Tanong ng mga mommies, kailangan ba talaga ng vitamins ng baby? Alamin ang kasagutan rito.
Bilang magulang, gusto nating matiyak na ang ating anak ay nabibigyan ng sapat na nutrisyon. Mula pa lang nang sila ay ating ipinagbubuntis, maipanganak at hanggang sa paglaki.
Kaya naman, bukod sa gatas na nagsisilbing pangunahing source ng pagkain at inumin ng mga baby. Kaakibat ang pagbibigay ng vitamins ng baby na mainam para sa kanila. Ito ay para suportahan ang kanilang overall development at lumaki silang masigla, malusog, at matalino.
Pero tanong ng maraming magulang, dapat na bang painumin ang newborn ng vitamins? Kailan ba dapat simulan ang pagpapainom ng vitamins kay baby?
Pagkapanganak pa lang, mayroon nang vitamin na ibinibigay sa mga sanggol – ang vitamin K. Ang mga sanggol na hindi nakakakuha ng vitamin K pagkapanganak ay at risk sa matinding sakit na vitamin K deficient bleeding (VKDB). Maari itong magdulot ng pagdurugo ng organs sa katawan ni baby o maging sanhi ng brain damage.
Dahil karamihan ng vitamin K ay nakukuha natin mula sa pagkain, at hindi sapat ang vitamin K na maipapasa mula sa gatas ng ina, ibinibigay ang vitamin K sa sanggol pagkapanganak pa lang para makaiwas sa VKDB.
Talaan ng Nilalaman
Mga dapat malaman sa pagpapainom ng vitamins ng baby
Sa isa sa mga nakaraang talk na inilunsad ng theAsianparent-Philippines, isa sa mga naging paksa ang pagpapainom ng vitamins sa mga bata, lalo na sa mga sanggol pa lamang. Kalahok sa talk na ito sina Dr. Gellina Maalala, isang pediatrician.
Ayon kay Dr. Maalala, hindi basta-basta ang proseso ng paghahatol ng vitamins sa mga bata. Lalo na sa mga kasisilang pa lamang na sanggol.
Isa sa kaniyang bilin sa pagpapainom ng vitamins sa baby ay ang pagkonsulta muna sa pediatrician ng inyong anak. Kailangan muna kasing masuri ang pangkalahatang lagay ng kalusugan ng bata.
Aalamin din niya ang kasalukuyang sources ng vitamins ng baby bago mahatulan ng nararapat na supplement ayon sa pangangailangan ng katawan nito.
Ang ilan pa sa kaniyang mahahalagang paalala bago painumin ng vitamins ang anak ay ang mga sumusunod:
- Pinapayuhan ang mga magulang na at least two weeks old na ang baby na sisimulang painumin ng multivitamins.
- Bukod sa edad, ibinabatay ng pedia ang uri at proseso ng pagpapainom ng vitamins sa timbang—bigat o gaan—ng baby.
- Nakabatay rin sa uri ng gatas na iniinom ng sanggol ang vitamins na inihahatol dito. Kailangang malaman muna ng pedia kung ang sanggol ay breastfed o formula-fed. Para maisaalang-alang ang kasalukuyang content ng nutrients na nakukuha ng sanggol batay sa gatas na dinedede.
- Pagdating ng anim na buwan ng baby, nadaragdagan ang listahan ng mga posibleng pagkuhanan ng sustansiya ng kanilang katawan dahil sinisimulan nang ipakilala sa kanila ang solid food. Panibagong pagsusuri ito at pag-alam ng pedia ng mainam na maipainom na uri ng vitamins ng baby.
Paano kapag breastfed si baby?
Kinikilala natin ang kahalagahan ng pagpapadede ng ina sa kaniyang anak, lalo na sa mga unang araw, linggo, o buwan pa ng buhay nito.
Ayon kay Dr. Maalala, ito rin ang dahilan kung bakit makalipas pa ang dalawang linggong buhay ng bata bago nila hinahatulan ng vitamins ang baby. Upang mapuno muna ng nutrients mula sa breastmilk ang sistema ng sanggol.
Pagbabahagi ng doktora, maraming immunoglobulins, vitamins, fat, protein, at carbohydrates ang gatas ng ina. Sapat din ang tubig nito na 80% ng kabuuang content ng gatas. Kaya kailangan lamang talagang pagpursigihan ng mga nanay na makapagpadede sa kanilang anak.
Lalo na sa mga nanay na hindi madali at mabilis ang paglabas ng output (supply ng gatas), kailangan talagang tiyagaing mapadede si baby. Sapagkat dito rin nakasalalay ang pagdami at pag-stabilize ng supply ng gatas para sa sanggol kalaunan.
Anong mga vitamins ang kailangan ni baby?
Bagamat napakaraming sustansya ang nakukuha sa gatas ng ina, may
Subalit mayroon pang isang uri ng nutrient na hindi makukuha ni baby sa breast milk — ang vitamin D. Kaya pinapayuhan talaga ng mga pedia ang mga magulang na sa pinakamurang edad pa lamang ng sanggol.
Ugaliin nang paarawan ang baby dahil isa sa mga pangunahing source ng vitamin D ang sikat ng araw sa umaga. Hinihikayat ding gawin ito maging hanggang sa paglaki ng mga bata.
Kaya sa mga breastfed baby, bukod sa pagpapaaraw, vitamin D ang karaniwang ibinibigay ng pedia. Lalo pa sa mga lugar kung saan hindi madalas makapagpa-araw ang mga sanggol. Mahalagang sundin ang rekomendasyon ng pediatrician ng inyong anak pagdating sa bagay na ito.
Ang mga breastfed at partially breastfed babies ay nangangailangan ng 1 mg/kg oral iron supplements kada araw pagdating ng ika-4 na buwan hanggang pwede na siyang kumain ng mga pagkaing mayaman sa iron.
Pero dahil kailangan ng sanggol ng 11 mg ng iron bawat araw, puwede nang ituluy-tuloy ni baby ang pag-inom ng vitamins na ito. Kailangan ng mga sanggol ng iron para makaiwas sa sakit na iron-deficiency anemia.
-
Vitamin B-12
Gaya ng paalala ng mga eksperto, nakasalalay rin sa kinakain ng nanay ang sustansya na makukuha ni baby mula sa breast milk. Kaya kung nagpapadede ka pero hindi ka kumakain ng karne at mga dairy products.
Hindi ka rin nakakakuha ng sapat na B12, iron, zinc at calcium. Mas maiging kumonsulta sa pediatrician ng iyong anak para malaman kung dapat bang bigyan ng vitamin B-12 supplement si baby.
Kailan dapat painumin ng vitamins si baby?
Kung formula milk naman ang iniinom ng iyong anak, tanungin muna ang inyong doktor kung dapat ba siyang bigyan ng karagdagang vitamins ng baby. Dahil kadalasan, ang formula milk ay “fortified” na ng iron, vitamin D at iba pang nutrients. Kaya kung sapat ang nadede niyang formula milk, marahil ay hindi na niya kailangan ng vitamin supplements.
Kung mixed-feeding naman o dumedede sa iyo at umiinom ng formula milk si baby. Mas mabuting tanungin pa rin ang pediatrician ni baby para masigurong nakukuha niya ang lahat ng nutrients na kakailanganin niya.
Kausapin rin ang inyong doktor kung kailangan na bang bigyan ng vitamins ang iyong sanggol kung:
- ipinanganak siya ng premature
- kung mayroon siya congenital disease o mga seryosong karamdaman
- kung breastfeeding siya pero kulang sa vitamins o sustansya ang diet ni Mommy (kaya naman importante na patuloy pa ring uminom ng prenatal vitamins si mommy kapag nagpapadede siya)
Pagdating ng ika-6 na buwan at nagsisimula nang kumain ng solids ang iyong anak, at humihina o dumadalang na rin ang kaniyang pagdede.
Kumonsulta uli sa kaniyang pediatrician upang malaman kung dapat na bang dagdagan ang nutrients na nakukuha ni baby at kung anong vitamins ang kailangan mong ibigay sa kaniya.
Karagdagang ulat ni Camille Eusebio
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.