang breast milk ay binansagang “ideal nutrition” na kailangang matanggap ng baby mula 0-6 months old.

Pagsapit ng 6 months old ng sanggol, dito na ipinapakilala ng ina ang “complementary foods” sa kanila. Hindi na kasi sumasapat ang nutrients na nakukuha ng bata sa gatas ng ina.

Ngunit hindi ibig sabihin nito na kailangan mo nang itigil si baby sa breastfeeding. Kung hindi pagtungtong ng anim na buwan ng bata, maaari mo na siyang bigyan ng semi-solid foods. Nirerekomenda ng mga doctor ang breastfeeding hanggang dalawang taong gulang.

Maaari nang bigyan ng finger foods ang iyong anak kapag siya ay 8 months old na. Dito na kasi nagsisimulang sanayin niya ang sariling kamay sa paghawak ng mga bagay. Lumpy foods naman pagdating ng 10 months at table foods sa 12 months old.

Sa pagbibigay ng solids foods kay baby, kinakailangan na mapunan nito ang nutrients na kailangan matanggap ng iyong anak.

May naging katanungan sa live na kung kailangan pa ba ng isang baby na uminom ng vitamins kahit na ito ay mataba na. Ayon kay Doc Gel, parte ng paglaki ng bata ang wellness check-up. Dito nila ninusuri ang laki, haba o timbang ng sanggol.

Kinakailangan nilang tignan kung ang timbang ba nila ay pasok sa edad ng bata. May pagkakataon na malusog ang bata ngunit hindi masustansya ang kinakain na nagiging dahilan ng abnormal na paglobo nila. Kadalasan itong nakukuha sa junk foods o fast foods.

Dalawang uri ng nutrients:

  • Essential nutrients- ang nutrients na ito ay hindi makikita sa katawan ng tao at makukuha lamang sa mga masustansiyang pagkain.
  • Non-essential nutrients- ito naman ang uri ng nutrients na ginagawa ng katawan.
vitamins na nakakataba

Vitamins na pampataba at nakakataba ng bata

Para naman sa mga batang kulang sa timbang at pihikan sa pagkain, kinakailangan nilang kumain ng masustansyang pagkain na simahan pa ng supplements na pang pagana kumain.

At para mapunan ang required nutrition ng bata sa isang araw, kinakailangan na mayroong vitamins, minerals, carbohydrates at protein ang kanilang pagkain na makikita sa plato.

Isang tip na ibinigay ni Doc Gel para sa mga magulang na hirap pakainin ang kanilang anak, maging creative lang sa paghahain ng pagkain sa kanila. Kung maaari, maglagay ng maraming kulay sa plato maging kaakit-akit ito sa mata nila.

Bukod sa masustansiyang pagkain, nakakatulong din ang nutritional supplements sa kanilang health. Kinakailangan na nakakasiguro ka sa supplements na ibibigay mo sa iyong anak. Isa sa nirerekomenda na supplements ay ang Propan TLC.

Ito ay dahil ang Propan lang ang mayroong 100% Reni Vitamin C. Kasama na rito ang Vitamin A, Vitamin E, chlorella growth factor, taurine, lysine, b vitamins at vitamin D.

Ayon kay Doc Gel, mahalaga ang mga nutrients na ito dahil nagsisilbi itong antioxidants na nakakatulong sa sugat at iba pa ng bata.

(2) Reduce

Ang mga bata ay may average screen time ng 5-6 oras sa harap ng TV. Ang sobra-sobrang pagtutok sa gadgets ng mga bata ay dahilan ng obesity o mabilis na paglaki ng timbang. Ito ay dahil kung mas matagal ang screen time, mas matagal rin ang oras ng paghiga ng bata. Narito ang dapat na oras ng screen time ng mga bata depende sa kanilang edad:

  • 1 year old below- bawal muna sa mga digital devices
  • 2 years old below- kailangan ay less than 1 hour ang kanilang screen time
  • 3-4 years old- less than 1 hour din sa isang araw
  • Above 5 years old- kinakailangan na kontrolin ng magulang ang screen time ng mga bata. Mag bigay ng limit at oras.

Isa pang ibinahagi ni Doc Gel na kinakailangang ‘wag sanayin ng mga magulang na pakainin sa harap ng TV o gadgets ang mga anak nila. Ito ay isang dahilan ng overeating o obesity dahil nakatutok ang atensyon ng mga bata sa screen at hindi namamalayang napapasobra na pala ang kinakain. Iba pang dahilan rito ay distracted ang bata at hindi nabibigyan ng atensyon ang kinakain.

(1) Play

Ayon sa Center for Disease Control, ang regular na pisikal na aktibidad ay nakakatulong sa mga bata na mag-develop ng kanilang cardiorespiratory fitness, pagkakaroon ng malakas na buto at kalamnan, kasama na rin dito ang kontroladong timbang. Nakakababa pa ito ng sintomas ng anxiety at depression. Kung aktibo ang bata sa pisikal na gawain, paglalaro man ‘yan o sports, maaaring bumaba ang risk nila na magkaroon ng sakit sa puso.

vitamins na nakakataba

Vitamins na pampataba at nakakataba ng bata | Image from Unsplash

Ayon sa research, kung aktibo sa pisikal na gawain ang mga bata kasama na ang mga magulang nito, napagalaman na sila ay mas humahaba ang buhay at nagiging healthy. Hindi lang sa bata kundi pati na rin sa mga magulang.

“Keep kids active at home (and at school). Support physical educations, walkable communities and safe places to play. Their future health depends on it.” -American Heart Association

Maaaring gumawa ng mini obstacles sa loob ng bahay ang mga magulang. Kahit simpleng daily chores, ay maaaring isama sa pisikal na ehersisyo ng mga bata.

(0) Limit

Papasok sa huling dapat tandaan ng mga magulang ay ang pagbibigay ng limitasiyon sa mga iniinom ng mga bata. Bawasan ang pag-inom ng sugary fluids katulad softdrinks at fruit juices. Hangga’t maaari, tubig lang ang dapat ibigay sa mga bata.

Hindi naman dapat mag-alala kung ikaw mismo ang gagawa ng inumin ng anak mo katulad ng smoothies o fruit juice.

 

Paalala: Hindi ineendorso ng theAsianparent Philippines ang Propan TLC.

 

Para mapanood ang educational live session katulad nito, i-like lamang ang aming official Facebook page theAsianparent Philippines o kaya naman i-download ang aming app para naman magkaroon ng interaction sa ibang Pinay moms!

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!