Tunay na kaligayahan nga naman para sa mag-asawa ang magkaroon ng anak. Ngunit hindi ganun kadali ang mag-conceive lalo na kung may problema sa reproductive health ang isa sa magpartner. Malaking tulong ang vitamins para mabuntis o fertility supplement upang mas maging healthy ang reproductive system.
Kung isa ka sa kasalukuyang sumusubok na magkaanak, basahin mo ang artikulong ito at alamin mo ang mga dapat gawin, ang mga brands ng best vitamins para mabuntis, at iba pa tungkol sa fertility.
Ano ang Fertility?
Ang fertility ay tumutukoy sa likas na kakayahan ng isang tao na magkaroon ng anak. Subalit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakatagon na mabigyan kaagad ng anak. Mga mga tao na ilang taon ng kasal at nagsasama subalit hindi pa nabibiyayaan ng anak. Ayon sa ulat, nasa halos 11% ng mga tao sa buong mundo ang nagkakaroon ng problema pagdating sa pagbuo ng anak. Ito ay tinatawag na infertility.
Hindi lamang mga babae ang kadalasang nakakaranas nito, maging mga lalaki rin. Kaya naman may mga vitamins para mabuntis ang karaniwang nirereseta ng mga obstetrician sa kanilang mga pasyente na kumakaharap sa ganitong suliranin.
Talaan ng Nilalaman
Senyales na may problema ka sa iyong Fertility
-
Matagal nang kasal o nagsasama subalit hindi pa rin nabibiyayaan ng anak
Ito ang pinakakaraniwan na dahilan kaya natutukoy kaagad kung may problema ang magkapareha sa kanilang fertility. Sa kabila ng unprotected sex at hindi paggamit ng contraceptives, hindi pa rin makabuo ng anak sa loob ng isa o matagal na panahon ng pagsasama.
-
Iregular ang pagkakaroon ng regla
Kung palaging matagal kung bago ka datnan ng inyong menstruation, ito ay isa rin sa karaniwan na dahilan ng infertility. Kaakibat din nito ang pangkaraniwang sobrang lakas o sobrang hina ng paglabas ng dugo.
-
Pagsakit ng balakang kapag nakikipagtalik
Kapag palaging sumasakit ang iyong balakang kapag nakikipagtalik ka sa iyong kapareha, isa rin ito sa dahilan ng infertility. Sumangguni sa iyong OB kung madalas ito nararanasan. Maaari rin may iba pang kaakibat na problema sa iyong kalusugan ang dala nito.
-
Madalas na miscarriage o makunan habang nagbubuntis
Sa babae, ang madalas na pagkabugok ng itlog sa sinapupunan at madalas na hindi mabuo ng tuluyan ang bata sa loob ng tiyan ay isa sa epekto ng infertility. Kung nasa mahigit dalawa na ang iyong miscarriage, mas mabuting humingi ng payo sa iyong OB upang malaman ang dapat gawin at vitamins para mabuntis.
-
Pagbaba ng libido at erectile dysfunction habang nakikipagtalik ang isang lalaki
Kapag palaging walang gana sa pakikipagtalik at madalas may erectile dysfunction, baka signs ng infertility na ‘yan. Makakabuting magpasperm count upang makasigurado.
Dahilan ng Infertility ng isang tao
May mga ilang dahilan na nakakaapekto sa isang indibidwal kung bakit nagkakaroon siya ng infertility sa kaniyang katawan. Narito ang ilan sa mga pangunahing dahilan.
Edad
Kapag ang isa sa magkapareha ay nasa mahigit 35 taong gulang, ang tiyansa na magkaroon ng infertility ay tumataas. Dahil sa edad, mas makakabuting magpaalaga sa inyong Ob-gyne upang malamang ang tamang gawin upang makabuo agad ng anak.
Sakit na nakakaapekto sa fertility
May ilang mga sakit ang nakakaapekto sa fertility ng isang tao. Kabilang na dito ang mga sumusunod:
- Diabetes
- Cancer
- Hypothyroidism
- Periodontal disease
- Untreated celiac disease
Ang karaniwan sa treatment na ginagamit sa mga sakit na ito ay nakakaapekto sa fertility ng isang tao. Maaaring tapusin muna ang gamutan sa mga sakit na ito, bago magdesisyon na ituloy ang pagbuo ng anak o pagbubuntis. May tiyansa na magkaroon ng problema ang dinadalang sanggol kung kasalukuyang nagpapagamot.
Hormonal Imbalance at iba pang sakit sa reproductive organ
Ang pagkakaroon ng hormonal imbalance ng kapareha na lalaki o babae ang isa sa pinakaraniwang dahilan ng infertility. Ang mababang testosterone ang kalimitan na dahilan sa mga lalaki.
Samantalang ang pagkakaroon ng PCOS o Polycystic Ovary Syndrome ang kadalasang dahilan ng infertility sa babae. Humingi ng reseta sa inyong gynecologist ng vitamins para mabuntis kung nagnanais na magkaanak sa madaling panahon. Ang mga lalaki naman ay maaring magpareseta sa kanilang urologist.
Obesity o sobrang katabaan
Ang sobrang taba sa katawan ang isa sa problema kung bakit hindi kaagad nagkakaanak ang isang tao. Lumalabas sa pag-aaral ng mga eksperto na mas lalong dumami ang taong obese o sobrang taba lalo na ngayong may pandemya.
Dahil sa patuloy na lockdown at kawalan ng outdoor activities na nagreresulta ng pagbagal ng metabolism sa katawan. Isa rin ito sa tinuturong dahilan sa pagbaba ng sperm count ng kalalakihan at problema sa ovulation ng mga kababaihan.
Unhealthy lifestyle
Sa unhealthy lifestyle, dito pumapasok ang stress na pangunahing sanhi ng infertility sa isang tao. Bukod pa rito, ang kawalan ng sapat na pahinga o tulog ay malaki ang epekto sa fertility.
Isa pa sa dahilan na kaakibat ng unhealthy lifestyle ng isang tao ang pagkain ng hindi masustansya. Ang pagkonsumo ng pagkaing maaalat, sobrang mamantika, sobrang matatamis ay dapat na iwasan kung ikaw ay may sintomas ng infertility.
Excessive smoking o paninigarilyo
Alam naman nating lahat na maraming masamang epekto ang paninigarilyo hindi lamang sa 1st hand smoker, maging sa mga nakakalanghap nito. ang sobrang exposure sa chemical na dala ng palagiang paninigarilyo ang isa sa dahilan ng infertility.
Pag-inom ng maintenance medicine o iba pang medication
May mga gamot ang lubhang nakakapekto sa fertility ng isang tao. Para malaman kung ang iyong gamot ay nakakapekto sa pagbuo ng anak, sumangguni sa inyong espesyalista.
Best vitamins para mabuntis
May mga over the counter na fertility supplements ang mabibili sa mga botika. Bago uminom ng anumang supplement, kinakailangan muna humingi ng payo sa inyong doktor.
BELTA Folic Acid Supplement for Men and Women
Best fertility supplement for men and women
|
Buy from Shopee |
FERN Activ (Vitamin B Complex)
Best for vitamin B complex component
|
BUY FROM LAZADA |
Fairhaven Health Male Fertility Supplement
Best fertility booster for men
|
BUY FROM SHOPEE |
Menevit Men's Fertility
Best for sperm health
|
BUY FROM LAZADA |
Naturethics Fertility Supplement
Best for natural formula
|
BUY FROM SHOPEE |
PREGO Fertility Support
Best for antioxidants components
|
BUY FROM LAZADA |
BELTA Folic Acid Supplement for Men and Women
Best fertility supplement for men and women
Ang Belta Folic Acid ay ang number 1 fertility supplement sa Japan. Ito ay proven effective sa pagtulong upang magkaroon ng regular menstruation ang mga kababaihan. Para naman sa mga kalalakihan, kaya nitong mapataas ang sperm count na kinakailangan upang makabuo.
Karagdagan, ang produktong ito ay nakakatulong din sa proper production ng red blood cells sa katawan. Beneficial din ito maging sa mga buntis dahil ang mga nutrients na taglay nito ay maganda para sa brain development ng sanggol.
Why do we love it:
- Has 13 vitamins, 14 minerals, and 20 classes of amino acids
- Can be taken by both men and women
- Sperm count booster
- With essential nutrients
FERN Activ (Vitamin B Complex)
Best for vitamin B complex component
Ang FERN-ACTIV ay gawa sa iba’t ibang Vitamins at Minerals na kinakailangan ng isang malusog na katawan. Kapag may malusog na katawan, tumataas ang porsyento ng pagkakaroon ng malusog din na anak. Ang produktong ito ay naglalaman ng Vitamin B, Vitamin C, Zinc, Vitamin D, Calcium at iba pa.
Ang Vitamin B ay kinakailangan ng katawan upang maayos na mag-function ang katawan at reproductive system. Madalas itong makukuha sa mga pagkain ng green leafy vegetables, nuts, at dairy products.
Why do we love it:
- Helps in good digestion
- Gives you proper nerve function
- Supports the immune system for better health
- Provides a healthy brain function
Fairhaven Health Fertilaid Supplement
Best fertility booster for men
Isa pa sa expert trusted fertility supplement sa buong mundo ay ang Fairhaven Health Fertilaid Supplement. Ginawa ito para sa mga kalalakihan na nakakaranas infertility. Tamang-tama ang fertility pill na ito para sa mga lalaki na may low sperm count or low libido.
Ang pag-inom ng vitamins na ito ay nakakapagpalakas ng sperm at maging ng buong reproductive health ng lalaki. Marami rin ang nagpatunay na effective ito for fertility. Naglalaman din kasi ang vitamins na ito ng antioxidants at iba pang essential nutrients na kailangan ng sperm cell.
Why do we love it:
- Made to support men’s sperm cell
- Increases sperm count
- Has amino acids
- With L-Carnitine
Menevit Men’s Fertility
Best for sperm health
Ang Menevit Capsules ay sadyang ginawa para sa fertility ng kalalakihan. Hindi lamang ang kababaihan ang nawawalan ng pag-asa kapag hindi magkaanak ang isang mag-asawa sa mahabang panahon.
Ang mga asawang lalaki ay bumababa ang kumpyansa sa sarili. Ang Menevit ang nagbibigay ng pag-asa para magkaanak at pinapalakas nito ang sperms ng mga lalaki.
Ang bawat capsule nito ay naglalaman ng Ascorbic Acid (vitamin C), Calcium Ascorbate Dehydrate, Zinc (nagpapalakas ng immune system), Vitamin E, Folic Acid, Lycopene, Selenium, at iba na makakatulong sa pagtaas ng sperm count at maayos na kundisyon ng reproductive organ.
Why do we love it:
- Strengthens sperm of men
- Increases sperm count
- Has amino acids
- With L-Carnitine
Naturethics Fertility Food Supplement
Best for natural formula
Kung nais ng vegan-friendly vitamins para mabuntis, ang Naturethics fertility supplement ang para sa iyo. Gawa ito sa all-natural at farm fresh ingredients kaya worry-free ka dahil di ito naglalaman ng harmful chemicals.
Bukod pa roon, ang Naturethics Fertility Food Supplement ay talaga namang nagbibigay ng malaking chance para mabuntis habang pinapanatili nitong healthy ang iyong katawan. Mayroong complete pregnancy and fertility nutrition na nakakatulong sa iyong reproductive health. Nagdudulot din ito ng pampagana sa makikipagtalik.
Hindi lamang ‘yan, dahil proven din ito na nakakatulong sa PCOS at irregular menstruation.
Why do we love it:
- Increases sexual appetite
- Helps in PCOS symptoms
- No harmful ingredients
- Aids in balancing your hormones
Prego Fertility Support
Best for antioxidants components
Para naman sa mga kababaihan ang Prego Fertility Support. Sigurado kaming magugustuhan mo ang supplement na ito. Ito ay dahil sa kaya nitong matulungan ka para maging regular ang iyong period at mas madaling mabuntis.
Hindi lamang iyan, perfect din ito para sa mga babaeng may PCOS dahil kaya nitong iimprove ang mga symptoms ng nasabing kondisyon. Kaya ka rin nitong matulungan kung ang problema mo ay acne at oily skin!
Why do we love it:
- Has aloe vera honey
- Aids in acne and oily skin
- Approved by the Food and Drug Administration
- With rosehip seed oil
Price Comparison Table
Brands | Pack size | Price | Price per piece |
Belta | 180 tablets (120 W and 60 M) | Php 3,150.00 | Php 17.50 |
FERN Activ | 60 tablets | Php 599.00 | Php 9.98 |
Fairhaven Health | 90 tablets | Php 1,890.00 | Php 21.00 |
Menevit | 90 tablets | Php 3,090.00 | Php 34.33 |
Naturethics | 100 capsules | Php 595.00 | Php 5.95 |
Prego | 100 capsules | Php 1,299.00 | Php 12.99 |
Tips na maaaring sundin upang magkaanak
May mga ilang mga paraan upang maging fertile ang isang tao. Karamihan sa mga tips na ito ay may kinalaman sa pagbabago ng lifestyle. Ito ay ang mga sumusunod:
-
Pagkain ng masustasya
Kapag sinabing masustansya, kailangan siguraduhing sariwa ang mga pagkain na kakainin. Mas mainam na bumili sa mga fresh market o malalaking palengke.
Bumili ng mga pagkaing naglalaman ng antioxidant tulad ng bawang, sibuyas, talong, spinach, kalabasa, carrots, repolyo, cauliflower, broccoli, mangga, kiwi, orange, karne, lamang-dagat, at iba pa.
Ang antioxidant ang lumalaban sa free radicals cells na dahilan ng pagkasira o pagkakaroon ng sakit. Kumain rin ng mga pagkaing mayaman sa folic acid tulad ng green leafy vegetables, peas, beans, nuts, at iba pa.
Ang folic acid ang isa sa mga binibigay na vitamins para mabuntis.
-
Pag-iwas sa pagkonsumo ng mga pagkaing may transfat
Ang trans fat ang isa sa dahilan kaya nagkakaroon ng obesity ng magkapareha at ovulation problem ang isang babae. Malaki ang maitutulong kung iiwas sa pagkain na may trans fat tulad ng margarine, fried foods (fast food), processed foods, at baked goodies. Pumili ng healthy snacks tulad ng salad at fresh na prutas kung nagkakaroon ng cravings.
-
Bawasan ang pagkain ng carbohydrates
Kung ikaw ay may PCOS, makakabuting iwasan ang pagkain ng carbohydrates tulad ng rice, breads, cakes, pasta, at iba pa. Ang mataas na carbohydrates sa katawan ang dahilan kaya tumataas ang sugar sa katawan na isa sa dahilan kung bakit hindi agad magkaanak.
-
Kontrolin ang paninigarilyo
Katulad ng nabanggit sa itaas, ang malimit na paninigarilyo ay malaking factor ng infertility sa isang tao. Sa dami ng chemical na nasa loob ng sigarilyo, hindi malayong malaki ang maging epekto nito sa kalusugan.
Kung maaari, kontrolin ito hanggang kakayanin. Iwasan kung kinakailangan. Kung hindi mapigilan, sumangguni sa espesyalista kung anung pwedeng alternative na gawin para makaiwasan dito. ugal
-
Ugaliin ang pag-eehersisyo
Kung nananamlay at sobrang taba, kailangan maglaan ng atleast 30 minutes para sa ehersisyo. Hindi mo kinakailangan na lumabas ng bahay, may mga ehersisyo na pwedeng gawin sa loob lamang ng iyong bahay.
May mga video sa youtube na madali lamang sundan at hindi nangangailangan ng espesyal na kagamitan. Kung ito ay madalas gagawin. Malaki ang chance na bumuti ang iyong kalusugan.
-
Sapat na tulog o pahinga kung kinakailangan
Malaking bagay ang magagawa kapag ang isang tao ay mayroong sapat na tulog o pahinga sa isang araw. Hindi lamang nagiging productive ang araw, nagiging mas malusog ang katawan at isipan.
Bukod pa rito, malaki rin ang role nito sa pagkakaroon ng maayos na function ng reproductive system sa isang tao.
-
Pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng stress
Ang stress ang isa sa pinakamalaki ang epekto sa kalusugan ng isang tao. Kapag ang isang tao ay palaging stress, malaki ang tsansa na hindi maaayos ang function ng katawan at isip.
Nagbubunga ito ng paghina ng immune system at iba pang sakit ng katawan at pag-iisip. Umiwas sa mga bagay na nagdudulot ng malaking stress.
Kung hindi maiiwasan, humanap ng pagkakalibangan na maganda ang dulot sa iyong katawan at isip. Maaaring ito ay pagkawili sa sports, hobbies na nakaka-relax, at mga aktibidad na nakakapagpapasaya sa iyo.
-
Pagtigil sa bisyo
Malaki ang epekto sa pangkabuoan ang pagkakalulong sa bisyo. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng infertility.
Gayundin ang sobrang pag-inom ng alak. Hangga’t maaari, itigil ang anumang bisyo na nakakaapekto sa katawan at isip. Ibaling ang atensyon sa mga bagay na makakatulong sa pag-unlad ng sarili.
-
Pag-inom ng fertility supplement o vitamins para mabuntis
Kung lahat ng mga nabanggit ay nasubukan na at sinusunod, pinakamainam pa rin na gawin ang pagkonsulta sa obgyne (para sa babae) at urologist (para sa lalaki).
May mga laboratory test silang gagawin upang malaman ang kudisyon ng iyong katawan. Sila ang magpapayo ng mga dapat gawin at food supplement na maaring inumin upang maging fertile.
Babala:
Ang mga produktong na nagtataglay ng selenium na makakasama sa katawan kapag sobrang ang nainom. May 100 µg lamang sa matanda ang inaaallow na selenium sa katawan. Kung may maintenance medicine o nagpapachemo therapy, nakakabuting magpakonsulta sa inyong doktor bago bumili at uminom ng mga fertility supplement na nabanggit. Lahat ng ating ipapasok sa katawan ay dapat ipaalam natin sa mga eksperto o doktor para malaman kung ito ay nakakabuti sa iyong katawan.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.