Nagpa-plano na ba kayong bumuo ng pamilya? O baka naman matagal mo nang nais magbuntis pero walang nangyayari. Alam niyo ba na mayroong mga paraan para matulungan kang mag-conceive?
Mababasa sa artikulong ito:
- Tamang pagpili ng vitamins para mabuntis agad
- 6 vitamins para mabuntis agad
Isa diyan ay ang pagkain ng tama para magkaroon ka ng tamang nutrients. Dapat din ay nakakatulog ka ng at least 8 oras. Huwag din kalimutan ang pag-e-exercise at isabay mo na rin ang pag-iwas sa mga bisyo tulad ng alcohol at paninigarilyo.
Pero bukod sa mga iyan, pwede ka rin uminom ng vitamins para mabuntis agad.
Ayon sa Healthline, mahalaga ang pag-inom ng vitamins para mabuntis agad dahil nakakatulong ito sa reproductive health ng isang babae at maging sa health ni mister.
BASAHIN:
Safe ba na uminom ng Enervon Multivitamins ang breastfeeding mom?
LIST: Top 5 best nipple cream for breastfeeding in the Philippines
LIST: Be a glowing buntis with our 6 best moisturizers for pregnant women!
Para sa mga babaeng nais magbuntis, importante ang vitamins para mabuntis agad dahil kailangan ito para sa menstruation at ovulation, thyroid function, pag-produce ng energy, pagpapatibay ng immunity, at para sa egg quality.
Ayon kay Dr. Gergen Marie Lazaro-Dizon isang OB-gynecologist at eksperto sa Infertility mula sa Makati Medical Center, ang lahat umano ng nais magbuntis at mga nagdadalang tao ay kinakailangan ng folic acid.
“So 800 minimum o 800 microgram per day you continue that hanggang sa mga four months of pregnancy, requirement talaga ‘yun. Whether for fertility or not for conception to prevent ‘yung mga preventable abnormalities o ‘yung tinatawag nating neural tube defects."
Dagdag pa niya may mga supplements din na maaaring ireseta sa mga nais magbuntis subalit hindi naman ito siguradong nakakatulong sa fertility ng babae. Kaya higit talaga na kinakailangan na magpakonsulta sa isang eksperto kung nais magbuntis.
“I mean you can pero wala namang masyadog proof na nakakatulong. Sa babae sometimes we give them ang mga medyo may age na binibigyan ng mga supplements to improve the quality of the eggs." ani ni Dr. Dizon.
Dagdag pa niya, binibigyan din o nireresetahan nila ang mga babaeng nais magbuntis ng may coQ10, omega, vitamin d3, at DHEA.
Of course, mainam na kumunsulta din kayo ng iyong partner sa doktor para malaman kung ano ang nangyayari sa inyo reproductively.
Narito ang ilan sa mga pinaka-popular na vitamins para mabuntis agad na pwedeng makatulong sa inyo.
Pagpili ng vitamins para mabuntis agad
Ideally, dapat inumin ang vitamins 3 buwan bago ka mabuntis kaya dapat talaga itong paghandaan. Heto ang mga dapat mong suriin sa pagpili:
- Benefits – I-check mong mabuti kung ano ang mga benefits ng supplements na bibilhin mo. May ilang mga vitamins na may kamahalan at kung ito ay iinumin mo araw-araw, mabuting alam mo kung para saan ito.
- Safety – Alamin mo kung ito ay safe para sa iyo. Maaaring may contraindications ito sa pre-existing health conditions mo. Mayroon na ring mga fake vitamins so maging maingat sa pagbili nito. I-check mo rin kung tama ang dosage para sa iyo para maging epektibo ito.
6 vitamins para mabuntis agad
Bakit maganda ito?
Alam ng madami na ang folic acid ay mahalaga para sa isang nagbubuntis dahil nakakatulong itong maiwasan ang congenital defects para kay baby.
Pero alam niyo bang mainam din ito para sa mga nais palang magdalang-tao? Nakakatulong ito upang pataasin ang fertility ng isang babae.
- Benefits
- Ang mga babaeng nasa child-bearing age na gusto na mabuntis ay dapat uminom ng folic acid.
- Pinapataas nito ang chances ng pagbubuntis.
- Nakakatulong din ito sa fertility.
- Other benefits
- Kung ikaw ay nagbubuntis na, nakakatulong itong maiwasan ang brain or spinal cord effect.
- Mainam ito para maiwasan ang anemia.
- Price
- ₱346.00
Bakit maganda ito?
Isa ito sa mga vitamins na isa ding antioxidant. Ang antioxidants ay nakakatulong upang labanan ang mga free radicals na maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit.
Sinasabi ring napapabagal nito ang age-related changes sa reproductive system.
- Benefits
- Ayon sa Medical News Today, nakakatulong ito sa pag-treat ng female fertility issues.
- Para sa mga kalalakihan naman, nakakatulong ito sa sperm motility.
- Other benefits
- Antioxidants para labanan ang mga sakit.
- Price
- ₱850.25
Bakit maganda ito?
Para sa mga may anemia, kilala na nila ang iron dahil nakakatulong ito maiwasan ang iron deficiency. Pero sa mga nais mabuntis, mahalaga ito dahil nababawasan nito ang risk para sa ovulatory infertility.
- Benefit
- Nakakabawas sa risk ng ovulatory infertility.
- Other benefit
- Para makaiwas sa iron-deficiency anemia.
- Price
- ₱296.00
Bakit maganda ito?
Hindi kami magtataka kung narinig niyo na ang fish oil. Isa ito sa mga pinakakilalang supplements dahil siksik ito sa Omega-3 fatty acids.
Marami ang benefits nito tulad ng pag-promote ng heart health, nakakatulong din ito sa mental health, pwedeng magpababa ng timbang, at pagandahin ang iyong kutis. Pero para sa mga trying to conceive, nakaka-improve ito ng fertility.
- Benefits
- Pinapalakas ang chances ng fertility.
- Pinapaganda nito ang iyong egg quality.
- Other benefits
- Mental health
- Skin health
- Heart health
- Eye health
- Price
- ₱820.00
Bakit maganda ito?
Tulad ng ibang vitamin supplements sa listahang ito, madaming ibang benefits ang CoQ10 partikular na sa heart health. Nakakatulong din ito sa reproductive health.
- Benefits
- Pinapaganda ang quality ng embryo at egg.
- Pinapainam ang ovarian response.
- Pinapakapal ang uterine lining.
- Other benefits
- Lowers blood pressure
- Pinapaganda ang heart health
- Price
- ₱549.78
Bakit maganda ito?
Madalas, kapag binabanggit ang Vitamin E, ang unang naiisip natin ay ang benefits nito sa skin. Pero bukod diyan, mainam din ito para sa iyong reproductive health. Isa rin itong antioxidant tulad ng Acetyl L-carnitine.
- Benefits
- Improve overall reproductive health
- Para sa mga lalaki, ito ay nakakatulong sa sperm function
- Other benefits
- Antioxidants para protektahan ang iyong immunity
- Price
-
₱1,490.00
-
Tandaan, bago uminom ng vitamins na ito, sumangguni muna sa iyong doktor.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.